Chapter 1

41 4 0
                                    

Exhibit

Isang linggo na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa akin ang katangahang nagawa ko noong gabing iyon. I can still feel his lips pressed on mine. I can still remember how he caressed my waist and how I responded on his kisses.

Hindi ko lubos maisip na babalik pa siya at magkikita pa kami. Ngunit umaasa akong lasing lang din si Justine noong gabing iyon at baka sakaling hindi talaga siya ang lalaking nakahalikan ko.

Uminit ang pisngi ko sa aking naisip. I admit that I'm not the conservative type of girl ngunit nakakahiya pa ring isipin na nakipaghalikan ako sa isang lalaking hindi ko naman karelasyon.

Ipinilig ko ang ulo ko at nag focus sa kanina ko pa ginagawa. Today is Sunday at napagdesisyonan kong ipagpatuloy ang painting na sinimulan ko last week. I was painting a sunrise.

Sceneries like this makes me calm kaya halos lahat ng paintings ko ay sunrise, sunset, the sea, at mga tanawin na nakakapagpakalma ng kalooban ko. Painting calms me so much. Ito lang ang alam kong gawin na magpapakalimot sa akin sa masakit na realidad ng buhay ko.

I've always wanted to pursue my dream of being a painter but my dad won't let me. Matagal niya nang sinusubukang ipaintindi sa akin na wala akong mararating kung hindi ko susundin ang gusto niyang pamahalaan ko ang aming kumpanya.

I tried to understand him and took business administration but I was never happy about it. Naiintindihan kong nag iisa niya lang akong anak at wala na siyang ibang maaasahan na pumalit sa kanya ngunit hindi ako ganon ka martyr upang isakripisyo ang kaisa isang bagay na nagpapasaya sa akin, masunod lamang ang gusto niya.

And besides, he was never good to me. He stopped being my father when mommy died. I was miserable that time, nawalan na ako ng ina at parang nawalan na rin ako ng ama.

Life is very unfair. It was never good to me and I can't do anything about it. All I can do is to go with the flow and live my life doing the things that make me happy.

I snapped out of my thoughts when my phone rang. It was Justine.

"Hello?" I answered.

"Let's meet." agad niyang sabi sa kabilang linya.

"Para saan?" I asked looking at my painting. Kaunting detalye na lang at matatapos na ito.

"Wow ah. Sobrang busy mo ba at hindi na tayo pwedeng magkita ng walang dahilan?" she said in a sarcastic tone and I chuckled.

"Sure. Tonight?" I said.

"Okay. I'll just text you where."

Eksaktong 7pm nang marating ko ang restaurant kung saan kami magkikita ni Justine.

Wala pa siya nang makapasok ako sa restaurant kung kaya't dumiretso ako sa mesang naka reserve para sa amin. Iginala ko ang aking mga mata sa buong lugar. The place looks so fancy. Kakaunti lamang ang mga tao at karamihan ay puro businessmen o di kaya ay mga couples na nagdi date.

Huminto ang aking mata sa isang mesa. It was occupied by a woman and someone very familiar to me. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Kahit na nakaupo'y ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod.

The woman was wearing a red dress partnered with black stilettos. Hapit sa kanyang katawan ang damit and it emphasized her curvaceous body. Her dress revealed a generous amount of her cleavage.

I diverted my attention to him. So its confirmed. Nakabalik na nga talaga siya. The thought made my heart beat so fast. He looks more handsome now. Mas nadepina ang maganda niyang pangagatawan at mas nagmature ang kanyang itsura.

Waves of the PastWhere stories live. Discover now