Chapterkx 4: Fear

2 0 0
                                    

Zian

Nagising ako ng hindi inaasahan. Nasa kwarto pa rin ako ni kuya Zeus habang katabi ko yung stuff toy na kulay blue, hindi ko masyadong makita yung mukha kaya hindi ko masabi kung anong uri ng stuff toy ito. Wala si kuya Zeus dito at baka sa kwarto ko siya natulog ngayon. Nandito din yung cellphone ko, at dahil nawala yung antok ko napag-isipan kong mag twitter na lang. Nag tweet ako ng kung ano-ano at nag message na rin sa mga kaibigan ko na gising din katulad ko. Noong nawalan na ako ng gana na makipag-usap sa kanila, tumayo na ako sa higaan at pumasok sa CR para mag hilamos. Lalabas na lang siguro ako ng bahay at maglakad lakad na lang, gusto ko kasing salubungin ang maharlikang araw ngayon feel ko kasi na kapag sinalubong ko ito ay gaganda ang araw ko ngayon.

Pumasok ako sa aking kwarto at nakita ko si kuya Zeus na mahimbing na natutulog sa kama. Nagbihis ako ng short at nag jacket na rin, malamig kasi ang klima ngayon dahil ber months na. Sinuot ko din yung sapatos ko na pang-jogging at dahan dahan na lumabas ng bahay. Naglakad lakad ako ngayon habang naka lagay naman ang earphone sa aking teynga.

"Little do you, how I'm breaking while you fall asleep."

Dinala ako ng aking mga paa sa park kung saan makikita ang mga tao na maaga din na nagising katulad ko, ngunit alam kong sadyan ang paggising nila ng maaga upang mag jogging o hindi kaya ay mag walking para magpa-pawis. Umupo ako sa isang bench dito sa park at tinitingnan ang mga tao na nakikita ko.

"I'll wait, I'll wait, I love you like you never felt the pain."

Ilang oras na lang at sisikat na ang araw. Pinikit ko ang aking mga mata para madama ang pinakikinggan ko na kanta. Naramdaman ko na may umupo sa aking tabi, hindi ko pinansin at patuloy pa rin na naka pikit.

"Matutulog ka ba dito sa bench, Zian?" Tanong niya.

Binuksan ko ang kaliwa kong mata at tiningnan kung sino itong nangsalita. Napa bukas ang isa ko pang mata ng nakita ko ang lalaki na nandito sa aking gilid na nakatingin pa sa aking expression.

"Teiki"

"Little do you, I know your hurting while I'm sound asleep."

Ngumiti siya sa akin, ngayon pa na mas nakita ko na ang kanyang expression dahil sa sunrise. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya't napatingin na ako sa harapan. Babatiin ko ba siya ng 'hi'? Magtatanong ba ako kung ano ang ginagawa niya dito? Napa lunok na lamang ako ng laway dahil sa awkward.

"Mukhang ayaw mo naman akong maka-usap." Sabi pa niya.

"Uhm, ano kasi. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging pakikitungo ko sayo."

Naka tingin pa rin ako nyan sa harap, ayoko kasing mag eye contact. Malulunod ako, pero syempre joke lang yun dahil isang swimmer naman ako.

"Kung ano ang gusto mo, basta't kakausapin mo ako. Okey na ako doon." Sagot niya sa mahinang tono.

Ang lalim ng boses niya, mas malalim pa sa pa-hugot hugot kong ginagawa minsan. Tumango ako at tumingin sa direksyon niya. Naka tingin pala siya sa akin, kaya ayun napatingin ulit ako sa harapan.

"Uhm, ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Pinagpapawisan na nga po pala yung mga kamay ko kung alam niyo lang.

"Kasama ko kasi yung kapatid ko, dito kasi kami nakatira. Napag-isipan kasi naming dalawa na mag jogging ngayong araw." Sagot niya.

May kapatid pala siya. At napag-isipan nilang mag jogging, pero bakit umupo pa siya dito kung ang purpose pala ng pagpunta niya dito sa park ay jogging?. Tumango ulit ako.

Unbeatable |On Going|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon