Chapter 6

7.5K 182 0
                                    

"MASAYA ako dahil nandito ka na, 'pa," maluha-luhang sabi ni Jacque sa kanyang ama. Niyakap niya ito nang mahigpit. Miss na miss niya ang ama lalo pa at nag-iisa siyang babaeng anak. She was always her father's baby. Prinsesa siya nito at ito lamang ang nag-iisang hari sa buhay niya.

"Salamat dahil noong wala ako rito, you took charge. I am happy for the woman you have become, my princess," anito na nagpaluha sa kanya. Kumpletong-kumpleto na ang pamilya nila.

Isang buwan na ang nakalilipas mula noong isilang ang pamangkin niyang si Biel. Nabili na nila ang bahay at lupang kinaroroonan nila ngayon. Dalawang linggo na sila roon, sinadya nilang lumipat agad para sa mas maayos na tahanan na uuwi ang papa niya.

May tatlong kwarto ang bahay kaya wala nang natutulog sa sala at sa gilid ng kwarto niya. Sa isang malaking kwarto ay magkakasama sina Lemuel, Bianca, Damian at Jemma. Sinadya niya iyon para hindi muna sundan ng mga ito si Biel. Ang kwarto niya ang pinakamaliit pero ayos lang, nag-iisa naman siya.

Nakapagtayo na rin sila ng tindahan ilang araw matapos nilang maiayos ang bagong tahanan. Malaki-laki ang utang niya kay Patricia ngunit masaya siya. Wala nga silang tinatanggihang trabaho sa ngayon dahil gusto talaga niyang makabayad agad, nakakahiya na rin kasi kay Patricia, lagi na lang siya nitong sinasalo.

"Tama na ang drama ninyong mag-ama. Kumain na kayo," singit sa kanila ng mama niya. Isa pa sa nagpagaan ng dibdib niya ay ang makitang sobrang masaya ang mama niya. Alam niyang sa kanilang lahat ay ito ang naka-miss sa papa niya. "Jacque, darating ba si Matt?" tanong pa nito sa kanya.

Speaking of Matt, he was always with them. Mula nang lumabas mula sa lying in si Bianca hanggang ngayon na nakalipat na sila ng bahay. Hindi niya rin maintindihan ang isang iyon. Kilala na rin ito ng papa niya dahil sa palaging pagkukwento ng mama niya.

"Darating daw siya pero huwag ninyo munang asahan dahil abala rin iyon," sabi niya sa ina. May mga pagkakataon din kasing sinasabi nitong pupunta ito sa kanila para dalawin si Biel ngunit hindi natutuloy dahil may biglaang trabaho.

"Sana ay makarating siya dahil gusto ko siyang makilala nang personal," anang papa niya.

"Makikilala ninyo rin siya, papa," sabi na lang niya saka hinila ang mga ito sa hapag kainan.

Pagkatapos kumain ay ipinamigay ng papa niya ang pasalubong sa kanila. Natatawa siya sa nakasimangot na mukha ng mga kapatid dahil wala raw pasalubong sa mga ito ang papa nila. Ang para sa kanila ay mapupunta na sa mga anak ng mga ito.

"Patrick!" tuwang-tuwang bati ng papa niya pagdating ni Patricia.

"Tito naman! Tingnan mo nga ako, bagay pa ba sa'kin ang pangalang "Patrick", ha?" reklamo ni Patricia saka yumakap sa kanyang ama. Tawa lang nang tawa ang papa niya. Punong-puno ng kaligayahan ang puso niya, sana ay huwag ng matapos iyon.

Everything was falling into place except her heart. Sa loob ng isang buwan na parating nasa paligid niya si Matt ay tuluyan nang nahulog ang loob niya rito. Isang bagay na talaga namang pinigilan niya ngunit hindi niya kinaya.

Ngunit kahit minamahal na niya ito ay hindi siya umaasa. Alam niyang walang katugon ang pagmamahal na iyon. She will always be his friend. Naisip niyang hindi naman siguro masamang mahalin niya ito lalo pa at wala naman siyang ginagawa para agawin ito sa fiancée nitong hindi pa niya nakikilala dahil nasa ibang bansa pa rin.

"Wala yata si Matt," bulong sa kanya ni Patricia.

"Sabi niya darating siya pero baka may biglaang trabaho," sagot niya. Patricia knew her feelings towards Matt. Wala namang hindi alam si Patricia tungkol sa kanya. Tinutulan nito ang damdamin niya dahil masasaktan lang daw siya sa huli na naiintindihan naman niya ngunit ipinaintindi niya rin dito na hindi niya hinahangad na suklian ni Matt ang pag-ibig niya. She can love him silently. Kung hindi nito malalaman ay mas maganda, hindi magiging komplikado at walang friendship na masisira.

[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon