Chapter 2

821 15 0
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ramdam ko ang mga tingin nila na mapang-husga na para bang isa akong kriminal kahit na ang kasalanan ko lang naman ay natapunan ko ang queen nila at na-dumihan ang sobrang mahal nitong damit na hindi ko daw kayang bayaran.

Patuloy ang pagkaladkad nila sa akin hanggang sa makarating kami sa parte ng school kung saan maraming puno. Napaka-aliwalas ng lugar na ito.  Halos puro berde din ang mga bagay na makikita dito. May iba't-ibang klase ng mga maku-kulay na bulaklak at may fish pond din sa gitna. 

Tahimik at maganda na sana ang paligid kung hindi lang ganito ang gagawin sa akin.

"Bilisan niyong itali yan! Bakit ba napakabagal niyo?!" Nabulabog ang buong paligid sa sigaw ng babaeng ito, kasunod niyon ang pagbagsak sa akin sa upuan na nasa gitna na isang white na monobloc din na mukhang pinaghandaan talaga. 

"Bitiwan niyo nga ako! Wala akong kasalanan sa inyo!" Sigaw ko habang pilit na nagpu-pumiglas pero mas malakas sila. Mabilis nila akong na-itali sa upuan, kasunod ang mga kamay at mga paa ko. Napayuko nalang ako ng mapagtanto na wala na akong laban. 

I guess this is the fate of a poor girl, entering a rich den. 

Napapikit ako. Pilit na pini-pigilan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Ayokong umiyak. Hindi ako mahina. Hindi ako talunan. 

"Pasensya na, napag-utusan lang. Matuto ka kasing gumalang at rumespeto sa queen." Dinig kong sabi ng isa sa nagtatali sa akin.

I already knew that she's the queen of this school. I just don't understand why the queen needs to be childish like this. 

Nag-angat ako ng tingin, at napabuntong-hininga ng makita ang kumpulan ng mga estudyante na kanina ay tinitignan ko lamang. Mabilis talaga umikot ang mundo. 

Sinubukan kong mag-maka-awa at ipa-intindi na wala akong kasalanan, ngunit walang pumansin kahit na isa, bagkus tinawanan pa ako ng lahat.

Akmang sisigaw muli ako ng lumapit ang babaeng natapunan ko ng iced tea na ngayon ay naka-pagpalit na ng damit dahil sleeveless na kulay cream na ang suot nito.

Nagulat ako ng malakas niya akong sampalin na nagpa-baling ng ulo ko sa kabilang gilid. Mabilis akong naramdam ang pamamanhid at pag-kirot ng pisngi ko.

Great. Hindi ako kailanman nasaktan ng mga magulang ko, siya pa lang. 

"Shut up, beggar! Shut your stupid mouth or puputulin ko yang dila mo!" 

Sinalubong ko ang mga mata niya. Sobrang inis ang nadarama ko sa mga oras na ito para sa babaeng 'to, at tila mukhang natutuwa pa siya sa pinapakita ko dahil nagawa niya pang ngumisi. 

"Tignan natin kung makatingin ka pa ng ganyan mamaya..." Sabi niya saka umalis sa harapan ko.

Naglakad ito patungo sa dalawang babae na lagi nitong kasama saka walang sabi-sabi na tinapon ang hawak nito na sa tingin ko ay ang damit na suot nito kanina. Muli siyang humarap sa akin habang hindi pa din nawawala ang nakakairitang ngiti nito.

"This is your welcome party from the only queen of St. Bernadette University. Remember me, beggar. I am Madison Stoner. The only queen, at fiancee ni king Zayden. Remember this beautiful face because if you're going to messed up with me again ay hindi lang ito ang mararanasan mo..." Mahabang lintanya nito. Napabuntong-hinga na lamang ako at pumikit.

"LET THE PARTY BEGINS!" Malakas na  sigaw ni Madison. Nanatili akong nakapikit habang pinakiki-ramdam ang paligid. Dinig ko ang mga yabag nila papalapit sa akin.

At nag-umpisa na nga sila. Mula sa likod, naramdaman ko ang pagbagsak ng malamig at malansa na tubig sa ulo ko na nagpa-singhap sa akin. 

God! Wala akong extrang damit!

Heartless Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon