Gusto kong itanong kung anong mapapala ko kapag nakilala ko ang mga powerful students kuno kaso pinigilan ko ang sarili ko. Mukha siyang masaya sa ginagawa niya, at hindi ako kill joy para sirain ang kasiyahan niya.
May kakaiba talaga sa babaeng 'yon.
Pero lahat naman ng tao dito sa school na to ay kakaiba. But this girl is the only person na nag-approach sa akin para tulungan ako?
Or so I thought.
Wala naman na kasing magbabago kapag nakilala ko ang mga pinag-ma-malaki nilang powerful students. Na-bully na ako at nasaktan.
Huminga ako ng malalim. Pumasok ako sa tahimik na classroom na tanging ako lang ang tao dahil naglabasan na sila kanina lamang. Ipinatong ko ang bag ko sa lamesa saka sinubsob doon ang mukha ko.
I already missed the Math class. May quiz pa naman kami bukas. Huminga muli ako ng malalim. Nakaka-frustrate talaga minsan ang buhay.
Pero dahil wala na akong magagawa para ibalik pa ang oras na nasayang ay pinilit ko ng i-alis pa sa isipan ko iyon. Wala na din naman kasi akong magagawa pa.
Kakatapos lamang ng last subject ko na buti nalang at naabutan ko, nang maisipan kong maglakad-lakad sa buong school dahil hindi pa ako masyadong pamilyar dito. Hanggang sa makarating ako sa parking lot at isa-isang tinignan ang mga mamahaling sasakyan na nakahilera doon.
Then suddenly, I remember my twin brother, Alex na mahilig sa sasakyan, 'yon nga lang ay hindi namin kayang bilhan siya kaya nagt'ya-t'yaga sa pahiram-hiram sa mga kaibigan niyang hindi ko alam kung saan niya napupulot.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang may umakbay sa akin at ang nakangiting mukha ni Harlene ang bumungad nang lingunin ko ito.
"Hi Alyssa!" Bati nito saka tumakbo papalapit sakin.
Hindi ko pinahalata ang pagka-bigla ko at mataman siyang tinignan. Hindi ko pinahalata na nagulat ako dahil alam niya ng pangalan ko.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Seryoso kong tanong na pilit hinuhuli ang mga mata niya.
"Uh--queen Madison...Oo tama! Sa kanya ko nalaman ang pangalan mo dahil ikaw ang kanyang apple of the eye ngayon." Pilit siyang ngumiti kahit na halata sakanya ang kaba. Napahalukipkip ako.
"Ganoon ba?" Sabi ko na lamang habang hindi inaalis ang tingin sakanya. Nakita ko ang paghugot niya nang malalim na hininga saka muling pilit na ngumiti.
"You remember my name, right? You can call me, Harlene..." Sabi pa nito. Tumango ako at hindi pa din inaalis ang tingin sa kanya. Nakipag-laban na din siya ng tingin sa akin at feeling ko nakuha na niya muli ang confidence niya.
"Tara?" Tanging tango ang ginagawa ko sa mga tanong niya. Hindi ko alam basta I started to smell something. Sumabay ako sa paglalakad niya palabas sa school hanggang sa makarating kami sa maliit na coffee shop sa gilid ng school.
Dumiretso kami agad sa counter para um-order ng maiinom na ayon sa kanya ay siya na ang magbabayad since siya naman ang nag-aya. In-order ko ang iced caramel macchiatto habang siya ay matcha green tea frappuccino.
Tahimik kaming dalawa na humanap ng perfect spot na nasa labas ng coffee shop at doon naupo. Agad akong sinimsim ang macchiatto ko dahil sa init ng panahon.
Narinig ko ang pag-tikhim niya kaya napaangat ako ng tingin. Muli kong nakita ang ngiti niya na hindi ko maintindihan kung bakit ang akward.
"Simple lang ang sasabihin ko, Alyssa. Kaya dapat kang makinig ng mabuti..." Muli akong tumango kaya nagsalita siyang muli.
