Chapter 2

8 0 0
                                    

CHAPTER 2

Nandito ako ngayon sa school namen. Nandito ako sa tambayan namin nila Erika at Mike. Sila ang mga butihin kong kaibigan. Yun nga lang bully din sila kung minsan. Gusto nyo i-describe ko ang tambayan namin? May magagawa pa ba ako. Isa itong open space na merong mga naglalakihang puno ng pine tree at fire tree. No worries kung hindi nyo alam itsura ng mga punong iyon ay maglalagay ng picture ang magiling nating author. Balik ulit tayo sa pagdescribe ko ng tambayan namin. Sa lilim ng puno ay may nakalagay na mga upuan at mesang concrete or sa talagalog sementado. Nagpapasalamat ako sa nakaisip na maglagay ng ganitong tambayan sa dahil bukod sa refreshing siya ay dito tumatambay ang crush ko. Natatanaw ko nga siya mula dito at kasama niya ang tropa niya at may inaakbayang babae. Girlfriend niya siguro syempre selos ako. Napadako bigla ang tingin niya sa dereksyon namin. Hala mukhang nahalata yata ako na tumitingin sa kanya. Nakakahiya nahuli niya ako. Huhuhu. :'-(

"Hoy ano na?! Di ba sabi mo you made a sketch nung lalaking soldier sa panaginip mo. Saan na?" pangungulit sa akin ni Mike.

"Baklang to di makapaghintay." saway naman ni Erika.

"Here." inabot ko sa kanila ang isang kapirasong papel na pinagguhitan ko ng mukha niya.

"Bukod kay Daniel Matsunaga kamukha niya yung varsity player ng soccer. Si James Santos. Haha. Diba Erika?"

Tiningnan naman ito ni Erika ng matagal. "Oo nga! Grabe ka naman magnasa pati crush ko inaagaw mo."

Napakunot ang noo ko. "Who's James Santos! Hindi ko siya kilala at tsaka hello malabo ako magkagusto sa kanya." Sigaw ko sa dalawa. Mga usyosera tong mga to eh di naman iyon ang crush ko. Nagulat na lang ako ng may marinig akong nagsalitang boses ng lalake sa likod.

"At malabo rin naman ako magkagusto sa katulad mo! Ang bansot mo pa." sabi nito.

Abay insultuhin pa ako. Huhuhu. Nakita kong naagaw na namin ang atensyon nila. May ghaaaaad! Nakakahiya talaga. Wrong move. Me and my madaldal na bunganga.

Nilingon ko siya. "At sino ka naman para sumabat sa usapan namin?"

Ngiting aso pa talaga. "James Santos. Ako lang naman yung pinag uusapan niyo kanina. Wag kang mag assume na magugustuhan kita dahil wala ka sa qualifications na gusto ko."

Nangangamoy away na ito. "Ang feeling mo!" Tumingin ako sa dalawa ko pang kasama para humingi ng back up pero wala. Na star struck na ata sila. Kainis naman.

Inagaw niya ang sketch na hawak ni Erika. Oh no! Makikita niya yung  drawing ko. Baka mas lalong lumaki ang ulo.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Who draw this?" tanong niya sa dalawa ko na kasama. Ang mga loko ay agad naman akong tinuro. Oo na. Kayo na! Pinagkakaisahan niyo na ako.

He smirk again. "Pinagnanasahan mo pala ako. Pakipot ka pa. Baka gusto mo magpapansin sa akin."

Ang sarap sipain ng mokong na to. Di ko na napigilan kaya nag walk out na lang ako. Nakakainis talaga napahiya na ako. Hindi ko na kaya ito. Narinig ko pa siyang nagsalita bago pa man ako makalayo.

"Admitt it! You like me!" pahabol pa niya.

Sa aking dreamland...

Nakaupo ako sa lilim ng punong  mangga. Dito ako madalas tumambay kapag gustong mapag-isa. Maganda dito dahil malapit sa batis at malamig ang simoy ng hangin.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Sgt. McDonald at mukhang sa direksyon ko talaga siya papunta. Nang makalapit na siya ay ngumiti siya sa akin. Hala kinikilig ako.

"Hi Aaheli. Bakit ka nag iisa dito? Hindi ka ba natatakot na baka may makakita sayong kalaban."

"Matagal na akong pabalik balik dito pero wala namang nangyayaring masama sa akin." pagtataray ko sa kanya.

"Malay mo may napadpad na mabangis na hayop dito."

Ang kulit din niya. Itinuon ko ulit ang atensyon ko sa pagguguhit.

"Magaling ka pala gumuhit. Makakaya mo kaya iguhit ang aking sarili."

Itinigil ko ang aking paguhit at tumingin sa kanya. Hindi sinasadya na napatingin ako sa kanyang mukha. Mas gwapo pala siya sa malapitan. Ang kanyang mga mata na para bang nang-aakit. Masarap siguro halikan ang kanyang mamula  mulang labi. Agad akong nag iwas ng tingin dahil parang bumilis ang tibok ng puso ko.

"May nasabi ba akong masama?" nag aalalang tanong niya.

Hindi ko na nagawang sumagot dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Oh nooooo! Kinikilig ako.

"AALEHI MENDREZ! WHAT DO YOU THINK YOU DOING!?"

Nagising ako sa sigaw ng professor namin. Naku naman kung kelan nasa kilig moment tsaka naman umepal si prof. Pero bigla akong nahimasmasan ng ma-realize na nakatulog pala ako sa klase. Paglinga linga ko ay nakita ko na lahat nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. Nakita ko rin si James. Hala classmate ko pala si yabang. Inilagay nya sa may ulo niya ang letter L na daliri and mouthed 'LOSER'. Kaasar talagang lalakeng to.

"GET OUT! OUT ON MY CLASS!" sabay turo niya sa nakabukas na pinto. "I WARNED YOU ALL NOT TO SLEEP DURING MY CLASS HOUR!" bulyaw pa nito bago ako makaalis.

Nilingon ko si James. Ang gago nakangiti ng nakakaloko. Lagot siya sa akin. Pagbibigyan ko siya sa ngayon. May araw ka din sa aikin at isinusumpa ko sa lahat ng mga santo! Wahaha. Evil laugh.

Time check! 2:44 am na. Pahinga na muna si writer. Mamaya na lang ulit. Hehehe. XOXO

Phantasm NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon