Not an update

816 26 7
                                    






This is for the Filipino Armys like me. Kayo lang makakaintindi nito.

" WE ARE ARMY FOREVER "
( Heart breaking poem to all Certified ARMY/ BTS fans)
Inakda ni: Danico Bendaña Bayonito Ramos
Paano kung isang araw wala na ang isang Rapmon--
Na isang magaling na lider na pusong mamon?
Paano kung isang araw wala na ang isang Jimin na iyong kinakikiligan-- Yung tipong hindi mo na makikita ang abs niyang mala-pandesal?
Paano kung isang araw wala na ang isang Jin--
Ang masterchef ng grupo na mahilig sa kulay pink?
Paano kung isang araw wala na ang isang Jhope o kilala bilang Hobi-- Na lagi sa'ting nagpapasaya't nagbibigay ng ngiti?
Paano kung isang araw wala na ang isang Jungkook with sexy body--
Na kilala bilang Golden Maknae na ang kagwapuha'y makalaglag panty? Paano kung isang araw wala na ang isang Suga--
Na napakaputi na pwede mo nang ihalintulad ang kulay sa arina?
Paano kung isang araw wala na ang isang Taehyung na idolo ng madla-- Na sabi nila'y Alien at galing raw sa ibang planeta?
Paano na nga ba kung wala na sila?
Paano nga ba kung isang araw wala na ang Bangtan Sonyeondan?
Paano nga ba kung isang araw sila ay tuluyan ng mag-disband?
Paano na kaming patuloy sa kanilang sumusuporta--
Na laging nagpupuyat kapag may botohan sa Mnet at Mama?
Paano na kami lubos na kikiligin--
Kung mawawala nalang bigla ang mga inspirasyon namin?
Paano na kami nyan sasaya--
Kung hindi na namin kayo makikitang magkakasama?
Mapapalitan nalang ba ng luha na aagos sa aming mata--
O panghabambuhay na lungkot sa labis na paghihinayang sa kanila?
Paano na kami hihiyaw ng sobra--
Kung paos na ang boses namin kakaiyak sa inyong pagkawala?
Paano na lalaban ang mga ARMY--
Kung tuluyan ng madisband ang BTS na aming ipinagmamalaki?
Paano nga ba?
Pero siguro dapat masanay na tayo--
Kasi alam naman nating may katapusan lahat ng bagay sa mundo.
Kaya bago pa mangyari ang ating kinatatakutan--
Kailangan maging matatag na tayo sa pagtanggap ng iiwan nitong sakit at kalungkutan. Kasi ngayon dapat matauhan ka na !
Aabot kasi talaga sa panahon na magdidisband rin sila.
--
Balang-araw mapapanuod mo nalang ang isang balita--
Na nagsasabing disbanded na ang grupong BTS na iyong sinisinta.
Pero dahil masugid nila tayong taga-suporta,
Agad mo na nating ichecheck ang ating mga social media account--
Para masiguro kung ito ba'y totoo o gawa-gawa lang.
Ngunit baka sa pagbukas natin nito'y bigla nalang bumuhos ang luha-- Kasi malalaman nalang natin na totoo nga ang balita.
Siguradong maghahabol tayo ng hininga--
Dahil sa sobrang lungkot na ating nadarama.
Siguradong magmamaktol tayo ng sobra-sobra--
Kasi nga bumitaw na talaga sila sa isa't isa.
At mapapahagulhol nalang tayo ng tuluyan--
Kasi nga totoo nang disbanded na ang iniidolo nating Bangtan.
Pero kahit masakit,
Kailangan parin nating tanggapin--
Tanggapin na balang-araw magdidisband rin talaga sila--
At mawawala na ng saysay ang ating pagsuporta.
--
Balang-araw mapapanuod mo na ang kanilang last music video--
At sa panunuod mo'y tila ba magugunaw na ang iyong mundo.
Hindi dahil sa sobrang kilig at saya--
Ngunit ito'y sanhi ng labis nating panghihinayang sa kanila.
Paano na tayo mag-aabong sa update ni Manong Bighit--
Kung huling MV nalang ang pagtitiyagaan nating panuorin ng paulit-ulit? Nakakalungkot lang isipin na balang-araw ang mga MV ay magsisilbi nalang masayang ala-ala-- Na babalik-balikan mong panuorin para lang sila'y makita mong muling magkakasama. Kaya sana matanggap mo na balang-araw wala ka ng manunuod na bagong music video-- Kasi nga dadating talaga ang panahon na madidisband rin ang kanilang grupo. --
Balang-araw matutunghayan mo na ang farewell concert nila--
Pero dahil wala kang pera, team-youtube ka parin talaga !
Sa concert na yun maririnig natin ang kanilang huling "Saranghae Army" Oo ! Mababanaad sa mukha natin ang isang malaking ngiti--
Pero deep-inside hindi natin maikakaila na ang sakit-sakit parin ! Mapapanuod narin natin ang huling pagpapakilala sa kanila bilang BTS-- " HELLO, WE ARE BTS "
" I'M KIM SEOKJIN "
" I'M PARK JIMIN "
" I'M KIM TAEHYUNG "
" I'M KIM NAMJOON "
" I'M JUNG HOSEOK "
" I'M JEON JUNGKOOK "
" I'M MIN YOONGI "
AND THIS IS OUR LAST PERFORMANCE...
Tapos makikita nating mag-group hug sila--
At mapapansin nating tumutulo ang luha sa kanilang mga mata.
Alam na kasi nilang ito na ang kanilang huling pagtatanghal--
Bilang isang grupo, bilang " Bangtan Sonyeondan "
Ngunit habang pini-play sa big screen ang mga bonding moments ng kanilang grupo, Ang kanilang iiwan sa'ting mga music video,
Ang kanilang mga Dance practice,
At ang kanilang mga Bangtan Bomb--
Pero bigla mo nalang mapapansin ang biglang pagtaas at pagwagayway ng kanilang kamay-- Na nagpapahiwatig ng pasasalamat at isang farewell goodbye.
Hanggang sa isa-isa na nga silang bumaba sa entablado
At isa-isa naring lumabas ang mga tao--
May umiiyak,
May mga nahimatay--
At ang iba'y nagbabakasakaling mahawakan sila sa huling pagkakataon. Sobrang sakit na maging totoo lahat ng 'to--
Pero kailangan mong tanggapin na balang-araw hindi mo na sila makikitang magkasamang magtanghal.


Ang sakit nito sobra.😭😭😭😭  Comment and vote

BTS Random ScenariosWhere stories live. Discover now