Meeting The New Jairus

29.3K 422 29
                                    

Sumagap siya ng malamig na hangin bago lumakad patungo sa kinapaparadahan ng mga van. Tumatawid si Yumi nang muntik na siyang masagasaan ng isang pulang Trekker na mabilis ang takbo. Pumailanlang ang nakabibinging ingay ng gulong na kumayod sa pavement at busina ang sasakyan. 
Sa pagkagulat ay nabitiwan ni Yumi ang handle ng hila-hilang trolley suitcase.
“Hoy, Miss! Bulag ka ba?!” sigaw ng driver. “Kung nagpapakamatay ka, huwag ka namang mandamay ng iba!”
Hindi magawang mag-react ni Yumi dahil sa pagka-shock – hindi lang sa pagkabigla sa disgrasyang muntik nang mangyari, kundi dahil nakilala niya ang masungit na driver ng Trekker. Jairus?

“IPARADA mo na sa tapat ng gate, Samuel.”
Nagising ang katorse anyos na si Yumi sa boses ng Lola Celestina niya. Nasa Sagada na pala sila. Sinamahan niya sa Baguio kamakalawa ang lola niya. May mga taong kinausap ito roon na may kinalaman sa hotel business ng pamilya. At least iyon ang sabi ng lola niya kaya sila nagtungo roon.
Ngunit may hinala si Yumi na may kinalaman na naman sa pagwawala ng ama niyang si Alfie ang dahilan ng biglaang pagsugod nila roon ng lola niya. Naglasing daw ito sa isang club doon at nakipag-away pa sa ibang customer.
Ngayon nga, matapos ang anim na oras na biyahe mula Baguio ay nakabalik na silang maglola sa Sagada. Nagtaka siya kung bakit sa halip na sa mansiyon ay sa bahay ng mga McGranahan sa Tanulong sila nagtungo.
Binuksan ng family driver na si Manong Samuel ang pinto ng sinasakyan nilang van. Agad na bumaba si Yumi.
“Siguradong nariyan ang lolo mo,” sabi kay Yumi ni Lola Celestina habang inaalalayan nila ni Manong Samuel sa pagbaba. Hindi na siya nito nahintay na magsalita. Tuluy-tuloy na pumasok ang lola niya sa marangyang bakuran ng mga McGranahan.
Minsan nang napadaan doon si Yumi nang ihatid nila ng lolo niya ang contemporary at best buddy nitong si Amos McGranahan. Hindi nga lang sila bumaba noon. Nasiraan ng sasakyan ang matandang lalaki kaya nila ito inihatid ng lolo niya.
Hindi sumunod si Yumi sa lola niya na sinalubong at binati ng isang kawaksi roon. Nagpaiwan siya sa gilid ng konkretong pasamano na bumabakod sa flowering plants na nagsisilbing palamuti sa magkabilang gilid ng mahabang driveway.
Gaya noon, nakatutok na naman ang mga mata ni Yumi sa tree house na isa sa mga atraksiyon sa bakuran ng Victorian mansion ng mga McGranahan. Kung hinahangaan niya ang arkitektura ng mansiyon ay mas hinahangaan niya ang pagkakagawa ng tree house na nasa itaas ng kambal na puno ng pino.
Wala sa loob na napahakbang siya palapit doon. Nakita niya sa gitna ng kambal na puno ang isang nakalawit na matabang kable na nakakonekta sa isang pulley. Natitiyak ni Yumi na kung hahatakin lang niya ang kable na nakakabit sa contraption ay makakarating siya sa itaas ng tree house. 
Nakatutuksong umakyat sa magandang tree house. Umakma ang mga kamay niya sa paghatak sa kable ngunit napigil niya ang sarili. Ano ba itong ginagawa niya? Wala siya sa sariling teritoryo at ni hindi niya kamag-anak ang may-ari doon.
“Gusto mo bang umakyat?”
“Huh!” gulat na napapihit si Yumi. Nasa harap niya ang isang guwapong binatilyo na marahil ay mas matanda lang ng kaunti sa kanya. Brown, rounded and deep-set eyes like toasted Arabica stared at her with interest. He had pointed nose and an almost perfect set of gleaming white teeth. Mamula-mula ang kutis nito at kulay ginto ang balahibo sa brasong tinatamaan ng sikat ng araw. Malinaw na may Caucasian blood ang binatilyo. Natitiyak niyang kadugo ito ni Amos McGranahan.
Ngumiti ito. “Sorry kung nagulat kita. Nakita ko lang kasi na parang gusto mong umakyat sa tree house.”
Ngumiti rin si Yumi. “Ang ganda ng tree house na ‘to.”
“Wait ‘til you get to the top.” Kumikislap ang kulay-kapeng mga mata na sabi nito. Mas maganda ang makikita mo. Halika, aalalayan kita sa pag-akyat.
Bumuka ang bibig niya para sumagot ngunit nauna munang bumukas ang front door ng mansiyon. Lumabas doon ang lolo’t lola niya at si Amos McGranahan. “Mukhang uuwi na yata kami. Sige, aalis na ako.” Humakbang na siya palayo rito.
“Sandali. Anong pangalan mo?”
“Yumi.”
“Yumi,” ulit nito na ngumiti uli. “Yumi, ako naman si Jairus.”

Barely Heiressess Book 2 - Yumi  (Published 2015)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon