[PLAY NIYO MUSIC SA GILID PARA MAS MAFEEL]
-
Halos isang Buwan na sa Hospital si Misha..Ako na ang nag-aalaga sa kanya. Sa tuwing umuubo siya at makikita ko ang Dugo sa Panyo.. Parang dinudurog ang Puso ko.
ayoko nang isipin..iniisip ko na. Pagsubok lang 'to sa Relasyon namin..Masakit tanggapin.. Kung kaylan natuto ako magmahal ng Totoo..ganito pa ang naging kapalit.
"Lance.." mahinang tawag niya sa'kin..Maging ang pagbigkas at pagsasalita niya ay mahina na..Pakiramdam ko kinukurot ang puso ko..Hinaplos kong muli ang Buhok niya
"Hmm?" saad ko.. Nakatingin siya sa Labas ng Bintana..sa Langit
"Kapag nawala ako..isipin mo lang na.Palagi akong nakabantay sayo ha?Tumingin ka lang sa Langit..Palagi akong nakatingin sa'yo..Kapag Umaaraw, isipin mo na Masaya ako kasi masaya ka.Pero kapag umuulan..Malungkot at umiiyak ako kasi nakikita kitang Malungkot.." saad niya, humarap siya sakin at hinawakan ang kamay ko "Kapag nawala ako..Pilitin mo maging masaya ha?Humanap ka ng babaeng magpapasaya sa'yo..ipagpatuloy mo ang buhay mo kahit wala na ako..Ha?Mangako ka.." kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang Luha ko
"Wag mo sabihin yan..Misha, gagaling ka..Mabait ang Panginoon..Gagaling ka" muli kong hinaplos ang pisngi niya..
"Lance..Mangako ka.." pag-uulit niya..Pumikit ako kasabay ng Luha ko.. Marahan akong tumango-tango atsaka dumilat
"Pangako.." pilit na saad ko...Ngumiti siya..Pinilit kong ngumiti.
'para sayo..misha..mahal ko..Para sayo.kahit mahirap,gagawin ko..'
Muli kong hinalikan ang Noo niya..Lumabas ako at muling pumunta sa Chapel..
'walang pagbabago..Hindi mo po ba naririnig ang panalangin ko? Wag niyo po siyang kunin sa'kin..wag po muna..hindi ko kakayanin..Parang awa niyo na..wag muna'
napapikit ako sa sakit sa nararamdaman ko kasabay ng Pagdaloy ng luha ko.. Ang sakit-sakit..
Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago ko napagpasyahang Bumalik sa Room ni Misha..
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang may mga nagtatakbuhang Doctor ang Bumangga sa'kin...Mga doctor na dumiretso sa Kwarto ni Misha..Agad akong tumakbo..
Pagbukas ko ng Pinto...................
'Huli na...wala na..'
Naglabasan ang mga Doctor.. Unti-unti akong lumapit sa kanya...
'umalis lang naman ako saglit.. bakit bumigay ka agad? bakit sumuko ka agad? Misha..'
Marahan ko siyang tinapik sa Pisngi..Hindi..hindi pwede..
"Misha...Misha...Gumising ka..Misha.." humihikbing saad ko.. May humawak sa Balikat ko,napatingin ako sa kanya, nakita ko ang pag-iling niya.. "Mickie..si Misha..si Misha..Gisingin natin siya..Mickie..Please.." pagmamakaawa ko, muli akong humarap sa nakapikit na Babaeng mahal ko.. Dinikit ko ang noo ko sa kanya saka Pumikit..Kasabay ng Pagpatak ng Luha ko...
"Misha..." gumagaralgal na ang boses ko... Hinalikan ko siya sa Noo.. "Mahal Na Mahal kita...Misha.."
**************
..............Napadilat ako ng may Pumatak na tubig sa mukha ko... 'umuulan'
'Misha...umiiyak ka ba? Malungkot ka ba? Sorry.. hindi ko mapigilan ang hindi maging malungkot...Ang daya mo kasi..iniwan mo ako...Misha..'
Tumingin ako sa Puntod niya atsaka umupo... isa-isa kong tinanggal ang tuyong dahon na nababasa na ng ulan at humaharang sa Lapida niya.
'Misha Lein Castillo'
"Dalawang taon na..Misha..Pero bakit ang sakit pa din? ang sakit-sakit pa din.." ramdam ko na ang lamig dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan
"Bakit mo ako iniwan? Hindi ba pwedeng,sumunod nalang ako sayo para maging masaya na tayo,misha? Ang sakit-sakit eh..Hindi ko natupad ang pangako ko sayo na maging masaya,na maghanap ng iba..Kasi hindi ko kaya,hindi ko kayang kalimutan ka..Hindi ko na kayang magmahal ng iba..Umalis ka na bitbit ang puso ko..Misha..Miss na Miss na kita...at hanggang ngayon.............Mahal na Mahal padin kita. Misha...Mahal ko.."
~~~[ THE END ♥ ]
BINABASA MO ANG
Kiss The Rain ♥
Truyện NgắnThe waters calm and still My reflection is there I see you holding me But then you disappear All that is left of you Is a memory On that only, exists in my dreams....So why am I still here in the Rain.♥ ©2014