Chapter 16- Romeo x Juliet

75 4 4
                                    

"Presenting: Madhhatter and Miss Alice of Wonderland"

"wow! si Alice? eh di ba si Vanilla yun?"

"ang ganda niya talaga. magkasama nanaman sila ni willfred."

"bakit sila na ba?"

"siguro! mula nung bata pa yan sila nagkakaMU eh!"

"taray!! may ganun?"

Vanilla's Pov:

Oo mga te! may ganun talaga. manigas kayo. kadate ko ngayon ang pina ko kamamahal na wil. pababa na kame ngayon sa ramp. bawat estudyante kasing pumapasok, iniwelcome ng isang staff na incharge sa ball, mula backstage dadaan sila ng ramp, mag isa kaman oh may kasama. alam ko, taray ng effect ng school na to, para daw mafeel talaga namin ang theme na once upon a time. ang saya ko talaga pero expected naman talaga na ako ang makakadate nito eh, kasi kung meron man siyang ibang babae na niyaya hindi talaga ako magdadalawang isip na magtransform as GODZILLA! nyahahaha, ang lupit ko no? pero ganyan ko lang talaga kamahal si wil, kahit na hindi kame. okay lang yun naiintindihan ko naman na may pagkatorpe itong lalakeng to. pero kahit na maputi na ang buhok ko 'at natotorpe parin tong yayain akong magpakasal, okay lang! edi ako ang magpopropose sa kanya hahahaha!! Love knows no bounderies!! 

"you look stunning as always miss Alice!"

naks! namula ang lelang niyo mga te! haba na ng hairlalu ko ngayon.

"and you are crazily bonkers as always Madhatter "

ang chaka ko talaga, kinuha ba naman sa internet ang lines ko ngayon, ginoogle ko talaga to at pinag practice yung sasabihin ko sa kanya. 

"ayiiiieee... ang sweet nila!"

"waaahhhh!! si prince wil, natin... taken na talaga siya!!"

Che! anong prince niyo? mga 'lang hiya!

"an? ba't ba ganyan ang expession mo? do'nt grit your teeth. smile. it's our night tonight."

tama nga tong papables ko. night namin ngayon, night rin ngayon ng pina ka mamahal naming nixie, ang isa sa mga pina ka importanteng tao sa buhay ko. first date niya to, mapapaiyak na talaga ako sa sayang nararamdaman ko. akalain mo namang naka bingwit ng lalake itong anime addict na to? hahaha

"you're right wil, it's also her night tonight. haha."

"yeah. we really out done ourselves. to think na meron ng nagpapasaya kay nix besides us."

"ano ka ba naman. ahahaha. diba mula nung nangyari yun nung mga bata pa tayo nagpromise tayo sa kanya na gagawin natin ang lahat mapasaya lang siya."

"hahahaha... i know. i will never forget that day either."

na lost ba kayo? bleehh! hindi ko pa sasabihin kung anong ibig sabihin ng pinag uusapan namin ni wil. secret mo na. sabihan niyo nalang si author na gawan niya ng chapter ang tungkol diyan... (p.s: para may POV naman ulit ako. hahahaha)

"Presenting: Sir Romeo and Lady Juliet"

"wow? romeo and juliet?"

"hanep! hahaha. sino kaya sila?"

"ppft!"

hahahahaha! okay, nakakatawa talaga tong si Skai Danreeve, nagpatulak ba naman kay Zaine para lang makalabas sa tinataguan niyang kurtina, atsaka..pffffftttttt puwahahahaha!! ang pula! parang kamatis! parang pwet na pinalo ng malakas! nahihiya na talaga to siguro ang isang to?! naparami ata ang pagtahi ko ng frills sa costume niya! haha. akala niya siguro nakakabakla na yung suot niya.

"aahhhhhhhhhhhh!!!!!!! MASTER SKAI!!!!!!!!!!!!"

at yun na ang cue ng fans niya para sumigaw! ang ingay, nakakabingi, pwede na silang gawing sound system!

Miss Otaku Fell INLOVE? (MISUOTAKU WA KOI NI OCHITA?)[ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon