Chapter 1

22 1 0
                                    

CHAPTER 1

Kakauwi ko lang galing sa school. I'm Aaheli a typical school girl for short commoner lang po ako. Hindi po kami mayaman nasa middle class po kami. Ang nanay ko ay natatrabaho bilang isang call center agent habang ang tatay ko po ay isang seaman. Dalawa kaming magkapatid. Lalake ang panganay namin na ngaun ay isa ng pulis. Nakakalungkot nga dahil tuwing weekends lang kami nagkikita. Muntik ko nang makalimutan ako pala ay 19 years old na at kumuha ng kursong architecture. Medyo mahirap din to kasi talagang todo aral ako. Hehehe. Joke lang. Pa easy easy lang ako lalo na at nagtutulungan kami tuwing exam or quiz namin. Kaso sa grupo di rin naman maiiwasan ang mga kj. Ung feeling nila sila na pinakamatalino. Biruin nyo ayaw magpagaya. Kakaasar ung mga ganun.

Dahil pagod ako minabuting matulog na. Mamaya na lang ako kakainin ng hapunan at talagang pagod na ang katawan pati na rin ang utak ko. Tsaka gusto rin mapanaginipan ang crush ko na si Marcus. Since high school ako ay crush ko na sya. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa gwapo na varsity pa sa basketball. Ang kaso suplado daw ito at may pagkamasungit. May pagka playboy din daw ito. Kelan nya kaya ako mapapansin man lang. Si.Marcus ay may kursong engineering kaya ibig sabihin magaling sya sa math. huhu.. Kulelat ako jan.

Bat ba ang daldal ko pa sabi ko nga matutulog na ako kasi pagod na ako. Oh hayan ipipikit ko na ang mga mata ko.

Sa aking dreamland or in short panaginip...

Nasa kapanahon na ba ako ng World War II? Maraming mga sundalo ngunit napansin ko na hightech ang mga gamit. Alam ko na! World War III na ito! Tama! Lumabas ako sa magandang bahay namin. Maraming tank sa labas at nababalot ng usok ang kalangitan na medyo kulay pula na rin. Grabe natatakot na talaga ako. Napanasin ko nasa America ba ako kasi naman ung mga sundalo halatang Americano pero marunong mag-tagalog. Anong kalukohan ito? Ito pa ang nakakaloka dahil ginawa nilang quarter ang bahay namin. Kamina naman ang nagsilbi sa kanila bilang katulong.  For real?! Nakakainis na ah.

After several hours ay hayan gabi na. Nakakapagod din maging katulong ng mga mukong na ito. Hayan tapos na akong maghugas ng tawagin ako ni mama.

"Dalhin mo ito kay Sgt. McDonald" utos sa akin ni mama. Nakakatwa ang apelyido niya parang ung fastfood lang na McDonald. Inabot sa akin ni mama ang tray na may kape.

Hayan palapit na ako kay Sgt. McDonald nang mapanasin ko na gwapo sa siya kahit nakatalikod. Pano kaya kapag humarap na sya. Baka makalaglag panty ang kagwapuhan nya. I clear my throat first bago nagsalita.

"Excuse po. Heto na po ung kape niyo." pagkuha ko ng atensyon nya.

Dahan dahan naman siyang lumingon ng biglang napako ang tingin ko sa kanya. Gosh! Ang gwapo talaga niya. Brownish hair at brown complexion na mas lalong nakapadagdag sa kanyang kagwapuhan. Teka kamukha niya si Daniel Matsunaga kaso mas batang version nya. Crush ko na talaga sya.

"Hey! Ayos ka lang?" bigla akong natauhan. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Nakahiya baka nahalata niya. Huhuhu. :'(

"Ah kap kape mmmm mo pala. Hehehe." hala nabubulol na ako sabay abot ko sa kanya. Mas lalo akong kinilig ng mahawakan niya ang kamay ko. Haha.

"Salamat." sabi niya. Tango na lamang ang naisagot ko sa kanya baka kasi kapag nagsalita pa ako ay kung ano pa lumabas sa bibig ko.

Akmang aalis na sana ako ng biglang gawakan nya ang kaliwang kamay ko. Grabe na talaga ito pwede bang mahimatay na ako. As in now na tapos gusto ko sya ang sumalo saken. Pleeeeease. Hihi. Ang landi ko rin.

"Ah eh bakit? May kailangan ka pa ba? " tanong ko sa kanya.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya sa akin.

Iniiwasan kong tumingin sa kanyang mga mata kasi nga kinikilig na talaga ako. "Aaheli." matipid kong sabi sa kanya.

"@%&#%-%/#@/@&@@" sabi niya kaso di ko naman maintindihan.

Peeeep! peeep! peeep!

Naku naman bakit may sumasabay na busina habang nagsasalita siya. Yan tuloy di ko maintindihan ung sinabi niya.

"Ha!? Ano ulit yung sinsabi mo?" tanong ko sa kanya.

Nakita kong kumunot ang noo niya. Hala baka isipin nito napaka-LG ko.

"I said @%&*#*#/#-&@@%%" sabi niya.

Peep! Peeep! Peeeeeeeeeeep!

Naku naman saan ba nanggagaling ang tunog na iyon. Panira naman ng moment.

"Aaheli! Aaheli!!!!! Aaheli!!!! BUKSAN MO ANG GATE!" hala mau sumisigaw ng pangalan ko. Pero teka boses yun ni kuya. Hala kasama din pala siya sa panaginip ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akong kumakalampag na ng gate. Kainis naman! Basag trip talaga si kuya. Sayang naman nung panaginip ko. Gusto ko pa sanang pumikit para ipagpatuloy yung panaginip ko kaso nagwawala na sa labas si kuya. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Agad akong lumabas para pagbuksan si kuya.

"ANG TAGAL MO?!" sigaw sa akin ni kuya.

"Sorry na. Eh kasi natutulog na ako kuya nung dumating ka." pagpapaliwanag ko kay kuya.

Nakita ko na lumambot na ang expression ng mukha niya. Nawala na ang galit niya.

"Pasensya ka na. Kasi naman ang aga mo matulog. Eh 7:30 pm pa lang. Kumain ka na ba?"

Timing naman na tumunog ang tiyan ko. Wahaha. Nagtawanan kami.

"Alam ko na ang sagot. Tara kain na tau." ginulo pa nya buhok ko bago kami pumasok sa loob.

Hahaha. Naranasan ko na rin sa panaginip yan. Kung kelan nasa kalagitnaan ka na ng iyong panaginip tapos bigla kang magigising. :'-(  Tapos kahit anong pilit mong matulog ulit para balikan ung panaginip mo yun pala huli na ang lahat. Huhuhuhu. Anyways nakaraos din sa chapter 1. Kakapagod magtype sa phone kasi naman may curfew po kami. Bawal gumamit ng wifi kapag madaling araw. Magagalit si daddy. Huhuhu. Tyaga  tyaga din pag may time.

YOU ARE FREE TO COMMENT. FOLLOW ME IF U WANT. MATATAGALAN PA ATA AKONG MAG UPDATE. BUSY KASI SI WRITER. KASI NAMAN NAGPAPAREPORT SA TRABAHO EH WALA NAMANG BAYAD. NAKAKAINIS. TAPOS SABIHAN PA AKO NA ANG BATA BATA KO PA. EH ANO NAMAN KUNG BATA PA AKO. INSECURE LANG SIGURO UNG HR NAMEN. WAHAHAHA.

CLAP! CLAP! CLAP!

SALAMAT SA EFFORT SA PAGBABASA NYO. I LOVE NA TALAGA. ;-)

Phantasm NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon