Zian
Araw ngayon ng lunes at balik eskwela nanaman. Papasok na ako ng school gate noong nakita ko si Yasha na kumakaway sa akin. Nakita ko rin yung mga lalaki na napapatingin sa kanyang deriksyon. Oh-uh! Target identified, target na ng mga boys ngayon si Yasha.
Ngumiti ako kay Yasha at tinuro ang daanan papunta sa classroom. Kagabi ko lang din kasi nalaman na hindi pala kami magka-klase. Tumango siya at naglakad na rin papunta sa classroom niya. Nakita ko yung mga lalaki na napapatingin sa kung saan papunta ang bestfriend ko. Nasisiraan na sila, bakit naman magkakagusto ang mga lalaking ito sa alien na si Yasha?
Oh well, iba na pala ang mga target ng mga kabataang lalaki ngayon. Mas gusto at IN na sila sa mga babaeng alien. PERFECT! At bagay na bagay si Yasha doon. Alien din kasi siya.
Hindi ko namalayan na naka pasok na pala ako sa aming class room. Kaunti pa lang kami na nandito, binati ko silang lahat at umupo na ako sa aking upuan. Nasa bandang bintana ang aking upuan kung kaya't malalanghap ko talaga ang simoy ng hangin, makikita ko rin sa ibaba ang field kung saan ang raming mga college students ang nagtatawanan at naglalakad papunta sa mga buildings.
"Hi Zian, congrats ahh!" Sabi ng isa kong kaklase.
Ngumiti ako sa kanya at nag sabi ng salamat. Ibinaon ko yung mukha ko sa desk at hinihintay na pumasok ang aming first teacher ngayong araw.
Ang bilis ng oras at snack time na namin ngayon. Kasama ko si Rea, ang class president namin/Student Council President. Bago kami pumunta sa cafeteria ay sinamahan ko na muna siyang pumunta sa office ni Sir John dela Lliña. Si sir kasi yung adviser nila Rea.
Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa cafeteria para kumain, 30 minutes yung snack time namin kaya hindi kami nabahala na umupo na muna sa mga bench na naka latag kung saan-saan dito sa school. Napansin kong ang tahimik ni Rea pagkatapos niyang maka-usap si sir.
"Rea, okey ka lang?"
"Hmm? Oo naman, okey lang ako Zian. Hehehe" Tawang hilaw ni Rea.
"Alam mo, pwede mo naman akong kausapin, kung ano man yang problema mo. Pwede mo akong gawing stuff toy na pinipisil pisil at sinasabihan kapag may problema." Ngumiti ako sa kanya at pagkatapos ay kinagatan yung binili kong burger.
Bumuntong hininga si Rea at bigla siyang tumingin sa direksyon ko.
"May namumuong pag-ibig sa katawan ko para kay sir, Zian."
Napahinto ako sa pagkagat ng aking pagkain at napatingin din sa direksyon ni Rea. Impossible! Nakita kong nakayuko si Rea at nanginginig ang kanyang mga kamay. Bawal eh!
Imbes na magsalita ay hinagkan ko na lamang si Rea, wala naman kasi akong maibibigay na payo kasi in the first place hindi ako expert dyan at pangalawa hindi ko nakita ang quote for the day ngayon ni kuya Zeke kaya wala talaga akong masasabi. Hindi ko rin masasabi na supportado ko itong si Rea sa namumuong pagmamahal niya kay sir. Kasi naman, bawal ito. At dapat na pigilan talaga ni Rea yung nararamdaman niya para kay Sir John.
Hindi na muling nag salita si Rea at tahimik kaming naglalakad papunta sa classroom.
"Kailangan mong ibalin sa iba yung attention mo girl, para maka move-on ka na sa ex mo. Okey?" Narinig kong sabi ng isang babae na nasa tabi ni Rea.
Akala ko nga si Rea yung sinabihan niya ngunit may iba pala siyang kausap. Siguro bagong sawi yung kausap niya. Kaiyaq!
"I guess she's right."
"Huh? Ano yun Rea?"
"I mean, totoo yung sinabi nung isang girl. Na dapat ibalin sa iba yung attention ko para makalimutan ko itong something sa katawan ko. Tama naman diba, Zian?" Sabi ni Rea
BINABASA MO ANG
Unbeatable |On Going|
Teen FictionSi Zian ay isang dalagang babae na magaling sa lahat. She is not capable of being defeated. Seryoso sa lahat ng bagay. Except sa mundo ng pag-ibig. Maipaglalaban kaya ni Zian ang kanyang titulo? Unbeatable pa rin ba siya hanggang sa dulo?