Chapter 11

367 6 0
                                    

**

Madaming tao sa School Grounds dahil sa Fair. Kami ay nag ayos na para sa aming Booth mamaya lang ay start na ng opening ng iba't ibang Booth. Umupo ako sa may pwesto ko magkatapat lang kami ni Cindy. Kanina pa ito naka simangot halatang ayaw talaga ang gagawin niya pero habikin samin ng President ay ngumiti kami lagi. INayos ko na yung karatula sa harap ko

"FREE KISS"

Sa pag kaka alam ko ay limited lang ang tickets dito. 250 tickets? Ang isang ticket ay may cost na 150 pesos. Natawa ako, sa isang ticket ay may kasama nanamang Freebies kaya di ka na din lugi. Kami lang. huhuhu









"Chop!Chop! Pwesto na tayo. The Booth is now open" sabi ng President







Tumayo na kami ni Cindy sa Pwesto namin Madadaanan kami ni Cindy bago pumasok sa booth namin kung saan may film showing. Bawat daan ng mga studyante ay binabati namin.







"Hello! FRee Hugs! 150 pa lang may hug ka na may freebies ka ba na makakatulong sa daily life mo bilang student!" pang anyaya ni CIndy







Tinatawanan ko lang ito. Masyadong masunurin, eh wala naman si Pres sa tabi. Tsaka lang ako nag Sa-sales talk kapag nasa tabi namin si pres. Pero sa panahaon ngayon ay wala siya kaya patawa tawa lang ako.







"Ahh miss, Eto yung ticket ko" 





Napatingin ako sa nag abot ng ticket sakin. Sa pag kaka alam ko ay isa itong volleyball player.

Inabot ko ito at Inimuwestro ko ang pisngi ko. Pero nagulat ako nang inabot niya ang kamay ko at doon humalik.





"Okay na ko with your hand" sabi nito sabay kindat sakin at alis







"Ayyy! Kabog yon ha!" react ni Cindy



umiling iling lang ako. Patuloy pa din ang booth namin madami dami na din kaming nabentang tickets.. Inip na Inip na ako sa pwesto ko, gusto ko din sanang maglibot at mag try ng ibang Booth. Hindi pa ba ubos ticket ko? Bilhin ko na lang kaya lahat ng natitira?





"Marj!" tawag ko sa secretary 





"Bakit summer?"





"Ilang tickets pa?" tanong ko





"100 na lang kanina, pero dinagdagan pa ni Pres ng another 250"





Nanlaki mata ko "ANO?!!! Edi 350 pa yang ticket? Kala ko ba nakalimit lang ng 250 yan?" reklamo ko





Nagkamot ito ng ulo "Eh kasi ang dami daw dumadayo, kaya sayang naman kung mauubusan diba?"





Hindi na ko umimik. PANO NAMAN KASAYAHAN KO??? OKAY KA LANG BA PRES? Sabi ko na nga ba ito yung mangyayari eh. Nasa kaligitnaan ako ng pag mamaktol nang makarinig ako ng Ingay sa Booth. Pag lingon ko ay laking gulat ko nang makita ko ang Buong Green Archers ay andito. Lahat sila nandito. Except kay Brent. Tiningnan ko sila ng maigi. Tama ako si Brent lang ang wala.





"Okay, Okay dahil diyan, dalwang beso" sabi ni kuya prince at bumeso magkabila sakin



"Dalwa din ticket ko kaya dalwa din sakin" Sabi naman ni Jollo





"Ako diiiiiiiin!!!" si drei





Magakasunod sunod silang pumila, tawa ako ng tawa dahil ang liligalig ng mga ito. Pagtapos sa Free Kiss ay dumederetso ito sa Free Hugs. 





Stuck Between Two (Ricci Rivero and Brent Paraiso)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon