[PLAY NIYO MUSIC SA GILID PARA MAS MAFEEL]
-
Panibagong Buwan..
Lumapit ako sa kanya habang nagdidilig siya ng Halaman sa Garden nila.. Muli ko siyang niyakap mula sa likod..
"i love you..Misha.." bulong ko.. Pinatay niya ang Tubig at humarap sa'kin.
"I love you too..Lance.." nakangiting saad niya.. Umupo kami sa Tabi ng Pool..
"Pansin ko,parang namamayat ka?" saad ko.. Totoo, namamayat siya.. Napatingin naman siya sa Braso niya..
"Hindi naman ah.." saad niya.. inakbayan ko siya
"Siguro hindi ka kumakain ano? Diet?" pang-aasar ko, kinurot niya naman ako sa tagiliran "Aww!" daing ko.. Tumawa naman siya. Tumayo siya at tumakbo habang tumatawa.. Tumayo din ako at inumpisahang Habulin siya..
Ang sarap sa pakiramdam ng bawat halakhak niya, nakakatanggal pagod..
Patuloy k olang siyang hinahabol... Hanggang sa mahuli ko siya,Niyakap ko siya mula sa likuran
"Hindi kana makakawala sakin" bulong ko.. Tumatawa naman siyang Humarap sa'kin at muli niyang Pinulupot ang Braso niya sa Leeg ko.
"Never..." saad niya at sinunggaban ako ng halik.. Napapikit ako at mas lalo ko pa siyang hinapit mula sa bewang niya palapit sa'kin..
Naramdaman ko ang Patak ng Ulan...ulan na Bumabasa saamin.. Hindi ako tumigil sa Paghalik sa kanya kahit basang basa na kami...
Mainit na halik.... Humiwalay siya sa Halik at tumingin sa'kin.. Nakita ko na naman ang lungkot sa mata niya.. Nakayakap padin kami sa isa't-isa.. Tumingala siya at sinalubong ang Bawat patak ng Ulan.. Muli siyang pumikit. at Nakita ko ang Pag ngiti niya.. Napangiti din ako at unti-unting Tumingala.
"Dumilat ka.." saad ko sa kanya.. Dumilat naman siya, sabay naming sinasalubong ang patak ng Ulan habang nakatingala..
"Ang ganda.." saad niya ng nakangiti.. Maganda nga..Kasing ganda mo...
"Sabi nila,kapag umuulan daw..Malungkot si God. Naniniwala kaba dun?" tanong niya. Humiwalay ako sa yakap at ganun din siya. Napatingin ako sa kanya. pero nanatili siyang nakatingala.
"Hmm.Siguro." sagot ko
"Ikaw? Kapag ba malungkot ka.. Umiiyak ka?" muling tanong niya.. "Kapag ba nawala ako sayo, iiyak ka?" napakunot ang noo ko
"Ano ba yang sinasabi mo?" balik tanong ko..
"Hindi naman ako deserving sayo eh..Hindi tayo bagay,Lance.." malungkot na saad niya.. Nanatili lang siyang nakatingala..
"Wag mong sabihin yan..Bagay tayo..Sayo lang ako.." saad ko.. Umiling siya
"Nung una palang, sinabi ko na sayo na..Wag mo akong mahalin..Kasi, hindi ako nababagay sayo,Lance.." umiling ako
"Wag mong sabihin yan.."
"iwan mo na ako,Lance..maghanap ka ng ibang Babae na mas deserving sa Pagmamahal mo. Humanap ka ng Babae na Makakasama mo habambuhay.. Wag ako.." hinawakan ko siya sa magkabilang braso at hinarap siya sa'kin.. Pero umiwas siya ng Tingin
"Ano ba yang sinasabi mo?! ikaw! ikaw ang gusto ko makasama habang buhay! ikaw lang!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.. Umiling siya
"Maghiwalay na tayo..Lance..Ayoko na" nakayukong saad niya..Lalong bumuhos ang malakas na ulan..
"Misha..Ano ba nangyayari sayo..Akala ko ba,Mahal mo ko?" napakagat ako sa labi ko,At tuluyan ng lumandas sa pisngi ko ang Luha ko.. lalo na ng umiling siya
"Hindi..Nagkakamali ka..Past Time. Lipas oras lang kita,Lance." nabitawan ko siya.. Umiling iling ako
"Mahal mo 'ko, ramdam ko yun! Tumingin ka sa mata ko,Misha! sabihin mong mahal mo ko!"
unti-unti..tumingin siya sa Mata ko...
"Hindi kita Mahal..Hindi kita Minahal.." napahawak ako sa Bibig ko..Nanginginig ako..hindi sa lamig,kundi sa sakit na nararamdaman ko..Dahan-dahan akong umalis sa Harap niya at dumiretso sa kotse ko..Pinaghahampas ko ang manibela..
'My First heartBreak..First Heart ache'
BINABASA MO ANG
Kiss The Rain ♥
Short StoryThe waters calm and still My reflection is there I see you holding me But then you disappear All that is left of you Is a memory On that only, exists in my dreams....So why am I still here in the Rain.♥ ©2014