The Journal

10.8K 286 12
                                    


CHAPTER 6

NASA HARAP ng salamin si Yumi at panay ang rehearse kung paano humalik – kung idadampi lang ba niya ang mga labi niya sa lips ni Jairus, o dapat bang iungos ng kaunti ang mga labi niya kapag lumapat na ang bibig nito, kung itatapat ba niya ang puwang sa mga labi niya sa upper lip ni Jairus o sa lower lip.
Ngayon pa lang ay hindi na mapakali si Yumi sa nadaramang magkahalong tensiyon at excitement. Tensed siya dahil wala pang namamagitang intimacy sa kanila ni Jairus. Ang tanging intimacy nila ay ang paghawak-hawak nito sa kamay niya, ang yakap nito kapag umiiyak siya at gusto siyang aluin, ang pag-akbay nito kapag may pabor na gustong hingin sa kanya, at ang pag-angkla niya ang kamay sa braso nito.
Hindi naman kasi sila mag-boyfriend ng kanyang groom. Mag-bestfriends lang sila na ikakasal lang dahil sa kasunduan ng mga magulang nila. Or to be more specific, their grandfathers. Ang dalawang matanda ang pasimuno ng kasalang Yumi Banal at Jairus McGranahan.
Noong una ay mahigpit na tinutulan iyon ni Yumi. Sinong babae ang hindi tututol kung pipiliting ipakasal sa lalaking hindi nito kasintahan? Ngunit gaya ng dapat asahan, hindi nanaig ang pagtanggi niya. Walang maaaring sumalungat kapag ginusto ng Lolo Alfonso niya.
Pero excited din si Yumi. Dahil ang totoo, mahal niya talaga si Jairus, hindi lang bilang isang bestfriend. Nasa college na siya noon nang madiskubre niyang mahal na pala niya ang binata, na nabura na nito ang malaking crush niya noon kay Brian. Tumatanggi lang siya noong una dahil sa pride. Pangarap niyang maligawan naman ng lalaking mamahalin niya. Ngunit sa ginawa ng lolo niya, imposible na niyang maranasan iyon.
Huminga ng malalim si Yumi. Sana lang ay ganito rin ka-excited si Jairus sa pagiging mag-asawa nila.
May maliit na agam-agam si Yumi, kahit pa nga sa pagkakaalam niya ay nakalimutan na ni Jairus ang secret love nito sa kapatid niyang si Vera. Ilang taon na niyang hindi nakikita ang kislap ng mga mata ni Jairus kapag kausap nito ang kapatid niya. Parang ordinaryong kaibigan na lang ang trato nito kay Vera. Ngunit sapat kayang indikasyon iyon para masabing na-outgrow na ni Jairus ang secret feelings nito para sa kapatid niya?
Promise po, Diyos ko, kapag mag-asawa na kami ni Jairus, gagawin ko lahat ng magagawa ko para ako na lang ang mahalin niya.
Muling pinagmasdan ni Yumi ang repleksiyon niya sa salamin at ngumiti siya. She decided she will kiss Jairus in the most spontaneous fashion. Ganoon ang gagawin niya kapag inianunsiyo na ng pastor na sila ay mag-asawa na.
May kumatok at nang buksan niya ang pinto ay ang madrasta niya ang naroon. “Auntie, may kailangan kayo?”
“Nakaalis na pala si Jairus,” sabi nito.
“Opo, kani-kanina lang. May sasabihin po ba kayo sa kanya?”
“Wala. Ibibigay ko lang sana ito. Naiwan n’ya yata doon sa study.” Iniabot nito sa kanya ang isang may kalumaan nang leatherbound journal. “Ikaw na ang magbigay.”
“Salamat po, Aunt Carrie.”
Ngumiti ito. “You look radiant. At hindi ka pa niyan ikinakasal.”
Nahihiyang ngumiti si Yumi. “Masaya din po kaya si Papa na ikakasal na ako?”
Umismid ito. “Kung alam lang sana niya.”
Kung may ikinalulungkot man si Yumi ngayong ikakasal na siya, iyon ay dahil hindi nila kapiling ang papa niya. Mula nang palayasin ito ng lolo niya matapos na atakihin ang Lola Celestina niya dahil sa kagagawan ng papa niya ay hindi na nila ito nakita. Pati si Aunt Carrie ay hindi na nito binalikan.
Pagkaalis ng madrasta ni Yumi ay itinago niya sa drawer ng kanyang mesa ang journal. Ngunit na-curious siya. Ano kaya ang mga isinusulat doon ni Jairus? Kahit minsan ay hindi niya pinakialaman ang journal nito. Malapit man sila sa isa’t isa ay hindi niya tinangka minsan man na pumasok sa silid nito at ganoon din ito sa kanya. Pinalaki sila na mahigpit na sinusunod ang propriety.
Pero magiging mag-asawa na sila ni Jairus. Wala nang magiging lihim sa pagitan nila. Binalikan ni Yumi ang journal sa desk drawer at binuklat iyon.
I saw her today. My heart skip a beat, or maybe two, when I saw her smile at me. She smiled the same elegant smile, walked the same elegant stride on the streets of our quaint town. She’s really beautiful.
Parang nagsikip ang dibdib ni Yumi sa nabasa. Alam niyang hindi siya ang tinutukoy roon ni Jairus. Binuklat niya ang huling pahina ng journal.
I was up at the tree house when she came. She asked me if she can come up. What man would refuse a lovely princess like her? I welcomed her up my humble kingdom. We had a good chat. We laughed, we banter, we even sang together. I felt great. I wish I can have my own choice and marry her someday soon…
Doon na nanginig si Yumi. Kahit kailan, hindi pa sila kumantang magkasabay ni Jairus. Ito lang ang kumakanta kapag naroroon sila sa treehouse noong mga bata pa sila. Hindi siya kundi si Vera ang may magandang boses. At hindi naibigay kay Jairus ang karapatang pumili ng pakakasalan nito. Idinikta rito at sa kanya ng kanilang mga lolo ang napipinto nilang pagpapakasal.
I wish I can have my own choice and marry her someday soon…
Hindi pala talaga si Yumi ang pangarap na pakasalan ni Jairus. Malinaw na labag sa kalooban nito ang itinakdang kasal nila. Hindi man lang siya nakahalata. Dahil wala siyang narinig na pagtutol dito. All the while, he was just following an order.
Noon din ay nagpasya si Yumi. She had to get away. Fast.

Barely Heiressess Book 2 - Yumi  (Published 2015)  COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon