NATATAWA pa rin si Jacque kapag naaalalang napagkamalan siyang lalaki ng ama ni Matt. Nasa bahay na siya at kasama pa rin si Matt. Masaya siyang palaging kasama ang lalaki ngunit nangangamba pa rin siya dahil nasasanay na siyang palagi itong nasa paningin niya.
Paano kapag dumating iyong araw na hindi na nito magagawang dumalaw sa bahay nila? Paano na kaya ang puso niya? Naisin man niyang umiwas ay hindi niya magawa. Ano na lang din ang sasabihin niya kay Matt kapag tinanong siya nito kung saka-sakali?
"Parang mas masaya pa silang kasama ka kaysa sa'kin," nakangusong sabi ni Matt habang nagkakape sila sa kusina. Ang pamilya niya ay nasa sala at nanonood ang lahat ng telebisyon. Dinig niya ang halakhakan ng mga ito.
"Nagseselos ka sa'kin, ganun?" nakangiting tanong niya rito. Nag-enjoy siyang kakwentuhan ang daddy nito maging ang kapatid nitong si Arthur. Parang hindi mga kilalang tao sa lipunan ang kausap niya kundi mga simpleng tao lang. Down to earth ang mga ito, parang si Matt.
"Para magselos sa'yo, 'no?" nakanguso pa ring sagot nito.
"Sabik lang siguro sila sa babaeng kakwentuhan, puro lalaki kaya kayo," sabi niya saka sinundot ng hintuturo ang tagiliran ni Matt. Malakas ang kiliti nito roon.
Agad itong umigtad at ngumiti. Natunaw na naman ang puso niya. Puwede bang sa kanya na lang ito? Isang buwan na lang ang natitira sa kanila pagkatapos ay kailangan na niyang mag-goodbye sa damdamin niya para rito.
Siguro naman, kapag naikasal na ito kay Kierra ay hindi na niya kailangang umiwas dahil ito na mismo ang gagawa niyon. Hindi naman siguro ito papayagan ni Kierra na palaging pumunta sa kanya.
Bubuo na ang dalawa ng sariling pamilya at para siyang pinapatay sa isiping iyon. Ngunit ganoon pa man ay magiging masaya siya para rito dahil alam niyang masaya ito. Mayroon kasing mga damdaming ipinaglalaban at mayroon ding hindi. Ang sa kanya ay ang uri na hindi na dapat pang ipaglaban dahil alam naman niyang walang kahihinatnan. Mawawalan na siya ng kaibigan ay masasaktan pa siya.
Isa pa, mahihirapan lang din si Matt kapag nagtapat siya rito. Alam niyang mahal na rin siya nito bilang kaibigan at hindi nito nanaising masaktan siya sa kahit na anong paraan. To make it easier for the both of them, mananahimik na lang siya. Itatago na lang niya ang pag-ibig niya rito sa kasuluk-sulukan ng puso niya.
"Kailan mo sila ulit dadalawin?" tanong ni Matt sa kanya bago ilapag ang tasa ng kapeng ininuman sa mesa.
"Kakauwi ko lang galing sa bahay ninyo, iyan na naman ang tanong mo," napapailing na sabi niya rito.
"Masaya kasi si daddy kapag kausap ka niya."
"Ako rin naman, masaya akong kausap siya. Ang dami kong natutunan at hindi lang iyon, nangako siyang pararamihin pa ang kliyente namin ni Pat," natatawang sabi niya.
"Sigurado iyan."
"Alam mo, mabuti pa ay umuwi ka na. Magkikita pa tayo bukas para sa planning ng kasal ninyo ni Miss Kierra. May food tasting tayo sa Throwback Café, huwag kang male-late," paalala niya rito. She tried to smile to hide that she was hurting.
"Fine. I'm leaving, see you tomorrow."
DUMATING si Matt kasama si Kierra sa Throwback Café ng alas diyes ng umaga ngunit si Pat lang ang naghihintay sa kanila. Agad nila itong nilapitan, nais niya sana itong tanungin kung nasaan si Jacque ngunit nag-alangan siya dahil baka magtaka si Kierra. Hindi niya kasi nabanggit ditong naging malapit na sila ni Jacque.
![](https://img.wattpad.com/cover/124471763-288-k927194.jpg)
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)
RomanceWala pong edit-edit. Patawarin niyo ako sa mga typo at grammatical errors. Hahaha :D "Maganda ka na kahit walang makeup, kahit basahan ang suot mo... You are perfect in my eyes, Jacque." Masama ang loob ni Jacqueline o Jacque sa mundo dahil sa maik...