Venice Deveza
Hindi nya manlang ako hinayaan na magpaliwanag.
Umuwi nalang ako ng bahay. Tinanong ako ni mama kung ano ang nangyari sa akin dahil mukha daw akong tanga. Oo tanga ako. Tanga sa pag-ibig.
Mag sasalita sana ako ng bigla akong nakaramdam nang parang may something sa tiyan ko na gustong kumawala. Dali dali akong nangpunta sa banyo at doon inilabas ang gustong lumabas sa tiyan ko. Pag angat ko nang paningin ko ay nakita kong nakatitig ng matalim sa akin si mama at papa.
"Umamin ka Venice. Buntis kaba?"
Bigla akong natigilan. Hindi ito pumasok sa isip ko kaylanman. Paano kung buntis nga ako. Bigla akong namutla.
Umalis si mama saglit at pagbalik nya may dala na syang pregnancy test. Di ko alam kung san nya nakuha to basta ang mahalaga malaman ko kung may laman naba itong tiyan ko o wala. Isinara ko ang pintuan.
Ginamit ko ito. Sabi dito mag hintay ng ilang minuto. Nagulat ako sa lumabas na resulta. O my positive. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung matatakot. Kumatok naman sila papa.
"Ano tapos naba. Anong resulta.?"
Binuksan ko ang pintuan at pinakita ko sa kanila ang pt.
"Walang hiya kang babae ka napaka landi mo. Hindi mo pa nga tapos ang pag-aaral mo pero lumandi ka kaagad. Nakakahiya ka. Lumayas ka dito sa pamamahay ko bago pa mandilim ang paningin ko at kung ano pang magawa ko sayo."
Sa sobrang takot ko tumakbo ako palabas ng bahay. Pero bago yun sumilip muna ako sa kanilang dalawa. Kapwa sila umiiyak. Tama sila. Kahihiyan ako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na naka hinto sa tapat ng kubo.
Pumasok ako sa loob nun. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag ko at tinawagan si Russel. Naka 10 tawag nako bago nya ito sinagot.
"Anong kaylangan mo sakin? Pera? Ang landi mo P*ta."
Tinatagan ko ang loob ko. Kaylangan para sa anak ko, anak namin.
"Pwede ba tayong magkita. May mahalaga lang akong sasabihin sayo."
"Ayokong sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang tao."
"Please importante ito. Magkita tayo sa kubo. Aantayin kita kahit anong oras."
Pero binaba nya ang tawag. Ayoko na hindi ko na kaya. Sobrang sakit. Bakit kaylangan ko pa tong maramdaman.
Limang oras na akong nag aantay pero wala parin sya. Tinignan ko ang laman ng maliit na bag na dala ko kanina. Cellphone, Charger, P8000 at mga barya lang ang laman nito. Buti nalang dala ko ang pera ko. Dapat kasi talaga ite-treat ko si Russel sa Restaurant pero wala, di na natuloy.
Kahit malamig na ang simoy nang hangin okay lang talaga sakin pero inisip ko ang anak ko. Sana dumating na sya. Pero pag di talaga sya dumating sa loob ng 1 oras. Okay lang tatanggapin ko. Kaylangan ko yun para sa anak ko. Ayoko na may mangyari sa kanya dahil lang sa katangahan ko. Ang baby ko nalang ang meron ako ngayon. Ayoko na baka pati sya malawa rin sa akin. Sya nalang ang meron ako.
Lagpas na ang 1 oras pero wala parin sya. Ganun ba talaga sya kagalit sa akin para hindi sya pumunta. Pero sana kahit papaano ay binigyan nya ako ng panahon para magpaliwanag para malinis ang pangalan ko. pero wala, hindi nya ginawa. Siguro its time to accept. Kahit mahirap. Magpapakalayo-layo nalang ako.
Sana tama ang maging desisyon ko. Lord kayo napong bahala sa akin at sa magiging anak ko. Wag nyo po sana kaming pabayaan.
KINABUKASAN
Russel Rodriguez
Bullsh*t, bakit ba kahit niloko nya ko mahal ko parin sya. Hindi ko sya kayang tiisin. Pupunta ako sa Kubo ngayon din. Sabi nya naman mag hihintay sya. Sana nandon pa sya. Sana maayos pa namin ito.
Pagpunta ko sa kubo wala na sya. Napangiti ako ng mapait. Kahit kaylan talaga sinungaling sya. Pero bakit ganto gusto ko syang makita gusto ko syang mayakap. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nasabi ko sa kanya kagabi. Nilamon lang ako ng sobrang galit.
Pumunta ako ng bahay nila pero sabi ng mama nya wala na daw sya don. So sumama na pala sya sa lalaki nya. Tama lang pala na hindi ako nagpunta sa kubo kagabi.
Lord bakit ba ako nasasaktan ng ganito. Nagmahal lang naman ako. Nagmahal pero bakit puro Sakit ang isinukli sa akin.
Kung nasan man sya wag na syang babalik dito. Wag na syang magpapakita sa akin. Sobrang sakit sa puso ng ginawa nya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya sa kalagayan namin ngayon.
Ayaw na kitang makita. Nasasaktan ako. Pero nangungulila ako sayo. Namimiss na kaagad kita. Hindi ko alam kung bakit ganito. Mahal kasi talaga kita pero kaylangan ko ng mag move on.
Ang unfair na ako lang ang nasasaktan sating dalawa. Mabuti nalang at tuloy ang kasal namin ng anak ni Mr. Ramos. Mabuti na para mabilis kong makalimutan ka.
Pero sa oras na makita kita ulit ipaparanas ko sayo yung sakit na ipinaparanas mo sakin ngayon. Magbabayad ka. Higit pa sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Walang Iba R18
RomanceDon't judge the book by its cover. Judge the book by its content. Hahhahahh tama ba?😂