Chapter 5

35 5 1
                                    

Jealous

Napalunok ako sa huli niyang sinabi. Nanatiling nakalapat ang labi niya sa aking pisngi at wala akong magawa kung hindi ang mapapikit at mapalunok sa kakaibang sensasyon na dulot noon.

"Hija, hijo.." halos itulak ko siya nang marinig ko ang boses ni dad sa aming likuran. Sabay pa kaming napalingon at nadatnan ang kakaibang ngiti ni dad. Its like he's just won a lottery.

"I'm sorry to interrupt you two. Kailangan ko lamang kayo makausap nang sandali." he said. Tumango ako at sumunod kami sa mesang iginiya ni dad.

Walang ibang panauhin ang naroon kaya batid kong pribado ang aming pag uusapan. Bumaling siya kay Christian bago magsalita.

"I've talked to your father. Though sinabi niya sa akin na ikaw ang masusunod sa arrangement na ito, we still want you to know that we want you to marry before the year ends."

What? That fast?!

Bumaling ako kay Christian. He remained serious but I can see a ghost of smile in his lips.

"That would be great." he said glancing at me.

Hindi man lang ba nila ako tatanungin kung ano ang opinyon ko tungkol dito? Kahit na wala akong makapang kahit na anong pagtutol sa akin ay mas karapat dapat pa ring tanungin muna nila ako bago magdesisyon.

"Ayos lang ba sa iyo, hija?" dad asked. Hope is plastered in his eyes. He's hoping that I would say yes to this.

Napakagat ako sa aking labi at bumaling kay Christian. Hindi ko mabasa kung ano ang gusto niyang mangyari.

"Isn't it too early, dad?" I asked.

"Wala namang masama kung mapapaaga ang kasal niyo, hija. Ikakasal din naman kayo kaya bakit pa tayo maghihintay nang matagal?" aniya.

Napalunok ako. Hindi mai proseso sa aking utak ang mga nangyayari.

I glanced at Christian. Ang kaninang multo ng ngiti na nakita ko sa kanya ay wala na. His expression became serious.

"It's okay, Tito. Magpapakasal kami kung kailan niya gusto." wika niya na nagpakabog ng husto sa dibdib ko. Damn it! What's wrong with my heart.

Maging si Justine ay hindi makapaniwala nang ikinwento ko sa kanya ang lahat. Halos sugurin niya ako rito sa bahay kanina.

"Wala akong choice, okay? May sakit si dad at makakasasama sa kanya kung maiistress siya sa akin. Pabagsak na rin ang kumpanya at kailangan talaga namin ang tulong nila." pagpapaliwanag ko nang sinabi niyang masyado namang mabilis ang pagpayag ko rito.

Ngumisi siya at alam ko na kaagad ang iniisip niya.

"Iniisip mo bang pumayag ako kaagad dahil kay Christian?" pinanliitan ko siya ng mata. Mas lalo naman siyang ngumisi.

"Ikaw ang nagsabi niyan." she said. I rolled my eyes.

"Hindi 'yon ganon, okay?" frustrated ko nang sabi.

"Admit it. Kung ibang lalaki ang ipinagkasundo sa iyo, paniguradong mas magiging mahirap sa'yong tanggapin ang sitwasyon mo." aniya.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ayaw ko mang aminin pero totoo ang sinabi niya. Nang malaman kong ikakasal ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala ay halos pinagsakluban ako ng langit at lupa pero nang nalaman ko na siya ang lalaking pakakasalan ko ay wala na akong makapang kahit na anong pagtutol sa sarili ko. Andbi know its because I still love him. Na sa kabila ng mga nangyari sa amin sa nakaraan ay hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi na ako nakaimik kaya pinagtaasan ako ng kilay ni Justine.

"Tama ako, diba?" nakangising aniya. Hindi ako sumagot at alam kong alam na niya kung ano ang sagot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Waves of the PastWhere stories live. Discover now