*2*

10.7K 51 0
                                    

Venice Deveza

    Pag-gising ko ay agad kong hinanap si russel pero hindi ko ito makita, tanging papel lamang sa aking tabi ang nakita ko at may nakasulat doon.

"Mahal pag gising mo tawagan mo kaagad ako. Pasensya na kung wala ako pag gising mo, may importante lang talaga akong ginawa."
                                                                   ~Mahal

Nagbihis muna ako bago ko kinuha ang cellphone sa aking bulsa. Tinawagan ko kaagad si Russel.

"Mahal nasaan ka? Anong ginawa mo?"
Tanong ko sa kanya.

"Pasensya na Mahal nagka problema kasi sa Kompanya kaya pumunta muna ako sa bahay para asikasuhin iyon. Babawi nalang ako mahal promise yan. Umuwi kana mahal malapit na mag gabi baka mapahamak kapa at hanapin sa inyo. Mag-ingat ka ha!"

"Opo mahal. Mag-ingat karin. I love you"

"I love you too mahal" Ibinaba ko na ang tawag. Aminado ako, na-disappoint ako kasi akala ko makakasama ko pa sya nang mas matagal pero naiintindihan ko naman sya kaya okay lang.

Umuwi na ako sa bahay at laking pasasalamat ko dahil wala sila mama at papa sa bahay dahil kung hindi patay ako.

Kakatapos ko lang maligo nang may tumawag sa cellphone ko. Agad ko itong sinagot nang makita kong si Russel ito.

"Oh mahal napatawag ka. Anong meron?"

"Namiss lang kita mahal. Okey kalang ba. Hmmm... ma-masa-kit pa-paba?" Napatawa naman ako nang mahina.

"Nahihiya kaba? Hahahah okay lang naman ako mahal di na masyadong masakit. Miss narin kaagad kita. Kaylan ba ulit tayo magkikita mahal?"

"Yun na nga mahal. Magpapaalam sana ako sayo kasi pupunta kami sa Maynila. Aasikasuhin lang namin yung kompanya namin dun. Isang linggo lang kami don mahal promise babalik ako kaagad pagkatapos."

Bigla akong napa upo sa kama. Haysst hindi na naman kami magkikita. Gusto ko man syang pigilan pero sino ba naman ako para gawin yun.

"Sige mahal basta mag-iingat ka doon. Mamimiss kita sobra. Huwag kang lalandi doon ah kung hindi yari ka sa akin."

"Oo mahal hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino. Ikaw na yata ang pinaka-maganda sa lahat ng babaeng nakilala ko. Behave lang ako dun."

"Hahah goodboy, sige magpahinga kana,             I love you mahal."

"Mag-iingat karin mahal. Huwag kang lumapit sa mga lalaki dyan ah akin kalang.           I love you too mahal. Mamimiss kita."

Napahiga ako sa kama. Ang Mahal ko talaga sobrang busy. Sana bumilis ang panahon para mapakilala ko narin sya bilang boyfriend ko.


After 2 week

Venice Deveza

   
      Hayssst 2 week na pero wala parin sya. Ano na kayang nangyari sa kanya. Sana okay lang sya. Ang tagal na naming di nagkikita. Miss na miss ko na sya sobra.

   

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko sya. Ilang segundo lang at sinagot na nya ag tawag ko.

"Mahal kaylan kaba uuwi miss na miss na kita sobra. Sorry kung naka istorbo ako sayo. Alam kong busy ka pero miss na talaga kita eh."

"Mahal miss na miss na miss narin kita. Sobrang gahol lang kami sa oras dahil nagka aberya dito. Kung hindi namin aagapan baka bumagsak ang negosyo namin dito sa maynila. Konting tiis nalang mahal malapit nakong bumalik. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal rin kita. Sige mahal ingat ka dyan. Huwag kang masyadong ma-stress
Tawagan moko kapag uuwi kana ah!"

Ang boring. Kaylan kaya sya uuwi. Lumabas muna ako nang bahay at pumunta sa tagpuan namin.

Pumasok ako sa loob. Hindi naman sya sobrang laki, hindi rin naman sobrang liit. Linibot ko ang paningin ko at bigla itong tumigil sa katre (higaan). Bigla akong namula. Naalala ko nanaman yung ginawa namin ni Russel.

Umupo muna ako at kinuha ang aking cellphone. Dumako ang paningin ko sa date. 1 buwan at kalahati nalang Birthday na ni Russel. Ano kaya ang ireregalo ko sa kanya.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko kaagad ito.

"Mahal nasan ka?" Tanong ni Russel sa akin.

"Nandito ako sa kubo mahal. Bakit mo pala natanong?"

"Uuwi na kami bukas Mahal. Magkikita na tayo. Pwede kabang matulog dyan para dyan nalang din ako dumiretso pagkarating ko?"

"Osige mahal pero magpapaalam lang muna ako kila mama at papa. Mag-ingat ka. I love you."

"I love you too mahal. Mag-ingat karin."

Agad kong pinatay ang tawag at tinawagan si mama.

"Mama pwede po ba akong makitulog sa kaibigan ko. Sige na po mama, Namiss kasi namin ang isa't-isa. Matagal tagal din kaming hindi nagkita."

"O sige anak pero mag-ingat ka."

"Opo mama, Pasabi nalang din po kay papa kasi baka mag-alala po sya at hanapin ako."

"Oo, anak. Ako nang bahala sa papa mo, Basta mag-ingat ka ah. O sige paalam na anak."

Sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanila. Nasasaktan ako. Pero pareho ko silang mahal kaya mahirap talaga pumili. Sana mapa-kilala kona si Russel kay mama para wala nang problema.

Humiga nako at hindi rin nagtagal ay nakatulog nako.




A/N: Please sana magustuhan nyo po. Comment naman po kayo kung gusto nyo na ituloy ko pa o wag na hahahaha. Feeling ko kasi ang panget nang gawa ko. Salamat po.

Walang Iba  R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon