1 month later
.
.
.
.
.
.
.
.Venice Deveza
Sa totoo lang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na e-excite ako na natatakot. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Alam ko bata palang ako pero alam ko. Mahal ko talaga si Russel kahit pa sabihin ng iba na Mas matanda pa sya o gold digger ako wala na kong pake. Mas natatakot ako sa sasabihin nila mama at papa saka yung mga magulang ni russel. Bahala na.
Kanina ipinadalhan ako nang gown ni russel na susuotin ko para sa Birthday nya. Kulay puti ito at parang gown nang pangkasal. Nag ayos na ako at nang matapos ako ay sakto naman na nag text si Russel.
"Mahal nandyan nadaw yung driver kanina pa nag aantay. Bilisan mo mahal gusto ko nang makita ang itsura mo."
Kinilig naman ako sa sinabe nya. Tatayo na sana ako ng bigla ulit akong mapaupo dahil nakaramdam ako ng hilo. Siguro nalipasan ako ng gutom kaya ganto doon nalang ako kakain. Agad naman akong nakabawi ng lakas kaya bumaba narin ako.
Pagbaba ko nakita ko si mama at papa na nakaupo sa sala. Nilingon naman nila ako.
"Ang ganda mo naman anak. San mo nakuha yang damit mo ngayon?"
"Oo nga artistahin na ang anak natin. Mana kasi sa akin."
"Mama bigay lang po ito sa akin ng kaibigan ko. Nga pala mama papa. May ipapakilala pala ako sa inyo mamaya pupunta po sya dito sa bahay."
"O sige anak umalis kana baka malate kapa sa party ng kaibigan mo. Ingat ka ha saka balik kaagad dito bago mag 10 maliwanag?"
"Opo papa, aalis napo ako" Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.
Agad ko naman nakita ang sasakyan ko papunta sa mansyon nila Russel. Hindi naman nagtagal ang byahe.
Pagbaba ko bigla ako nahiya, paano ba naman kasi agaw pansin ang suot ko. Naka dress lang sila pero mukhang mamahalin samantalang ako naka gown tinalbugan ko pa yung may birthday. Walang hiya talaga yang Russel nayan, yari talaga sakin yan mamaya.
Pumunta muna ako sa may sulok at tinawagan ko si Russel.
"Mahal nandito nako. Nasan ka ba?"
"Pasensya na mahal in-entertain ko pa kasi yung mga bisita. San kaba banda mahal puntahan kita."
"Nandito ako sa gilid malapit sa garden nyo bilisan mo ah nakakahiya nat kasi ito pa pinasuot mo sakin eh."
"Syempre mahal para mamaya kapag ipinakilala kita magulat silang lahat dahil ikaw ang pinaka maganda sa lahat ng nandito.Papunta nako mahal. I love you"
"I love you too" Ibinaba ko na ang tawag.
Kukuha sana ako ng maiinom ng may biglang humila sa akin. Nag pumiglas ako pero mas malakas sya sa akin.
Dinala nya ako sa pinaka dulo ng garden.
"A-anong gagawin mo sakin?"
"May gusto lang kumausap sayo."
Habang nagpupumiglas ako may nakita akong isang bulto ng babae kaagad akong humingi ng tulong. Palapit ito ng palapit. Nang lumapit ang babae saka ko lang ito namukhaan. Ang mama ni Russel.
"Maam tulungan nyo po ako. May gagawin po saakin itong lalaking ito."
Hindi ko maintindihan pero bigla syang ngumiti. Pero ang ngiting yun ngiting parang isang demonyo.
"You know maganda ka sana, kaso lang ang bobo mo. Akala mo ba hindi ko alam na ang isang katulad mo ang kasintahan ng anak ko. Wag mo kong igaya sayong bobo ka. Hindi ikaw ang tipo ng babae na gusto ko para sa anak ko. You think hahayaan ko sya na mapunta sa isang gold digger na katulad mo? Ang panget pa ng angkan na pinagmulan mo. Wala manlang pwedeng ipagmalaki! Ito lang ang tandaan mo. Kapag lumapit kapa ulit sa anak ko. Hindi mo alam ang kaya kong gawin."
