Chapter 7

7.6K 193 9
                                    

PAGKATAPOS kumain ni Jacque ay binalikan niya sa sala sina Matt at ang ama. Agad din silang iniwan ng papa niya. Hindi alam ni Jacque kung ano ang tamang maramdaman noong silang dalawa na lamang ni Matt ang nasa sala.

Sa huli ay umarte na lang siyang hindi apektado. "Grabe, si Miss Kierra pala ang fiancée mo. Ang swerte mo sa kanya," nakangiting sabi niya kay Matt.

Ngumiti ito at sumandal sa sofa. "Hindi ba siya swerte sa'kin?" pabirong tanong nito.

"Hmmm..." umarte siyang nag-iisip. "Swerte na rin," aniya saka natawa.

"Ang sama mo," anito na binato pa siya ng throw pillow. Inihagis niya rin iyon dito.

"Nagustuhan mo ba talaga iyong presentation ko kanina o nagkukunwari ka lang para hindi ako mapahiya?" maya-maya ay tanong niya rito.

"Nagustuhan ko. I didn't expect that you'll be our organizer. Ang liit talaga ng mundo, ano?"

"Sinabi mo pa," sang-ayon naman niya. Sa sobrang liit, hindi niya namalayang kliyente na pala niya ang taong mahal niya. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, isang lalaking ikakasal pa sa isang diyosa. "Bakit ka nga pala dumaan dito?"

"Hindi kasi ako nakarating kagabi dahil sinundo ko sa airport si Kierra kaya bumawi ako ngayon. Finally, I met your father. He's a wonderful person. Magkasundo kami sa maraming bagay."

"Mabuti naman at magkasundo kayo. Alam mo, Matt, may hihilingin ako sa'yo."

"Ano iyon?"

"Sana bago ka ikasal, okay na kayo ng daddy mo."

Hindi agad nakasagot si Matt, parang nag-isip pa ito. Ngunit ilang sandali pa ay tumango-tango rin. "Tama ka, hindi nga naman magiging kompleto ang kasal namin kung wala siya. Sa tingin mo, ano ang dapat kong gawin para magkaayos kami?"

"Simple lang, lapitan mo siya, humingi ka ng sorry. Make sure that you are sincere, mararamdaman naman niya iyon. Hindi ka naman niyon matitiis."

"Sige, gagawin ko iyan. Sana nga ay humupa na ang sama ng loob niya sa'kin," anito saka nahiga sa sofa. Ganoon talaga ito, komportableng-komportable sa bahay nila, kulang na lang ay magpa-ampon.

"Sya nga pala, bakit Ortega ang ginagamit mong screen name?" tanong niya kay Matt.

"My mom's maiden name," balewalang sagot nito.

"Wala kang trabaho ngayon?" tanong niya ulit.

"Pina-cancel ko muna, ang sabi ko sa manager ko ay aayusin namin ng fiancée ko ang kasal."

Hindi siya agad nakasagot. Sa tuwing naiisip ang kasal nito ay parang naninikip ang dibdib niya. Kung puwede lang patigilin ang oras ay gagawin niya. Hindi, mas madali siguro kung babalik na lang siya sa nakaraan pagkatapos ay hindi na lang siya pupunta sa bar kung saan sila unang nagkita para sa ganoon ay hindi na niya ito minahal.

"Ikaw, Jacque, wala ka bang balak na magpakasal?" tanong ni Matt sa kanya. Tinignan niya ito, nakapikit ang lalaki.

"Sino naman ang pakakasalan ko? Si Patricia?" natatawang tanong niya rin.

"Wala ka bang lalaking nagugustuhan? Manliligaw?"

"May nakita ka na bang manliligaw? Mas madalas ka pa ngang tumambay dito sa bahay namin kaysa sa'kin kaya dapat alam mong walang umaakyat ng ligaw sa'kin," natatawang sabi niya.

[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon