Chapter 5

4 1 0
                                    

CHAPTER 5

Nasa tambayan ako ngayon. Solo flight ako ngayon kasi po may pasok pa ung dalawa. May kasipagang taglay din un kasi naman may mga back subjects. Hahaha. Kawawa naman.

"Hi, Aaheli!" bati saken ni mokong.

Sinamaan ko sya ng tingin kaso di naman natakot si mokong. Ang nakakainis pa tumabi pa siya sa akin.

"Remember what I said yesterday?" ngumisi pa siya ng nakakakaloko.

"Hmp! Alam ko! One week lang." galit na sabi ko.

Flashback yesterday...

Bago ako umalis sa 7-Eleven ay ibinigay ko kay James ang cp number ko. Kinagabihan ay agad siyang nagtext sa akin. Ang kulit nga eh panay text sa akin.

James - "Kumusta ka naman tulo laway ko na classmate? Miss me?"

Ako - "Baliw ka talaga. Ano bang kailangan mo?"

James - "Hmm. I want you to be my alalay for one week."

Ako-"Ayoko nga! Hindi ako pinalaki ni mama para alilain mo."

James-"Fine. If you don't do what I want I will make a revenge and you'll never going to like it. haha"

Ako-"Sige na nga! Nakakainis ka talaga."

End of flash back.

"Here's my book. Uhm I need you to prepare me a report and I need it tomorrow. Gawin mo na agad." at agad nang umalis.

Mukhang nagmamadali si mokong. Kainis naman at inutusan pa tlga ako na gumawa ng report. Kay tamad namang tao nito. ang sarap nyang batukan. Heto at papunta na ako ng library dun ko na lang kasi gagawin tong pinapagawa niya.

Nakakapagod talaga ang araw ko ngayon kaya heto parang lantang gulay na pumasok sa kwarto ko. Agad akong nahiga sa aking kama at di namalayang nakatulog na pala ako.

Nakaupo ako ngayon sa lilim ng puno habang pinapanood ang papalubog na araw. Dapit hapon na rin naman kasi. Lumalamig na ang simoy ng hangin at dumidilim na ang kapaligiran. Naramdaman ko na may tumabi sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si McDonald. He take off his jacket and put it in my shoulder. I lean my head on his shoulder.

"We are going south next week." he said while staring at the sun setting down.

Tiningnan ko lang sya na may halong kalungkutan. He suddenly hold my hand.

"And I want you to come with me." pahabol pa nya sa akin.

"Pero paano si mama? Paano ang pag aaral ko?" tanong ko sa kanya na may halong pag aalala.

"Binibigyan kita ng panahon para makapag isip. Basta tandaan mo mahal na mahal kita at walang magbabago doon."

Suddenly he gave me a kiss on lips. Ramdam ko sa halik nya ang pagmamahal nya para sa akin. Mahirap pumili sa dalawa. Pareho kong mahal ang aking pamilya at sya. Natigil ang aming paghahalikan ng biglang sumigaw si mama.

"Aaheli!"

Napalingon ako sa galit na ekspresyon ni mama. Napatayo kami pareho ni McDonald. Sinalubong ako ni mama ng napakalakas na sampal. Napakasakit noon at parang nagmamanhid ang pisngi ko. Agad akong niyakap ni McDonald at itinago ako mula kay mama.

"Sumunod ka sa akin Sir sa loob ng bahay." kalmadong sabi nya sabay hila sa kamay ko.

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa katabi si mama habang nakaharap sa amin si McDonald.

"Kaylan pa?"

"Isang buwan na po ang nakakaraan." sagot niya.

"May nangyari na ba sa inyo?!" nanggagalaiti na tanong ni mama.

"Ma." saway ko kay mama

"Bukod po sa nakita nyo kanina wala na po kaming ginawa pang iba. Mahal ko po ang anak nyo at kaya ko pong gawin ang lahat para lang sa kanya."

"Lahat lahat kaya mo?"

"Opo. At handa ko pong gawin ang lahat huwag nyo lang ilayo sa akin si Aaheli."

"I want to talk to you privately. Sumunod ka sa akin." tumayo na si mama pati rin ako ay tumayo na.

Hinawakan ni McDonald ang kamay ko bago nagsalita "Everything will be alright. I'll promise." then he kissed me on my forehead.

Nakasunod ako ng tingin sa kanila habang papasok ng library. Sana nga maging maayos ang resulta.

Don't forget to vote.

Phantasm NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon