Chapter 3

30 4 0
                                    

Sacrifice

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kulay itim at puti ang halos lahat ng makikita roon. Mula sa maliit na sofa, mga cabinet, at maging ang carpet.

Ibinaba ko ang tingin sa aking katawan at agad na nagpanic nang makitang iba na ang suot kong damit.

What the fuck happened to me?

Where is Jack? Nasaan ako?

Shit.

Halos sabunutan ko ang sarili nang may maalala. Am I in his place? Pero bakit iba na ang damit ko?! Uminit ang pisngi ko nang maisip na maaaring nakita niya na ang katawan ko.

Mas lalo akong nagpanic nang tumunog ang pintuan ng kwarto, hudyat na may papasok.

Standing in front of me now is Christian Cervantes, wearing a white shirt and staring at me. Wala sa sariling tinakpan ko ang aking katawan ng itim na kumot. Kahit na bihis, pakiramdam ko'y hubad ako sa kanyang paningin.

Mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya sa katawan kong halos balutin ko na ng kumot. Nag iinit na ang buong mukha ko sa kahihiyan ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mukha.

"Good morning." malalim ang boses niyang sabi. Napalunok naman ako at napatitig lalo sa mukha niya.

"G-good morning." I stuttered. Shit, calm yourself, Pat.

Dahan dahan kong binaba ang kumot na nakapulupot sa akin dahil narealize kong nagmumukha na akong ewan.

Should I ask him why I'm dressed like this? Pero masyado iyong nakakahiya. But I have the right to know, right?

"D-did y-you.." hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sa panginginig ng boses. Bumaba ang tingin ko sa suot ko ngayon. I'm wearing an oversized white shirt and uhm.. his boxers? Mas lalong uminit ang pisngi ko.

Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay nakita kong ngumuso siya, pinipigilang mapangiti.

"Kumain na tayo. I cooked breakfast." he said and went out of the room.

Naiwan naman akong halos tulala. Ilang sandali lang ay umalis na rin ako sa kama at sinimulang ayusin ang sarili. I washed my face and tied my hair into a bun. Ang puting t shirt niya ay halos hanggang tuhod ko kaya't natabunan na ang suot kong boxers short.

Nang masatisfy sa itsura ko ay lumabas na ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. Iginala ko ang paningin sa kanyang condo. Its not small nor too big. Just enough for him.

Ilang babae na kaya ang nadala niya rito? Madami na siguro and I bet Rachel is one of them.

Tinitigan ko siyang seryosong naglalagay ng mga plato sa mesa. He looks so hot while doing that. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang katawan. Simula sa tiyan niya at sa mga braso niyang bahagyang nagpi flex sa bawat paggalaw niya. Sa leeg niya where his protruding adams apple is, pataas sa labi niya na manipis at mapula, his perfect nose and...those eyes.

Ang mga matang nakatingin na sa akin ngayon na nagpabalik sa akin sa huwisyo. Nakakahiya!

Umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Done checking me out?" he asked almost smiling.

Nag iwas ako ng tingin at naglakad palapit sa kanya.

"Let's eat." he said. Tumango lang ako at wala sa sariling umupo sa kaharap niyang upuan.

"Uhm, how did I get here?" pagsisimula ko sa usapan.

"You were too drunk to remember, huh?"  Inirapan ko siya.

"Just answer my questions." tugon ko. He sipped on his coffee and stared at me with those piercing eyes.

Waves of the PastWhere stories live. Discover now