"St. Bernadette University ang tanging prestigious school dito sa Aldwyne kaya hindi na nakakapagtaka kung ilan sa mga estudyante dito ay mayayaman at feeling mayaman. Pag-aari ng mga Sandoval ang University na ito kaya maraming mga kalokohan ang ginawa sa school kasama na dito ang powerful students na 'yan na si Madison talaga ang may pakana dahil sa fiance siya ng isang Sandoval. And being the fifth powerful student, Madison Stoner, na famous rich girl in town at self-proclaimed queen ay pwede niyang gawin ang mga childish acts niya like what she did to you na walang detention whatsoever. Ngayong natikman mo na ang bagsik niya sana naman ay matuto ka na at huwag nang muling kakalabanin siya dahil hindi siya titigil hangga't hindi siya nasisiyahan..."
Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko sa mga sinabi niya. Hindi lang pala kasi ako ang nagsasabi na childish si Maddison, maging ang ilang mga estudyante na katulad niya. Nanatili akong tahimik kaya nagpatuloy siya.
"The fourth, Lawrence Andrade na isang certified casanova king ng lugar na ito. The third was Thunder Perez na isang car racer and also a techy sa magkaka-ibigan. May-ari ang family niya ng hospitals sa buong bansa. The second was Jared Sandoval na second born Sandoval, pinsan sila ni Zayn. He was the silent type at seryoso. Hindi mo rin minsan masakyan ang ugali niya dahil moody, and lastly, Zayn Sandoval."
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin dahil hinintay ko ang kasunod niyang sasabihin ngunit pangiti-ngiti lamang siya habang kagat-kagat ang straw ng frappe niyang paubos na.
"Sino si Zayn Sandoval?"
Ngumisi siya ng nakakaloko at pilit napinipigilan ang kanyang pagtawa, "Save the best for last, but since may lakad pa ako ay ikaw na ang bahalang umalam..."
Hindi ko na siya napigilan nang mabilis siyang umalis at sumakay sa isang sasakyan. Napabuntong hininga na lamang ako at inubos ang inumin ko pakuwa'y tumayo na. Muli akong naglakad pabalik sa school para kunin ang uniform ko sa locker ko dahil wala akong spare at nang malabhan ko na rin. On my way palabas ng gate ng bigla akong mapatigil dahil may bigla akong naalala.
Shit!
May pupuntahan pala dapat ako sa parking lot!
Mabilis kong tinakbo ang daan patungong parking lot na sobrang layo pala mula sa Gate B kung nasaan ako kanina. Halos maubusan na ako ng hininga sa walang tigil kong pag-takbo makarating lamang doon.
Isa-isa kong tinignan ang mga hanay ng sasakyan sa pag-asang makikita ko ito ngunit wala, hanggang sa mapasandal na lamang ako sa isang sasakyan dahil sa pagod.
Ano na naman ba ito? Masasangkot na naman ba ako sa gulo? Mukha pa naman siyang nakakatakot at nangangain ng tao, isa pa kilala niya si Alex, hindi kaya isa siya sa mga kaibigan ni Alex na wala kaming ideya nila mama kung sino? Pero paano? Ang sabi ni Harlene kanina lamang ay mayayaman sila kaya paano magiging kaibigan ng kapatid ang isang tulad ni Zayn Sandoval na mayaman daw?
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at muling huminga ng malalim saka mabagal na naglakad.
Bahala na, kung destiny ko ang ma-bully sa school na ito hanggang sa maka-graduate ako then be it. Sana lang ay mabilis silang magsawa.
BINABASA MO ANG
Heartless Romance (Completed)
RomanceBuong akala ni Alyssa ay siya na ang pinaka-suwerte sa kanilang lugar matapos malaman na siya ang natatanging mamamayan na nakatanggap ng scholarship mula sa prestihiyosong unibersidad ng kanilang lugar. Ngunit sa unang araw pa lamang niya ay nakata...