Ang Simula ng Walang Kwentang Akda

813 10 36
                                    

Synopsis: Kung gusto mong maging tao, kung gusto mong maging tae, kung gusto mong tumawa, kung gusto mong umiyak sa katatawa, huwag nang mag-atubiling basahin ang makalaglag panty na istoryang ito na hango sa totoong buhay, mga pangyayari, at ang mga nasa isip ni Et Ong. Sa totoo lang, 'di ko pa alam kung may maganda akong maisusulat dito at wala rin akong outline o tunay na plano sa kung ano talaga ang magiging laman ng walang kwentang entry na ito. Pero kung gusto mo, basahin mo na lang. Ikaw ang bahala, mas corny pa 'to sa mga cheesy lines mo.


(Sa simula ng akda, magbabago ang 'yong pananaw sa buhay at magbabago ang 'yong tadhana. Himala!)


Unang araw ng klase, nagpahuli akong pumasok dahil matagal naman ang flag ceremony at huli na rin namang pumapasok ang guro sa araw ng lunes. Alam kong ganito ka rin, bata. Biro lang, pumasok ka nang maaga para naman hindi ka maagang mamaalam sa mundo.


Mga random topics ang mga kwento ko dahil kapatid ko si Bob, ako nga pala si Et Ong. Siya nga pala, palayaw ko talaga 'yan kapag pinagdugtong. Ngayon, hulaan niyo na lang kung sino talaga ako.


Bakit madrama ang mga babae? Akala kasi nila na sila lang ang may karapatang masaktan, hindi nila alam na masakit sa tuhod ang matagal na paghihintay sa kanila sa labas ng lingerie store. Masakit din naman na mas marami pa silang kras kaysa buhok nila. Hays, babae nga naman.


Habang isinusulat ko 'to ng umaga, nakaupo ako sa front row. Ganiyan ako katapang, kasi wala pang prof. Mamaya takbuhan na 'yan sa likod dahil sa mukhang masungit ang guro. Sana lahat masungit para naman ang mga chat ng hindi niya kilala ay hindi alintana.


May nagbabasa pa kaya nito? O hanggang sa unang pangungusap lang sila? Ganyan talaga sila, sa umpisa lang ma-effort, wala ba talagang poreber?


Hayaan niyo, mamaya na lang ulit ako magkukwento, kapag may naisip akong panibago. Marunong ka bang maghintay? At makaalis sa friend zone?


Late na ang prof. namin, kaya maaari na kaming lumabas. Nasa school rules 'yon. Kaya kayo rin dapat, para mas mahaba ang oras sa SM. Biro lang, matuto kayong maghintay, gaya na lang sa poreber na sa Diyos lang naman mayroon. Bakit ko ba sinasabing 'poreber', pwede namang 'habambuhay'?


Kung sino pa ang nasa kinauukulan, sila pa ang may kagaguhan. Putangian.


Umambon at may bahaghari, mukhang magiging maganda ang semestreng ito. Mukha lang, "Don't judge a book by its cover." Cover-an mo 'yang mukha mo, naiirita ako.


Lifetime = Friends and Family

Forever = God


Ginawa ko na 'tong diary. Mukhang paborito ko ang susunod na asignatura, Rizal and his writings. Paborito ko rin ang guro, si Dbg. Ivan Carlo B. Calanoga. Siya ang sa tingin kong si Bob, ang aking nawawalang kapatid. Magaling sa pagsasalita, malalim ang pag-iisip, at ang kaniyang mga biro ay kagaya na rin ng mga naisulat ni Bob. Gwapo rin siya kagaya ko, at maganda rin ang kanyang tindig. Nangangarap na naman ako.

"Kung Gusto Mo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon