*4*

7.5K 35 0
                                    

Russel Rodriguez

     Habang papasok ako nakita ko na may kinaka usap si mommy. Siguro isa sa mga Investor namin. Hindi ko alam na napansin pala nila ako.

"Oh nandyan na pala ang nag-iisa kong anak. Russel maupo ka rito at may mahalaga kaming sasabihin sa iyo."

Umupo ako sa tabi ni mommy at katapat nang bisita.

"Anak, this is Mr. Renato Ramos but you can call him Tito Renato. Mr. Renato this is my son, Russel Rodriguez."

      Nakipag shake-hands naman ako kay Tito Renato pero nagtataka parin ako kung bakit kaylangan kasama pa ako sa usapan nila?

"Anak, alam ko mabibigla ka pero napag kasunduan namin ng Tito Renato mo na maipakasal ka sa anak nya. Alam mo naman siguro ang kalagayan nang Kompanya natin sa ngayon. Kaya mas makabubuti kung susundin mo nalang ako."

Sa sobrang pag iisip ko, Hindi ko namalayan na nakaalis na pala ang bisita ni mommy. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kinausap ko na si mommy.

"Mommy ano nanamang palabas to. Can you please stop this bullsh*t. Kahit anong gawin mo hindi nyo ko mapipilit na ipakasal sa kung sino sinong babae lang."

"Bakit ka maaapektuhan? Wala kang dapat ikabahala dahil wala ka namang kasintahan.

Saglit akong natigilan. Oo nga pala, hindi nga pala nila alam ang tungkol sa amin ni Venice.

"Pero kahit na. Hindi parin sapat na dahilan yun para ipagkasundo nyo ako sa babaeng hindi ko kilala. Mom gagawa ako ng paraan para isalba itong kompanya natin basta wag lang ganito. Pangako."

"Anak alam mo naman na sobrang halaga ng Kompanyang ito sa Daddy mo. Ayoko lang na mas lalo pa syang ma-stress lalo na't may sakit sya."

"Alam ko yun mom, kaya nga gumagawa rin ako ng paraan para rito pero sana wag nang madamay pati personal na buhay ko dito."

"Fine, ipapa-cancel ko na ang kasal pero pag dating nang isang buwan at hindi mo parin nareresulba ang problemang ito. Sa ayaw at sa gusto mo Magpapakasal ka. Maliwanag."

Dali daling pumasok sa kwarto si mommy. Hindi naman nagtagal ay tumawag si Venice.

"O bakit mahal may problema ba?" Pang-bungad ko kay Venice.

"Wala naman mahal. Namiss lang kita. Ikaw okay kalang ba?"

"Sa totoo lang kanina hindi ako okay kanina mahal pero ngayong kausap na kita okay nako. Nakaka relax kasi ang boses mo......... Lalo na pag umuungol ka"

"Buysit ka puro ka kalokohan. Pero seryoso mahal anong problema? Tungkol parin ba sa Kompanya nyo yan?"

"Oo mahal. Di na matapos tapos ang problema dito. Buti nalang nandito ka para sa akin. Mababaliw na siguro ako sa sobrang Frustration kung wala ka. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal rin kita. Basta lagi mo lang tandaan na nandito ako para sayo. O sya mag-pahinga kana. Kita nalang tayo bukas. I love you."

"I love you too mahal"

Pagkatapos ng tawag ay pumunta nako sa kwarto ko. Habang nagmumuni-muni, saka ko lang naalala na malapit na pala ang birthday ko 1 buwan nalang. At sa mga oras nato ay may nabuong ideya sa isipan ko.

KINABUKASAN

Nandito kaming dalawa ngayon sa kubo. Ngayon ko sasabihin sa kanya an plano ko. Sana ay maintindihan nya ako.

"Mahal may sasabihin ako sayo pero sana pakinggan mo muna ako. Patapusin mo ako."

"O sige mahal, ano ba iyon?"

"Kasi mahal kahapon may pinakilala sa akin si mommy. Balak nya akong ipakasal sa anak ni Mr Ramos para hindi kami malugi. Pero kinausap ko si mom. Sabi ko gagawa ako ng paraan basta wag lang akong magpakasal. Pumayag sya pero sabi nya kapag lumipas na ang 1 buwan at hindi ko parin nasosolusyuhan ang problema namin, sa ayaw at sa gusto ko magpapakasal ako at yun ang hinding-hindi ko hahayaan na mangyari. Pangako Venice gagawa ako ng paraan."

"Alam ko mahal. May tiwala ako sayo." Kahit bakas sa mukha ni Venice na  nasasaktan sya, iniintindi nya parin ako.

"Mahal, paano kung ipaalam na natin sa kanila ang relasyon natin. Hindi sa pinapangunahan kita. Nasasayo parin ang desisyon, mahal."

"Mahal napag isip-isip ko narin yan. Sa totoo lang natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa mga magulang ko. Sa magulang mo. Para sa kinabukasan natin pero sabe ko nga sayo mahal. May tiwala ako sayo kaya pumapayag nako."

Walang mapagsidlan ng labis na katuwaan ang nararamdaman ko. Sa wakas masasabi ko narin sa lahat kung gaano ko kamahal si Venice.

"May plano ako mahal. Diba sa susunod na  buwan Birthday kona? Doon natin ia-announce ang relasyon natin. Excited nako mahal. Sa wakas hindi na natin kaylangang magtago."

Tinitigan ko si Venice pero nababalutan ang mga mata nya ng takot at pangamba.

"Mahal hindi kaba natatakot sa posibleng mangyari?" Maluha luhang tanong nya.

"Mahal, kahit ano pang mangyari nandito lang ako sa tabi mo palagi. Hinding hindi kita iiwan. Andito lang ako lagi kapag may problema ka." Pinunasan ko ang kanyang mga luha at niyakap sya ng mahigpit.

Walang Iba  R18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon