Zian
Isang normal na araw para sa isang dyosang nagngangalang Zian Mafillia at syempre ako talaga yun.
Nagbibihis na ako ngayon at kaunting embot na lang ay papasok na ako sa school. Lagay ng necktie, sabay I.D. tapos suklay sa mahaba at maitim na buhok. Ang fresh ko girl!
Tingin sa salamin, ngumiti at ready to go na ako. Bago ako lumabas ng kwarto ay kumembot pa ako at kinuha na ang aking bag. Simpleng lakad sa sala, sabay kiss kay mama sa pisnge at lakad ulit sa kalsada papunta sa school. Maaga pa kasi kaya't naisipan kong mag lakad ngayong araw. Ang dalawa kong kuya ay walang pasok ngayong umaga kaya't hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa kwarto ni kuya Zeke. Bago nga pala ako lumabas ng kwarto, nakita kong naka yakap sila sa isa't isa at ako ay hindi nila sinali. Pero syempre, hindi malungkot ang nag-iisang si ako kasi ang baduy ng ginawa nila. May picture ako pero for my eyes only. H3h3z
Swing here, swing there. Ang ganda ko talaga. Pasok sa school gate, miss universe wave para sa mga kakilala at isabay na ang malapad na ngiti. Lakad papunta sa room. Pumasok at umupo kaagad sa upuan.
Ayan nanaman siya. "Good morning Zian."
Hindi ko siya tiningnan pero may guts ako na ang lapad ng ngiti niya ngayon.
Tumango ako at tumingin sa direction ng bintana. Ayoko siyang kausapin kaya ganito ako. Hindi ako sanay sa pinapakita niyang jolly na mood, hindi ko masabayan.
May notebook na inilagay doon si Teiki.
Iyan ang nakalagay. Kenekeleg nenemen eke. Gusto niya lang naman pala na sabay kaming pumunta mamaya sa practice.
Sinulatan ko din yung notebook.
Ang cute ng sulat kamay niya, at gusto niya talagang maging close kami. Siguro naman pwede ko siyang pagbigyan right?
Ayan nanaman siya, may sinulat ulit.
BINABASA MO ANG
Unbeatable |On Going|
Teen FictionSi Zian ay isang dalagang babae na magaling sa lahat. She is not capable of being defeated. Seryoso sa lahat ng bagay. Except sa mundo ng pag-ibig. Maipaglalaban kaya ni Zian ang kanyang titulo? Unbeatable pa rin ba siya hanggang sa dulo?