Nasasaktan ako. Gold Digger ang tingin sa akin ng mama ni Russel. Porke ba hindi kayang makipag sabayan ng mga magulang ko pagdating sa salitang pera? Yun ba ang mahalaga sa magulang ni Russel.
"Okay padating na siya. I have to go. Ikaw nang bahala sa kanya. Siguraduhin mo lang na maganda ang acting mo ah."
Umalis na ang mama ni russel. Bigla naman humarap sakin yung lalaki.
"Babe akala ko ba sasabihin mo na sa russel nayun yung relasyon natin. Babe ilang taon na tayo. Sabi mo huhuthutan mo lang yang Ungas na yan. Hiwalayan mo na sya ngayon din"
Hindi ko sya maintindihan. Parang isinisigaw pa nya ang mga sinasabe nya.
"P-pero---" Hindi kona natuloy ang dapat sasabihin ko ng bigla nya akong hinalikan. Tinulak ko naman sya at tumingin sa kanya.
"Ano bang problema nyo?"
"Pasensya na napag utusan lang. Hindi mo ba hahabulin yung lalaking yun?"
Bigla akong napalingon sa tinuro nya. Nagulat ako ng nakita ko si russel na naglalakad palayo dito. Hinabol ko sya pero masyado na syang malayo. Pumunta ako kung san sya pumunta. Nakita ko sya sa stage. Tinawag kasi sya ng MC.
"Ano po ang masasabe nyo sa nalalapit nyong kasal ni Ms. Ramos na soon to be Mrs. Rodriguez."
"The wedding is not cancelled anymore. Tuloy ang kasal."
Nahiyawan naman ang mga tao. Tuwang tuwa sila na tuloy ang kasal pero kung sila masaya ako parang sinaksak nang ilang beses ang puso ko. Sobrang sakit.
Nakita ko na bumaba sya ng stage kaya lumapit ako sa kanya. Naabutan ko lang sya nang malapit na kami sa parking lot nila.
"Russel, makinig ka sakin. Sinet up lang nila ako. Hindi ko nga kilala yung lalaki kanina. Maniwala ka sakin please hindi totoo yun ayaw nang mama mo sakin kaya nya nagawa ito. Sya ang may gawa nito russel." Tuloy tuloy kong sambit sa kanya habang lumuluha.
Tumigil naman sya at humarap sa akin. Nakita ko na namumula na ang mata nya. Pinipigilan nyang umiyak.
"You know what nakakatawa ka. Dinamay mo pa ang mama ko para lang pagtakpan yang baho mo. Kung kaylangan mo ng pera sana humingi ka nalang sakin. Hindi yung ginaganito mo ako. Mahal kita. Mahal na mahal pero anong ginawa mo. Isa kang gold digger."
Nasaktan ako sa sinabe nya. Pareho sila ng mama nya. Yun ba ang tingin nila sakin. Gold digger?
"Kung mahal moko hahayaan mo akong mag- explain. Russel lilinisin ko ang pangalan ko. Maniwala ka naman sakin."
"Narinig ko lahat Venice. Okay lang. Makipag hiwalay kana sakin para wala nang hadlang sa love story nyong dalawa. Mga wala kayong kwenta"
Mas dumoble pa ata yung nararamdaman kong sakit. Venice, venice nalang pala.
"Alam ko naguguluhan ka pero maiintindihan mo ako kung bukas yang isipan mo. Mag usap nalang tayo pag malamig na yang ulo mo"
"No, this is our last conversation. Tapos na tayo. Baka gusto mo pang kuhaan muna ako ng pera kaya ayaw mong makipaghiwalay."
"Ilang beses ko ng sasabihin sayo mahal na na set up lang ako." Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na.
"Wag na wag mo kong matatawag na mahal. Wala kang kwentang tao. Ikaw ang pinaka sinusumpa ko sa lahat kasama ang lalaki mo. Simula ngayon wala ng Venice sa buhay ko."
A/N:Oppzzz... Sorry po kung mali man ang aking grammar pero sana nagustuhan nyo parin kahit ang epic nung english <3.
BINABASA MO ANG
Walang Iba R18
RomanceDon't judge the book by its cover. Judge the book by its content. Hahhahahh tama ba?😂