E

398 20 0
                                    

[PLAY NIYO MUSIC SA GILID PARA MAS MAFEEL]

-

Muli ko siyang Tinanaw habang palabas ng Gate ng University.. Kumaway ako sa kanya.. Agad siyang lumapit sa'kin..

 Parang nag i-i-slowmo. ang Pagtakbo niya palapit sa'kin.. Ang buhok niyang sumasabay sa bawat galaw niya.. Ang mata nyang Mapungay,ang Labi niyang Mapula. Ang makinis niyang mukha. Ang mga ngiti niyang nagbibigay Saya sa'kin.. Ang napakaamo niyang mukha...

 sinalubong ko siya ng Yakap ng Makalapit siya

"Parang miss na miss mo 'ko ah?" pabirong saad niya.. Humarap ako sa kanya

"Sobra.." nakangiting saad ko. Ngumiti din siya

"Ikaw talaga! Magkasama lang tayo kahapon eh." sagot niya. Nginitian ko nalang din siya at hinalikan sa noo.. Muli ko siyang pinagbuksan ng Pinto.

"Saan tayo?" tanong niya.. Pinaandar ko ang kotse

"Sa paborito mong lugar?" balik tanong ko.Ngumiti siyang muli saka tumango...

"Tignan mo oh..Hugis Puso yung Ulap." saad niya habang nakaturo sa Langit.. Nakahiga kami ngayon sa ilalim ng Puno habang nakaunan siya sa Braso ko.

"Oo nga ano? Tignan mo yung isa,hugis Aso." saad ko sabay turo sa ulap na hugis aso.. Tumawa naman siya..

"Sana..Palagi nalang tayong ganito..Masaya,walang problema.." saad niya, humarap ako sa kanya at ganun din siya. Hinawakan ko ang pisngi niya

"Wala namang Problema eh..mahal na mahal kita.." sabi ko at hinalikan siya sa Noo.. Naparamdaman ko ang Pagyakap niya sa'kin..Niyakap ko din siya. Siniksik niya ang mukha niya sa Leeg ko

"I Love You..." bulong niya.. Muli akong napangiti...

'Mas mahal kita,Misha...'

-

"Magbibihis lang ako ha?" saad niya ng Makauwi kami, nandito ako sa bahay nila ngayom. Umupo muna ako sa Sofa habang hinihintay siya..

 Maya-maya, nakita ko ang daddy at Mommy ni Misha, pababa ng hagdan at may kasamang naka Pormal na Medyo matandang Lalaki. May dala din siyang SuitCase..Abogado ba ito?

 Tumayo ako at binati sila... Tinaguan naman nila ako at nagpatuloy sa Paglabas.. Muli akong umupo.

 Nakita ko na si Misha pababa ng Hagdan. Agad siyang lumapit sa'kin. Umupo siya sa Tabi ko,Hinawakan ang kamay ko saka umuo sa Balikat ko..

"Dito ka na matulog." mahinang usal niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa mata niya

"May problema ba?" tanong ko.. Umiling naman siya

"Wala..Gusto lang kita makatabi sa Pagtulog...Please?" nakatingin lang ako sa kanya..may problema siya..Ramdam ko.. Bumuntong hininga ako

"Hindi pwede,," saad ko.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makatabi--"

"Hindi naman sa ganun.Lalaki ako,babae ka. Ano nalang iisipin ng Magulang mo. Tsaka, ginagalang kita." pagputol ko sa Sasabihin niya.. Tumayo naman siya at hinila din ako patayo

"Sinabi ko na sa kanila na dito ka matutulog.Pumayag na sila kay,halika na.." saad niya.. Muli akong napabuntong hininga..

 Pinahiram niya ako ng damit ni Mickie kaya agad akong naglinis ng Katawan.. Paglabas ko. Nadatnan ko siyang Nakahiga na sa kama niya.. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Agad siyang yumakap sa'kin.

"Mahal na Mahal kita,Lance. Palagi mong tandaan yan ha?" mahinang saad niya. Nakaramdam ako ng Kaba.. Hinalikan ko siya sa noo at yinakap siya..

 Dahan-dahan kong hinahaplos ang Buhok niya...Hanggang sa Makatulog siya.

 inayos ko ang pagkakahiga niya at Kinumutan siya.. Pinagmamasdan ko ang maamo niyang Mukha..Muli ko siyang Hinalikan sa Noo

 'Ano man yang problema mo..Kasama mo ako, haharapin natin.Kahit ano pa yan..Basta Magkasama tayo...'

Kiss The Rain ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon