SPECIAL CHAPTER
THE WEDDING
Kung sino pa ang lalaki siya pa ang mas lalong kinakabahan sa kanilang dalawa, magkahiwalay man ng kwarto sa hotel na tinutuluyan ramdam ng bawat isa ang kaba sa nalalapit nilang kasal, tatlongpong minuto nalang at haharap na sila sa altar.
Ito na ang pinakaiintay ng dalawa dahil after more than four years, matutupad na ang pinangako ni Lief at pangarap ni Kate, ang ikasal silang dalawa.
"Bro, you okay?" Tanong ng best man na kakapasok lang sa room kung saan naka-stay si Lief. Nakaharap ito sa full body mirror at inaayos ang kurbada, may bakas ng kaba sa mukha niya na hindi nakalagpas sa paningin ng kanyang best man. "Ganyan din ako, Aron. Noong kinasal kami ni Snow may kaba akong naramdaman pero nagtiwala ako sa kanya. Nagtiwala akong susulpot siya sa kasal namin, at malabo kang takbuhan ni Kate, patay na patay 'yon sa'yo eh."
Napangiti tuloy siya. "Pero na late si Snow ng isang oras?" Pangaasar niya na umepekto naman sa kaibigan.
"Gag*!" Sigaw nito na nagpatawa sa huli. "Umayos kana at 20 mins nalang." At doon siya naging steady. Kinabahan siya bigla pero agad ding pinakalma ang sarili.
"Paki-kuha naman 'yon." Utos niya sabay turo sa three layers americana na sosootin. It's armani suit made in italy na pasadyang gawa pa ng kanyang ama na mommy naman niya ang nag-design. Hindi niya matangihan ang mga magulang dahil bumabawi ang mga ito sa mga taon na hindi siya kasama.
Inabot sa kanya ng kaibigan ang blue with black Americana at saka niya ito sunuot. Alam na alam talaga ng kanyang ina kung ano ang babagay sa kanya. Kamusta kaya si Kitten? Tanong niya sa kanyang isip.
"Tara na?" Yaya sa kanya ng kaibigan, huling tingin ulit sa sarili at saka siya tumango. Naunang naglakad si Lief palabas, kasunod ng kaibigan. Tinahak ng dalawa ang pa-elivator at dumiretso na pababa hangang maabot nila ang Garden ng Hotel kung saan nagaantay ang mga bisita sa gagawing Garden Wedding.
Sa kabilang banda.
Kabado parin na nakatingin sa sarili si Kate sa salamin dahil ilang minuto nalang bababa na siya at mangangako na sa lalaking pinapangarap niya. Hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas ng loob ngayong sari-sari na ang pumapasok na posibilidad sa kanyang isip. Buti nalang talaga dumating ang kanyang mommy bago pa siya mabaliw.
"I feel you. Ganyan na ganyan ako noong ikakasal na ako sa daddy mo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero alam mo ang sinabi ng mama ko? Trust your instinct and it will lead you in good way. And my instinct back then is go to the altar and say I do to your dad, and here we are. 30 years of marriage? Not bad."
"Mom..."
"Oh wag kang iiyak, masisira ang magandang pagkakagawa sa mata mo. Hayy Alam mo anak, muntikan ka ng mawala sa kanya, nakita ko kung paano siya hindi sumuko saiyo kahit pa sabihin ng doctor na wala na kaming magagawa kundi tangapin na hangang doon nalang, pero siya? Hindi kailanman siya sumuko na ipaglaban ka. Ngayon pa kaya na, onting oras nalang ang iintayin niya, sa kanyang-kanya kana, doon paba siya susuko saiyo?"
Napatango si Kate sa sinabi ng kanyang ina. Naisip niya ano pa ba ang hindi napapatunayan ni Lief sa kanya para sabihing mahal na mahal siya nito? Wala na. Lahat pinakita na nito sa kanya at siya, ang kaya na lang niyang gawin ngayon. Sumulpot sa kasal nila, magsabi ng I do, mangako at mahalin niya ito habang buhay.
"Thank you, mommy. Sa inyo ni dad, the best kayo."
"Proud naman kami saiyo anak, lumaban ka eh. Hindi ka din sumuko, mahal na mahal ka rin namin."
BINABASA MO ANG
The Twisted Tale, The Twisted Fate [COMPLETED]
Mystery / ThrillerManiniwala ka ba sa isang pangyayaring hindi naman magiging totoo sa iba? Sa isang kwentong katang isip lang para sa iba? Pero paano kung mangyari ito saiyo? Isang pangyayaring mapapaisip ka kung totoo ba ang mahika at kung totoo ba ang mga sumpa. S...