Chapter 30

286 4 0
                                    

Nasa ospital si Brent at hindi ito gumigising. Gaano kalakas ang pagbagsak nito?  Possibleng nabagok si Brent.  Inihilamos ko ang kamay ko sa muka ko. Tumayo ako at tiningnan ang oras. 10 pm na.  Sumilip ako sa labas,  kinuha ko ang itim ko na jacket at sinoot ito.  Kinuha ko rin ang walllet at cellphone ko. Sana at nasa lounge ang mga nag babantay. Dahan dahan kong sinara ang pinto. Luminga linga muna ako sa paligid.
Sa likod ako dadaan, alam ko ay may gate doon na palabas din. Shortcut.  Dahan dahan akong lumakad papuntang likod.  Kinapa ko ang gate pero naka padlock na ito.  Pinilit ko buksan o sirain ito pero wala pa din.  Humanap ako ng ibang daan pero wala.  Napag desisyunan ko na sa main exit na lang lumabas. Bahala na.

Dahan dahan ako nag lakad nang may makita akong ilaw. Dali dali akong nagtago at pinalagpas ko muna. Pasipol sipol pa ang nagbabantay habang nag iilaw.  Umatras ako nang biglang may nag takip ng bibig ko.





"Shhhhhhhh. Si gian to" sabi nito




Inalis ko ang pag kakatakip nito sa bibig ko"Anong ginagawa mo dito?! " bulong ko




"Shhhhhhh"

Yumuko kami nang malapit na ang nag rorounds. Nang maka lagpas ito ay hinila ako nito pabalik ng dorm




"Bitawan mo ako. Kailangan kong pumunta ng ospital" sabi ko



Pero tuloy tuloy lang ito sa paghila




"Hoy! Nakikinig ka ba? " pabalang na sabi ko




Tuloy tuloy lang ito nang marating namin ulit ang likod ng dorm.



"Makaka akyat ka ba dyan? " tanong nito ang hindi kalakihang gate

"Umakyat ka.  Aalalayan kita" utos nito



"Hibang ka ba? Paani kung mahuli tayo?  Mapag kamalan pang trespassing  diyan eh" galit na sabi ko




"Mas mapapagalitan ka kunh sa main exit dadaan. Ano aakyat ka ba o hindi ka makakalabas? " sabi nito



Wala akong nagawa. Dahan dahan akong umakyat nauna akong umakyat at pagtapos siya. Hindi naman ganon kataas kaya madali lang ako naka akyat. Dahan dahan akong tumalon pa baba.  Bumagsak naman kami sa may damuhan. Naramdaman kong hapdi sa kamay ko pag tingin ko ay nagasgas ito sa pader. Hindi ako agad bumitas kaya nasadsad ito.


"May sugat ka" sabi ni Gian





"Galos lang ito. Salamat sa pag tulong. Bakit hindi ka pa bumalik? " sabi ko




"Sasamahan na kita papuntang ospital. Halika" sabi nito




Itinuro nito ang kotse nito. Hindi na ako umangal,  gustong gusto ko nang puntahan si Brent. Napansin ko naman amg dumudugo kong kamay. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ito medyo mahapdi ito, naka kita ako ng alcohol.



"Pahingi ng alcohol mo ha" sabi ko kay Gian at ipinatak na sa kamay ko. Ang hapdi nung nilagay ko. Dahan dahan ko pinunasan ito.  Unti unti namang pumatak ang luha ko hindi dahil sa hapding nararamdaman ko sa sugat ko.  Kundi dahil wala ako doon nung nang yari kay Brent iyon. Wala ako sa tabi niya kung kailan kailangan niya ako.  Patuloy ang pag patak ng luha ko.  Hindi ko makakaya kung wala si Brent sa tabi ko.  Natatakot ako,natatakot ako sa pwedeng mang yari.  Sana andoon ako,  gusto ko nasa tabi lang niya ako.  Pinunasan ko ang mga luha ko.




"Matagal pa ba? " sabi ko kay Gian





"Malpit na paliko na lang" sabi nito



Stuck Between Two (Ricci Rivero and Brent Paraiso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon