Ika-apat na Kabanata ng Papausbong na Makata

89 4 15
                                    

Hindi ko malaman kung ibinigay o ipinahiram ka lang sa'kin ng Maykapal.

Kung ibinigay ka sa'kin, ang swerte ko naman.

Kung ipinahiram ka lang sa'kin, paumanhin pero wala ng saulian.


Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng bulaklak para sweet.

Pero isama mo 'yung paso para may impact.


Sa pagbukas ng talukap,

Parang nasa ulap,

'Pagkat ikaw ang unang mahahagilap,

Ika'y kahagkan at kayakap.

Ginawa ka ng Panginoon para maging kasangkap.

Sa ginhawa o sa hirap,

Upang ang pag-ibig ay maipalasap,

Mula sa'yo, aking pangarap.

Sabay ang pagpatak ng mga luha,

Nagbalik ang mga alaala ng dati nating pagsasama.

Ngunit lahat ay wala na,

Ako'y iniwan mong nag-iisa.

Niloko at ginawang kaawa-awa.

Ngayon ako'y patay na,

Sariling pulso'y nilabaha,

Upang mawala, sakit na nadarama.

Ako'y isang ligaw na kaluluwa,

Sa dilim ay gumagala.


Hayaang ang luha ay bumagsak sa lupa,

Ngunit ang sarili'y 'wag sana.


Sa labas ng bawat kainan ay ang mga taong walang makain.

Sa labas ng bangko ay ang mga taong walang pera.

Sa labas ng bahay ay ang mga taong walang tirahan.

Sa labas ng simbahan ay ang mga taong walang pag-asa.

Sa mga nakababasa kaya ay walang pakialam?


Sometimes you just have to save the best for last, but for me, I will always do my best 'til last.


"The darker it was, the brighter the imagination." Et Ong 2020


Kada taon, nauuna ang putukan kaysa pasukan. Tama po ba?


Page 2 of 365: I will write every page of the year on my diary not on fb.


"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." - Jose Rizal
Nasaan na kaya ang mga kabataang hinihintay ni Rizal?
Ikaw, oo, ikaw na nagbabasa, isa ka ba sa hinihintay ng ating bayan na pag-asa?


Hindi ibinabatay ang buhay at kinabukasan sa mga numerong pang-akademiko, kundi sa tunay na galing at pagpapakatao.


Nasaan po ang binabanggit ng mga Telecommunication Networks na Unlimited Texts? Pangatlong beses ko nang nagload sa loob ng isang araw tapos sinasabi na lampas daw sa normal ang pagtetext ko at ibaban nila para 'di makatext. Nasaan ang unlimited dun? Mga sinungaling. Dapat kasi gobyerno ang may hawak ng mga ganitong serbisyo. Banned na naman ako, kakaload ko lang. Nasaan ang Unlimited, TM ha? (P.S. Galit ang papa niyo rito)

"Kung Gusto Mo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon