Chapter 6

503 8 0
                                    

Pumunta kami ni Ricci sa isang Bake shop sa may Makati. Umakyat kami ng elevator at narating na namin ang taas kung saan nandoon ang Bake Shop na tinutukoy nito. Ito na ang umorder para sa aming dalawa. Nang maka order na siya ay iginiya niya ako sa may Labas ng Bake shop. Napasinghap ako nang makita ko ang labas ng Bake shop.



"Woow!" manghang sabi ko



Ngumiti si Ricci na tila naaliw sa kinikilos ko, mula dito at tanaw na tanaw ko ang buong siyudad. Tiningnan ko ang oras 5:30 pa lang ng hapon.





"GUsto mo intayin natin mag gabi?"  alok ni Ricci





"Ok lang ba? Wala ka bang gagawin?" tanong ko dito





"Wala naman. Free ako ngayon, muka kasing gusto mo makita yung City Lights"





"Oo naman gustong gusto" sabi ko at lumapit pa lalo sa may Glass window aliw na aliw ako sa pag tanaw. Nakaka lula pero ang ganda. Sana sumama si Brent para naman makita niya ito pero sigurado akong nakita na niya ito. Pero iba pa din kung kasama si Brent. 

Naisip ko ang inasal ni Breant kanina. Ano kayang nangyari doon? Bakit bigla siyang nag ka ganon?



"Upo ka muna dito o" sabi ni Ricci na naka nguso sa katapat ng inuupuan niya



Ngumiti ako at umupo sa tapat niyang at umupo.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo Grace"



"Hmmm. Wala, na alala ko lang si Brent. Nag tatan-trums ba? Bilis magbago ng reaction niya kanina ah" sabi ko



"Well, kahit ako nabigla kanina. Baka badtrip o may mens" biro nito



Tumawa naman ako "Mens? Pang babae lang yun eh"



"Joke lang naman. Siguro  may pinag dadaanan yun. Text mo na lang mamaya concern na concern ka eh" sabi nito na naka ngisi



Dumating na yung order namin, pagka latag ng mga order ay nagpasalamat kami sa waiter. Tumingin ako kay Ricci



"Concern ako kasi kaibigan ko siya"





"oo nga naman. Eh di concern ka din sakin?" tudyo pa nito





"Alam mo kumain ka na lang. Dont speak when your mouth is full" sabi ko at kumain na

Nag stay pa kami doon hanggang ma abutan kami ng gabi. Nag enjoy ako ng husto. Nag mamasid masid pa ako nang mapansin ko ang oras





"Hala!Mag aalas otso na halika ka na, umuwi na tayo" sabi ko at nag mamadali



"Why? nag eenjoy ka pa ahh" sabi ni Ricci na patamad tumayo



"May curfew kasi kami hanggang 9-10 lang. biya-biyahe pa tayo" sabi ko at hinila na ito

Dere-Deretso kami hanggang sa Elevator nang mapansin ko na pangiti-ngiti ito.





"Bakit ka ngi-ngiti diyan?" tanong ko



Lumawak ang ngiti nito at itinaas ang kamay namin na magkahawak. Namilog ang mata ko, nakalimutan kong tanggalin ang pagkakahawak ko sa kamay nito, akmang bibitawan ko ang kamay niya nang hinigpitan nito ang pagkakahawak. Kumunot ang noo ko at hinila pa muli ang kamay ko pero hindi nito binitawan ang kamay ko.



"Wag. It feels good when you're hand holds mine" sabi nito na ikina bigla ko



Tiningnan ko ito at nakita kong nakatingin lang siya ng deretso pero ang lawak ng ngiti. Magsasalita sana ako nang bumukas na ang elevator. Naka salubong namin ang umpukan ng mga babae na nanlalaki ang mata habang nakatingin saamin. Narinig ko pang nag bubulungan sila pero hindi ko marinig kung anong pinag uusapan nila dahil sa bilis ng lakad namin ni Ricci





Stuck Between Two (Ricci Rivero and Brent Paraiso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon