SA ISANG sikat na tailoring shop nagkita sina Jacque, Kierra at Matt. Nakapili na ang dalawa ng gown and suit design para sa kasal at ngayon ay susukatan na ang mga ito. In two weeks, babalik sila roon para i-fit at kuhanin ang mga kasuotan.
Tahimik lang si Jacque habang kinukuhanan ng measurements ng dalawa. Hindi niya alam kung siya lang iyon o wala talaga siyang madamang excitement sa paligid. Tinititigan niya si Kierra at wala sa mukha nito ang saya ng isang babaeng malapit nang ikasal. Marami na siyang wedding events na nahawakan at alam na niya ang itsura ng babaeng excited. Hindi iyon ang nakikita niya kay Kierra.
Tumingin naman siya kay Matt, nahuli niya itong nakatingin sa kanya ngunit agad na nag-iwas ng tingin. May problema ba ang mga ito? Hindi, marahil siya lang iyon. Baka ang nararamdaman niya lang ang nababasa niya sa dalawa.
Kung mayroon man kasing hindi excited sa kanilang tatlo, siya lang iyon. Paano siya mae-excite sa kasal ng lalaking mahal niya sa babaeng mahal naman nito? Nakakalungkot iyong isipin ngunit kailangan niyang tanggapin.
Pagkatapos ng event na iyon ay ipinapangako niyang hindi na siya makikipag-ugnayan pa kay Matt. Mahirap na, baka magkasala pa siya. She can watch him for afar. Celebrity na rin naman itong maituturing. Makikita niya ito sa telebisyon, mapapakinggan sa radyo. Kapag nami-miss niya ito ay maghahanap siya ng video nito sa Youtube at magda-download din siya ng mga kanta nito sa ITunes.
Nang makuha na ang measurements ng mga ito ay nagtungo naman sila sa bake shop na puro customized cakes lang ang ginagawa. "Hi, Lucille!" bati ni Jacque sa may-ari ng bake shop. "Kasama ko na ang clients ko, ready na ang cakes?"
"Oo naman. I'm always ready for a cake tasting," ani Lucille saka siya kinindatan.
Maya-maya pa ay tiniktikman na nina Matt at Kierra ang mga cakes na inihanda ng staff ni Lucille. Red velvet ang napili ng dalawa. Iniabot niya kay Lucille ang disenyo ng cake na nagustuhan ni Kierra at nagpaalam na rin sila.
"May ibang kliyente ka pa bang imi-meet?" tanong sa kanya ni Matt nang nasa parking lot na sila ng bake shop.
"Sumabay ka na sa'min, Jacque," nakangiting anyaya ni Kierra sa kanya.
"Hindi na, may lalakarin pa ako," pagsisinungaling niya. Ang totoo ay ayaw niya lang sumabay sa mga ito. Nang papunta nga sila sa bake shop ay nagtiis lang siya habang nasa byahe sila.
"Sigurado ka?" paninigurado ni Matt.
"Okay lang ako. Sige na, mauna na kayo," pagtataboy niya sa dalawa.
Nang makaalis ang mga ito ay pumara siya ng taxi at nagpahatid sa apartment ni Pat. Nagtext si Pat at sinabing pauwi na rin ito sa apartment kaya doon na lang siya didiretso. "Okay ka lang?" tanong ni Pat sa kanya.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" tanong niya saka ngumiti. Hindi lang siya sigurado kung naging maganda ang rehistro ng ngiting iyon.
"Huwag ka nang magkaila, obvious naman na hindi ka okay," anito saka kinapkap ang bulsa para sa susi. Pagpasok nila sa apartment nito ay ibinagsak niya ang katawan sa sofa. "Para kang tino-torture, 'no?" sabi pa nito.
"Alam mo, ang mabuti pa ay tulungan mo na lang akong asikasuhin ang binyag ni Biel," imbes ay sabi niya rito.
"Kering-keri mo iyan, 'day," anito saka siya inirapan. "Kailan ka pa nahirapan sa pag-o-organize ng binyag? Iyong mga anak nga ng politiko, kaya mong i-organize nang mag-isa."
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)
RomanceWala pong edit-edit. Patawarin niyo ako sa mga typo at grammatical errors. Hahaha :D "Maganda ka na kahit walang makeup, kahit basahan ang suot mo... You are perfect in my eyes, Jacque." Masama ang loob ni Jacqueline o Jacque sa mundo dahil sa maik...