Chapter 4

65 1 6
                                    

Fiance

You can't get everything you want in this life. Napatunayan ko na iyon. Masasalba ang company ngunit hindi ang kaligayahan ko. Gusto kong sumbatan si daddy. Bakit hindi niya inalagaan nang mabuti ang company? Bakit kailangang ako ang kapalit? Pero may karapatan ba akong magreklamo, kung ako nga mismong anak niya ay hindi siya tinulungan?

This is what you get, Pat. This is what you get for all of your selfishness. Halos magmakaawa siyang tulungan mo siya sa pagpapatakbo ng kumpanyang iyon, but you are selfish and inconsiderate.

This is all my fault. Wala akong ibang masisisi. Not dad, not the world. Kasalanan ko. And now, I'll have to face the consequences.

Mahahalatang masyadong pinaghandaan at matagal nang pinlano ang engagement party. Mula sa mga bisitang dadalo, venue ng party, at hanggang sa mga maliliit na detalye.

Lahat ay pinaghandaan. Ako nalang ata ang hindi handa. I don't even know who he is. Ngayon ko pa lamang siya makikilala.

I just really can't believe this. Ikakasal na ako. For all the heartaches I've been through, ikakasal lang naman pala ako sa lalaking hindi ko kilala.

Tinitigan ko ang sarili sa malaking salamin ng kwarto. My maroon colored dress revealed my bare back and my shoulders. May kataasan din ang slit nito. Hina highlight ng damit na ito ang maputi kong balat. My hair was tied into a bun kung kaya't walang nagtatakip sa hubad kong likuran.

Nasisiguro kong marami na ang mga bisita sa baba. Nandito ako sa isa sa mga hotel rooms. Ang party ay gaganapin sa isa sa mga hall ng hotel.

Isang katok ang narinig ko sa aking pintuan bago pumasok si daddy. He smiled weakly when he saw me.

"Are you ready?" he asked.

"Kung sasabihin ko bang hindi, ititigil ninyo ang lahat ng ito?" may pait na sabi ko.

He sighed. Umupo siya sa gilid ng kama at nanatili akong nakaharap sa salamin.

"I know that you don't want any of this. But trust me, hija, this is all going to be worth it. I'm old and you know that I'm sick. Pabagsak na ang kumpanya at ayokong mawala ang pinaghirapan ko para sayo. Hindi ko alam kung kailan ako mawawala kaya habang narito pa ako, I want to make sure na hindi ka maghihirap." bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tumayo si daddy at lumapit sa akin. He wiped my tears and kissed my forehead.

Lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa ginawa niya.

Inayos niya ang sarili at tumayo ng tuwid. "Marami na ang mga bisita sa baba. The party will start soon. Wait here for your fiancee. Siya ang magsusundo sa iyo." tumango na lamang ako.

Lumabas si daddy at naiwan akong mag isa.

Minuto rin ang binilang ko bago makarinig ng panibagong katok kasunod ng pagpasok ng isang lalaki.

His body's built is screaming of manliness. Kung itatabi ako sa kanya ay paniguradong magmumukha akong bata dahil sa tangkad niya. His eyes are serious but his lips are half smiling. Kapansin pansin ang matangos niyang ilong na kasing tangos ata ng kanyang Adam's apple.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at inantay siyang magsalita. Pinasadahan niya ako ng tingin bago ngumiti ng nakakaloko.

"Patricia, right?" he asked. Tumango ako at tinanggap ang pakikipagkamay niya.

"I'm Jin." pagpapakilala niya. Is he my fiancee?

"Are you my fiancee?" diretsong tanong ko sa kanya. He stared at me with amusement and smiled.

Waves of the PastWhere stories live. Discover now