"Gumising ka na. First day mo ngayon sa school kailangan maaga ka gumising para di ka malate." si mama nato.... kaso parang studio version yung boses? ewan baka imahinasyon ko lang yon.
"Opo ma. Babangon na po." nakakatamad. First day ng klase ngayon. Inaantok pa ako eh aga aga naman akong gisingin ni mama
"Mabuti yan, sunod agad. Nirecord lang yan wag kana magtaka." Tss. Si ate pala nang gising ni record yung boses ni mama. Kay mama masunurin ako, kay ate minsan lang. HAHA mabait yata akong kapatid.
"Tss. Ikaw lang pala. Madaya ka! Bakit masyadong maaga?"
"Haha. eh kasi naman ang bagal mong kumilos. Mauna ka nang maligo sabi ni mama. Pati kaya ako nagising ng maaga dahil sayo. Pagod daw si mama eh. Alam mo naman yun, stress." seryosong sabi ni ate habang nakatingin sakin.
"Oo na ate. Nga pala san mag aaral yung so-called-honeybunch mo?" tanong ko sa kanya. May bf na yan, malandi eh. Joke lang 1st nya yun.
"Sa XO University din. Parehas naman kami course kaya magkaklase kami." Yeah right! Astig ng name ng school namin nuh? XO parang Exo lang ang peg haha!
"Ikinaganda mo na yan?" pang aasar ko. Gan'to kami ni ate palagi. Hanggang mauwi sa sapakan! Joke bawal na yun. Hanggang WPAD lang. Walang Pansinan A Day at hindi masaya yun. Mamimiss ko sya, mahal ko sya eh.
"Sus kahit wala yan, MAGANDA na ako. Understood?" mayabang sya takte
---
"Papa, mama, alis na po kami ni Ica." Pagpapaalam ni ate kala mama at papa. "O sige mag ingat kayo. Eto oh." May inabot na pera samin si papa 1000 pesos. YAMAN! Binigay naman ni ate sakin yung 500
"Opo pa, mag iingat kami. Ma, babye na po ah!" sabi ko naman sabay beso kay papa. Si mama nagluluto ng almusal para kay papa. Papasok pa lang kasi si Pa. Sumakay na kami sa kotse pagkalabas at medyo binilisan pa ni ate ang pagmamaneho.
Hangga't tahimik papakilala muna ako... Ako si Irish Cassandra Alonzo. Ang dyosa. Haha joke lang. 17 years old ako. At yung katabi kong matanda ay si Irene Marilou Alonzo, 18 years old. 3rd year college ako at yung ate ko 4th year namn. And nga pala, Ica na lang ako as in I.C.A... Ica, that's me! So, tama na sa pakilala. Di ako nagpapaalam ng masyadong info sakin :P tsaka na lang ung iba pag may time pa ako.. That's it, masungit! At hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng XO University. Ang laki huh infairness hahaha.
Then, ayun di naman kami magiistay sa kotse ehh......
"Te baba na ako dito"
"Shunga. Di mo naman alam puntahan yung classroom mo. Kaya dito ka muna." aiish! Ang vovo ko haha.
"Oo na lang. Anong section mo te?"
"Di ko pa alam bunso. Bakit?"
"Wala lang. Ang aga naman natin.." Aga kasi nanggising mabilis naman ako kumilos eh! Hmp..
"Sakto lang 6:30 dapat nandito na. May nakikita ka bang empty parking slot?"
"Ayun oh... *turo sa kanan, labas syempre ng bintana*" dun naman sya nagparking....
---
"Tara kunin na natin yung i.d." sabi ni ate dyosa... Echos
"Okay." Maikling sagot ko
Nang malapit na kami sa Principal's office....
"Eto na ate... Kabado ako. Hatid mo ko mamaya sa classroom haha i love you." Ganyan ako may 'i love you' para sundin ako
"Oo na."
*tok tok tok* katok yan... Ano gusto mo? Tilaok ng manok? De Jk lang. Corny eh, i don't care.
BINABASA MO ANG
FFYON: Fall For You Or Not?
Ficção Adolescente{On going; SLOW UPDATE] PAALALA: Marami pong kaguluhan dito. Amateur writer lang ako so READ AT YOUR OWN RISK. And ang story na ito is only based on my imaginations. This is written in Taglish. If there are stories that are somehow like mine, it's a...