Chapter 3

128K 2K 49
                                    

Isang linggo matapos ang traumatic experience ko sa school na ito ay pinili ko pa ring mag-patuloy sa buhay. Pinili kong huwag na lamang isipin ang mga nangyaring kaganapan at mas mag-focus nalang sa aking pag-aaral. At sa loob ng isang linggo ay natahimik naman ang buhay ko at hindi na nasundan pa, 'yon nga lang walang gustong makipag-kaibigan sa akin kahit isa. But that's fine, as long as matiwasay ang buhay ko ay okay na 'yon. Mas gugustuhin ko pa na mag-isa, kesa maraming kaibigan pero stressful naman at puno ng drama.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang may thirty minutes pa bago ang next class ko, kaya mula sa pagkaka-sandal sa malapad na puno ay tuluyan na akong nahiga sa makapal na damuhan habang nakaunan sa bag ko. Tumitig ako sa kulay asul na kalangitan at napabuntong-hiningang muli.

Sa nakalipas din na isang linggo ay hindi na nawala saking isipan ang lalaking sinasabing fiancé raw ni Madison. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng inis, siguro dahil nakakainis ang lahat sa babaeng iyon. Mula sa way ng pag-aayos niya sa mukha niya, pananamit, pananalita hanggang sa ugali. Bukod pa doon, obvious naman na patay na patay siya sa lalaking 'yon to think na mukhang magka-edad lang kami at 'yong mga lalaki ay mas matanda na sa amin na sa tingin ko ay six to seven years? But, I don't care.  Nakakainis silang lahat dahil hindi na nila pinapatahimik ang isipan ko.

Pero may something talaga sa kanya. 'Yong malalim niyang boses at mga mata ay parang pamilyar.

O feeling ko lang?

I should be grateful to them dahil niligtas nila ako do'n sa childish na pa-welcome party ni Madison, but it's their fault too dahil hinahayaan nilang gawin ng babaeng yon ang mga walang kwentang bagay porque mayayaman sila. Ilan pa kayang mga estudyante ang nagawan nila ng ganoon bukod sa akin?

Napabuntong hininga na lamang akong muli at pumikit. Pilit na winawaksi ang kanilang mga mukha sa akin isipan.

Mabilis akong napabangon at napaubo nang pumasok sa ilong ko ang tubig na bumasa sa buo kong mukha at blouse. Dumilat ako at agad kinuha ang bag ko saka tumingala, doon ay nakita ko ang ilang estudyante na nakangising nakatingin sa akin. Hindi pa ako nakakabawi ay may tumama na naman sa uniform ko at nahulaan ko kaagad ito dahil sa lansa ng itlog na paborito kong ulamin o ipalaman sa pandesal tuwing umaga.

"Hello there beggar, miss me?" Mapang-asar na sabi ni Madison Stoner na biglang lumitaw sa harapan ko. Nakasuot siya ng sleeveless khaki blouse, yellow skirt at yellow headband with ribbon. Sa lahat ng estudyanteng babae dito sa university, siya lang ang may lakas ng loob na hindi mag-uniform. Minsan tuloy ay napapaisip ako kung tama bang tawaging prestihiyoso ang university na ito kung may mga estudyante na kagaya niya. Hindi pwedeng i-rason na mayaman siya o may share ang mga magulang niya sa university na ito dahil labag iyon sa batas.

"Alam mo ba, sa lahat ng ginagawan ko ng ganito, ikaw lang ang hindi umiiyak at nagmamakaawa. Bakit kaySiguro pinapatay mo na ako dyan sa isip mo no?" sabi pa nito habang nakangisi sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi niya ba naalala na nagmaka-awa na ako? Sa aming dalawa tingin ko talaga siya ang stupid.

Napa-iling ako saka napatingin sa blouse ko na basang-basa at malansa. Marahan kong pinagpag ito kahit na alam kong useless din naman.

"Bakit ako magmamakaawa, napaka-immature mo naman mag-isip." Bulong ko na mukhang napalakas dahil bigla niya akong sinampal, hindi pa siya nakontento ay hinawakan pa ang buhok ko at hinila palapit sa kanya. Mahina akong napadaing.

Namumuro na ang babaeng 'to sa pananakit sa akin. Buti sana kung hindi malakas, kaso nung nakaraang sampal niya talagang namaga ang pisngi ko at kinailangan ko pang lagyan ng yelo. Mabuti na lamang at mag-isa lang ako noon sa bahay kaya walang nag-usisa kung saan ko nakuha ang pamamaga ng pisngi ko.

Heartless Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon