Prologue

74 5 0
                                    

Familiar

Maingay ang paligid at hindi ko na mabilang kung nakailang baso na ako ngayong gabi. Nagsasayawan ang mga tao habang ako'y  nakaupo lamang at pinagmamasdan ang paligid. Maging ang ilaw sa lugar na ito ay sumasayaw kasabay sa pag indayog ng mga katawan ng mga tao.

I gulped another shot at napapikit  nang mariin nang maramdaman  ang unti unting pag iinit ng aking lalamunan.

Napailing pa ako nang napagtanto kong ganito nalang ata talaga ang magiging takbo ng buhay ko. Useless. Wasted. And senseless.

I was about to drink another shot when a hand stopped me.

"That's enough Pat. Nakakarami ka na." Lasing na nga talaga ata ako dahil maski ang kaibigan kong si Justine ay hindi ko namalayang kasama ko pa pala.

Inagaw ko sa kanya ang shot glass at akmang iinumin muli ito nang agawin niya uli. Pabiro ko siyang inirapan at nilagok nang mabilisan ang isa pang nakalapag sa mesang shot glass.

Hinampas niya ako sa braso kaya naman tinawanan ko nalang siya.

"Umuwi na tayo. Kanina pa ako tinatawagan ng asawa ko." pag aaya niya.

Pabiro ko siyang tinarayan at inismiran niya lang ako. "See? That's what I've been talking about. Minsan mo na nga lang ako samahan, ang aga mo pa mag ayang umuwi."

"Anong maaga? Umaga na, kaya kung ayaw mong malintikan na naman sa daddy mo, halika na at umuwi na tayo."  pagtataray din niya.

Sanay na naman akong mapagalitan. Wala atang araw sa buhay ko na hindi napansin ni daddy ang mga pagkakamali ko.

"Magsama kayo ni Emma, nag asawa lang mga kj na." biro ko at napaisip naman ako sa aking nasabi. May mga pagkakataon talagang hindi ko maiwasang isipin na napakaswerte ng mga kaibigan ko kumpara sa akin. Kagaya na lang ni Justine na ngayon ay masaya na sa married life niya. Samantalang ako, nakapagtapos na sa pag aaral pero hindi ko pa rin magawang sundin ang talagang gusto ko dahil iba ang gusto ni daddy at ang gusto niya ang palaging masusunod. What's the point of living kung wala ka namang kalayaang gawin ang nakapagpapasaya sayo. Kaya heto ako, always pissing him off. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makokontrol niya ako.

"Mag asawa ka na kasi para naman may kumontrol diyan sa katigasan ng ulo mo. Besides, you're already twenty two and you're not getting any younger." seryosong sabi niya na alam ko namang may halong pang aasar.

"Nagbibiro ka ba? Si daddy nga hindi ako makontrol, ibang lalaki pa kaya. Bata pa naman ako at nag eenjoy pa ako sa night life ko. Boys will only cage me at sakit lang sa ulo iyang mga lalaking 'yan." I said.

Nginisihan niya ako at tinaasan ng kilay. "Sakit sa ulo o sakit sa puso? Alam kong alam mo ang pakiramdam ng pakikipagrelasyon. Admit it or not, pero masarap sa pakiramdam kapag nasa isang relasyon. Alam mo yan, ayaw mo lang dahil natatakot ka." nakangising sabi niya.

"Whatever." I said and stoop up. Naglakad ako patungong dancefloor. Narinig kong tinawag ako ni Justine ngunit diretso lamang ako papunta roon.

Nararamdaman ko na ang pagkahilo dahil sa mga ininom ko. Tuluyan na akong nawala sa gitna ng mga taong nagsasayawan. I started dancing too. I was combing my hair with my fingers while swaying my hips. Sumasabay ang pag indayog ng katawan ko sa musika. Bahagyang tumataas ang itim kong hapit na damit kasabay ng pagtaas ko ng aking mga kamay.

Unti unti kong naramdaman ang isang braso na pumulupot sa aking bewang. He was dancing behind me. Hinarap ko siya at tinitigan ang kanyang mukha kahit pa medyo madilim ang lugar at ang mga sumasayaw na ilaw lamang ang nasisilibing liwanag.

Waves of the PastWhere stories live. Discover now