CHAPTER 2DINAMPOT ni Yumi ang framed photo ng Lola Milagros niya. Sa nakalipas na dalawang taon ay walang nabago sa kanyang silid sa mansiyon. Ang drapes, ang kulay ng bedsheets at bed cover ay shades pa rin ng aqua na siyang paborito niyang kulay. Hindi rin nabago ang posisyon ng furnitures. Naroon pa rin ang desk drawer niya na ang balangkas at ibabaw ay gawa sa purong kahoy ng pino. Ipinagpapasalamat niya iyon.
Niyakap niya ang larawan ni Lola Milagros. Ito ang lola niya sa ina. Kung minsan, naiisip niya, ano kaya ang naging buhay niya kung hindi namatay sa car accident ang lola niya? Malamang ay kasama pa rin niya ito at tahimik na namumuhay sa kanilang bahay sa Makati. Baka naging mas naging simple ang buhay niya, at walang komplikasyon.
Hindi nga lang siguro magiging buo. Napunan man ni Lola Milagros ang bakanteng espasyo ng isang ina sa puso ni Yumi – namatay ang mama niyang si Marinel nang isilang siya – ay hindi naman nito napunan ang lugar ng kanyang ama at ng Lola Celestina at Lolo Alfonso niya.
Bumuntong-hininga si Yumi. Napakaikli ng sampung taong pagsasama nila ng kanyang Lola Milagros. Parang gaya rin ng Lola Celestina niya na iilang panahon lang niyang nakasama ay namatay na. Pagkamatay na isinisisi ng lahat sa kanyang ama.
At ngayon, ang Lolo Alfonso naman niya ang may malubhang sakit. Ayaw na niyang mawalan ng isang taong minamahal. She cannot take pain anymore.
May kumatok sa pinto ng silid niya. Pumasok doon ang madrasta niyang si Aunt Carrie. Ito lang at si Brian ang sumalubong sa kanya kanina dahil nagsi-siesta raw ang lolo niya. Si Brian ang anak ng katiwala ng Lolo Alfonso niya sa Baguio. Madalas ito sa Sagada dahil fruit and vegetable dealer ito. “Yumi, gising na ang lolo mo.”
“Is he… well?” tanong niya sa madrasta, hindi maitago ang takot sa boses.
Ngumiti ito. “Ah, sa biglang tingin, para siyang walang sakit. Medyo namayat siya. But yes, he’s fine.”
“Ano po ba talaga ang sakit ni Lolo, Auntie? Bakit ayaw sabihin sa akin ni Atty. Ferrer?”
Nahalinhan ng lungkot ang ngiti ng madrasta niya kaya mas lalo siyang nag-alala. “Yumi, mas mabuting ang lolo mo na lang ang magsabi sa iyo.”
“Galit pa kaya siya sa akin?”
Ngumiti uli ito. “Mahal na mahal ka ni Papa. He misses you, Yumi. I’m sure hindi na siya galit sa iyo.”
“Sana nga po.” Sumunod siya sa paglabas ng madrasta. “Aunt Carrie, inaalagaan po ba ni Papa si Lolo?”
“Hindi,” sabi nito, kasunod ng buntong-hininga. Nang tingnan niya ito ay sarado na sa anumang emosyon ang mukha nito. “Talk to your lolo first and we’ll talk later.”
“Pero bakit po?” Pinaiiral na naman ba ng papa niya ang pagiging iresponsable?
“Sige na, Yumi. Do what you’re told to do.”
Iyon mismo ang mga salitang binitiwan ni Lolo Alfonso noon kay Yumi. Kahit papaano, nakadagdag din iyon sa dahilan niya kaya niya nagawang lumayas sa poder nito, kaya dalawang taon na hindi siya tumungtong ng Sagada.“DO WHAT you’re told to do, Yumi.”
Sa unang pagkakataon ay umalma si Yumi sa patriyarka ng mga Banal. “Pero Lolo, wala kaming relasyon ni Jairus. He’s just my bestfriend. Bakit gusto n’yong magpakasal ako sa kanya?”
“Dahil iyon ang gusto kong mangyari.” Parang pader na hindi matitibag ang paninindigan ni Lolo Alfonso. Nakikita niya iyon sa awtokratikong mga mata ng lolo niya at sa matatag na pagkakatikom ng bibig nito. “Makinig ka, Yumi. Matanda na ako. At hindi ko nakikitang magbabago pa ang ama mong alibugha. Kaya ngayon pa lang ay kailangan ko nang pangalagaan ang magiging kinabukasan ninyo ng kapatid mo. At ang kinabukasan ng mga kayamanang mamanahin mo. I trust Jairus more than I trust your father.”
Wala siyang maipipintas kay Jairus, sa loob at sa labas mang pagkatao. Pero sapat ba iyon para pumayag siyang magpakasal gayong kaibigan lang ang tingin ni Jairus sa kanya? “Ganito rin ba ang gagawin ninyo kay Vera? Ipagkakasundo n’yo rin siya sa lalaking gusto ninyo?”
“Huwag mo akong pangunahan!”
Parang gustong mangurong ni Yumi nang makitang galit na ito. Mula nang mapunta siya sa poder ng lolo niya ay hindi siya gumawa ng kahit na anong ikagagalit nito. Mahal na mahal niya ang kanyang lolo. Sinusunod niya ang bawat maibigan nito. Kaya nga nababansagan siya ng mga tagamansiyon na lolo’s pet.
“Dapat mong tandaan na ikaw ang panganay ni Alfie. Kaya sa mga kamay mo nakasalalay ang lahat ng mga kayamanang pinaghirapan namin ng Lola Celestina mo…”
Biglang sumingit sa isip ni Yumi ang isang alaala noong kadarating pa lang niya sa Sagada matapos siyang kuhanin ni Lolo Alfonso sa Makati. Nagmadali kaagad itong maipaayos ang mga dokumento para sa adoption niya bilang isang legal na Banal. His grandfather was so happy to finally discover another heir to his vast riches and wealth - an heir who held the birthright being the firstborn of his son.
“Isang pagkakamali mo lang ay puwedeng mawala lahat ng ito sa pamilya,” patuloy ng matanda. “At hindi ko na siguro kailangang ipaalala sa iyo ang napakaraming tao na umaasa sa mga negosyo ng Familia Banal. Kaya dapat lang na ako ang magsiguro ng magiging kinabukasan mo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/128728342-288-k600004.jpg)
BINABASA MO ANG
Barely Heiressess Book 2 - Yumi (Published 2015) COMPLETED
RomanceUnedited Para makuha ni Yumi ang pamama ng kanyang Lolo, kailangan niyang tuparin ang nakalagay sa proviso -- balikan ang tinakasan niyang groom. Kailangan niyang paibigin ito at turuang magmahal. But there's a catch. Dahil ang dating mabait, carin...