CHAPTER FOUR
THE MYSTERY OF YESTERDAY
Maniniwala ka ba sa isang pangyayaring hindi naman magiging totoo sa iba? Sa isang kwentong katang isip lang para sa iba? Pero paano kung mangyari ito saiyo? Isang pangyayaring mapapaisip ka kung totoo ba ang mahika at kung totoo ba ang mga sumpa.
Sa aking paggising alam kong hindi ako ganoon katagal natulog. Alam kong kasama lang nila ako at binabantayan si Lief pero ng nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa isang kama natanong ko ang aking sarili, what's going on here? What happened back then? Ano ba talaga ang nangyari. At doon ako nagimbistiga, pinuntahan ko ang lugar kung saan lahat nagsimula...
At nalaman ko ang isang pangyayaring hinding-hindi paniniwalaan ng karamihan...
Flashback
Isang madilim na lugar? Nasaan ba ako?
Wala akong makita kundi kadiliman, nasa impyerno ba ako? Or nasa isang dimension? Bakit ko naman iisipin na nasa dimension ako, eh wala naman ako sa libro.
Luminga-linga ako sapaligid baka sakaling may makita ako, but bigo akong makakita ng liwanag. Kahit nga ang tinatapakan ko, black lang."Yuhoooo... May tao ba dito?" Tanong ko na nag echo pa sa buong madilim na lugar na 'ito. Sumigaw ulit ako pero wala talagang sumagot. Nasaan ba kasi ako, tsk.
Hangang isang babaeng or lalaking naka cloak ang sumulpot, nakaitim ito at balot na balot ang buong katawan. Agad akong nakadama ng takot kaya lumayo ako ng kaunti dito.
"Si-sino ka?" Mahina kong tanong "nasa-saan ako?" Tanong ko pa ulit.
"Naalala mo ba ang nangyari saiyo?" Balik na tanong nito. Nangyari? Ano bang nangyari? Piping tanong ko sa sarili.
"Kapalit ng kanyang buhay ay
kapalit ng buong buhay mo.
Isang tunay na pag-ibig ang
magpapabalik saiyo."Agad akong natulala sa kanyang tinuring, mga ala-ala saakin ay parang agos ng tubig dahil sa bilis.
Naaksidente kami at si si "NASAAN SI LIEF? OKAY LANG BA SIYA? HA? sagutin mo naman ako oh."
BINABASA MO ANG
The Twisted Tale, The Twisted Fate [COMPLETED]
Mystery / ThrillerManiniwala ka ba sa isang pangyayaring hindi naman magiging totoo sa iba? Sa isang kwentong katang isip lang para sa iba? Pero paano kung mangyari ito saiyo? Isang pangyayaring mapapaisip ka kung totoo ba ang mahika at kung totoo ba ang mga sumpa. S...