Chapterkx 2: Party

13 0 0
                                    

Zian


"Love will keep us alive."


Iyan ang quote for the day ni kuya Zeke. Araw ngayon ng sabado at maaga kaming nagising magkakapatid. Magsisimba kasi kaming tatlo ngayon. Hindi namin kasama si mama at papa dahil si mama, nauna na itong magsimba at si papa naman ay wala dito sa bahay. One week na siyang wala sa bahay dahil sa trabaho, this week ang uwi ni papa kaya si mama ay todo linis sa bahay.

Naka pag bihis na ako ngayon at ang dalawa kong kuya na lamang ang hinihintay. Naka floral dress ako ngayon at flat shoes. Nilagyan ko lang ng clip ang buhok ko at maliit na sling ang napag-desisyonan kong gamitin.

May nakita akong maliit na envelop na nakapatong sa table. Kinuha ko ito at binasa ang naka lagay.

"To: Mr. and Mrs. Mafillia" Mahina kong sabi.

Tamang tama naman at lumabas na sa kani-kanilang lungga ang dalawa kong kuya.

"Kanino ito galing?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kay Sofie, yung pinsan natin. 18th birthday niya kasi ngayon." Sagot ni kuya Zeus habang tinutupi niya ang kulay itim nyang polo.

"Hindi makakadalo sila mama at papa kaya tayo na lang daw ang pumunta mamaya. Tawagan mo si Yasha at isama na rin, para may kausap ka." Ngiting sabi naman ni kuya Zeke. Ang alam ko lang naman ay gusto niyang maka-usap si Yasha mamaya sa party. Madiskarte talaga itong si kuya Zeke pagdating kay ate Yasha. Tsk!

Nag tipa na ako ng mensahe para kay Yasha habang yung dalawa kong kuya ay inaayos yung mga buhok nila. Mas grabe pa sila kung mag-ayos sa mga babae na katulad ko ah!

"Tara na." Sabi ni kuya Zeke habang nilalaro yung susi sa kanyang kamay.

Gagamitin kasi namin yung kotse dahil nakakatamad mag jeep ngayon.

Sumunod lang kami ni kuya Zeus at sabay na pumasok sa kotse. Nasa unahan ang dalawa kong kuya at ako ang nag-iisang umupo dito sa backseat.

Umilaw yung cellphone ko at nabasa ko ang approval ni Yasha, sasama daw siya mamaya. Pupunta na lang daw siya dito sa bahay namin para sabay sabay na kaming pupunta sa party.

Mabuti na lang at hindi masyadong traffic ngayon kung kaya't naka punta kaagad kami sa simbahan. Umupo kami sa may harapan habang hinihintay ang misa na mag simula.

"Please stand." Iyan ang maririnig mo sa bawat sulok ng simbahan, at ito ang naging hudyat sa pagsisimula ng misa.

Naglalakad na kaming tatlo ngayon habang naghaharutan palabas ng simbahan. Bumili kami ng mga kandila at sinindihan ito saka nag dasal. Pagkatapos ay bumili si kuya Zeus ng sampaguita para ilagay doon sa altar namin sa bahay.

"Gutom na ako." Maktol ni kuya Zeke habang hinimas himas ang kanyang tyan.

Napag desisyunan namin na kumain na muna sa malapit sa restaurant at dahil si kuya Zeke ang nagmaktol. Siya ang manlilibre sa aming tatlo. Lakas ng trip nuh? Ha!

Kanina ko pa napapansin si kuya Zeus na ngumingiti habang kaharap ang kanyang phone. May kakulitan nanaman siguro. Sa hindi niyo alam, at alam kong hindi niyo pa talaga alam. Ang dalawa kong kuya ay may kaunting itsura naman. Maihahambing ko yung mukha nila sa isang aso. Ang bastos ko ba? Nakasanayan lang.

Dumating na yung order naming tatlo at sabay-sabay na kumain. Walang conversation ang naganap dahil gutom kaming tatlo. Si kuya Zeke na kanina pa gutom ay kumakain parin na may poise. Si kuya Zeus ay kumakain habang kaharap yung phone niya. Ako naman ay mahinahon lang na kumakain. Kalahating oras bago kami natapos at ngayon ay binayaran ni kuya Zeke yung bill at kami naman ni kuya Zeus ay inaayos ang aming sarili.

Unbeatable |On Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon