Chapter 57

294 4 0
                                    

Nagmulat ako at pakiramdam ko ay may mabigat na bagay ang naka dagan sa binti ko.  Nag mulat ako ng mata.  Namulatan ko ang pinaka maamong muka para sakin.  Ngumiti ako.  Tumingin ako sa baba,  binti pala nito ang naka tanday.  Kaya pala mabigat.  Dahan dahan akong bumangon.  Nag hilamos at nag toothbrush muna ako. Nang tingnan ko ang orasan ay alas siyete pa lang ng umaga.  Napag desiyunan kong mag luto nang almusal.

Nag handa ako ng itlog, hotdogs at pancake para sa umagahan.  Nang matapos ako mag luto ay hindi pa din gising si Brent. Nilagay ko ang mga ito sa tray at ipinasok sa kwarto. Pinatong ko ito sa tabi at tsaka ginising si Brent.






"Kriiing! Kring!!!  Wake up sleepy head " sabi ko sabay tapik sa muka nito ngunit di pa din ito nagising

Nilaro ko ang ilong nito,pinisil pisil ko ito.



"Hmmm ang tangos tangos ng ilong!  Hahaa!  Cute cute ni baby nose kaya gustong gusto ko to eh. Gising na Boss Brent" sabi ko pero ayaw pa rin nito gumising







"Ahh ayaw mo?  Sige ka i ki-kiss kita pag di ka pa gumising" sabi ko at nakita kong tumawa ito at nagkunwaring humihilik pa





Pinisil ko ang pisngi nito "Ikaw talaga gusto mo lang ng kiss eh" sabi ko sabay pinaghahalikan ang magkabilang pisngi nito





"Hmmm.  Ang bango bango ng baby ko.  Pa kiss nga isa pa.hmmm bango bango"





Tawa naman ito ng tawa "Teka. Nakikiliti na ako.  Ayoko na babangon na ko"




Kiniliti ko naman ito "Lakad na bangon na gutom na ako, kain na tayo baby brent"





"Okay okay eto na.  Tatayo na" natatawang sabi nito




Tumayo naman ako para abutin ang pagkain


"Breakfast in Beeeeed! " masaya kong sabi



Ngumiti ito at naupo "ang sweet naman ng asawa ko, ay,  girlfriend pala"



Tumawa ako "Ikain mo na nga yan.  Gutom na asawa mo. Ay,  girlfriend pa lang pala.  Hindi ka pa pala nag pro propose"





"Soon" sabi nito sabay kain ng pancake.





Masaya kaming kumain. Nang matapos kami kumain ay nagkwentuhan pa kami at nag desisyon na umuwi muna ako sa dorm baka mag alala si Mama A.  Sumang ayon ako at magkasama kaming bumaba at lumabas ng condo.




"Ibaba mo na lang ako sa dorm,  baka malate ka eh" sabi ko




"Sige.  Pano pag tinanong ni Mama A kung san ka natulog kagabi? "




Ngumiti ako "Ako na bahala kay Mama A"




"Sigurado ka? "



Tumango ako.  Ilang minuto pa at malapit na kami sa dorm.  Nang malapit na kami sa dorm ay natanaw ko ang kotse ni Ama.  Bigla naman akong kinabahan.  Tiningnan ko si Brent na napansin din ang mga nakaparadang kotse.



"Oh.  May bisita ata kayo sa Dorm" puna nito

Lumunok ako.  "Ahh.  Hehe. Oo nga no?  Sige dito mo na lang ako ibaba"




"Huh?  Dito na sa tapat ng gate" sabi nito at idineretso ang kotse sa tapat ng gate.

Tumingin ako kung may tao sa labas.Baka may maka kita na si Brent ang kasama ko. 




Stuck Between Two (Ricci Rivero and Brent Paraiso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon