Chapter 3

96 0 0
                                        

Chapter 3

Sky's POV

"Alam mo sky sana di ka na magising" ha?? Gising naman ako ah.

"Bakit gising ako, nakikita nga kita eh except sa mukha mo. Magpakita ka na kasi sakin.." hinawakan ko ang kamay niya.

"Pag nagabol mo ko, makikita mo ko" tumakbo sya, hinabol ko sya. Pero bakit ang bilis bilis niya, hinihingal na ko... sumasakit ang dibdib ko.

"Sky" kumaway sya sakin nasa isa syang puno. Tumakbo ako dun, pero pag ka rating ko wala na sya agad.

"Huli ka" nahuli ko sya yinakap ko ang likod niya.

"Siguro oras na rin no, haharap ako pero wag ka sa iba titingin ha"

"Oo gusto na kita makita eh" haharap na sya.

"SKYY ^^" narinig ko ang boses ni Courtney..lumingon ako sa isang bahagi ng gubat. Nandun sya at naka upo sa bato.

"Sabi ko wag ka lilingon sa iba eh, sige paalam na" lumingon sakin ang babaeng yakap yakap ko, pero wala pa rin syang mukha.

"Sabi mo mag papakita ka na sakin?? Bakit wala pa rin"

"Di ka pa handa, baka masaktan mo yung babaeng yun eh. Makikita mo rin ako" lumingon ako kay Courtney nandun sya nakaupo lang at ngiting ngiti sakin.

"Pero--- Asan ka na?? Kahit pangalan lang??" Nawala na naman sya..

****

"Ano ba kasi yang napanaginipan mo?? Lasing ka na naman ba kagabi??"

"hindi Ate, maniniwala ka ba sakin kung sasabihin ko??"

"Oo naman tell me" she said habang nag hihiwa ng gulay.

"May lagi akong napapanaginipan na babae, pero wala syang mukha eh, tapos dapat makikita ko na sya kanina kaya lang nag pakita si Courtney eh"

"alam mo kung sino man yang babaeng yan, nag papasalamat ako sa kanya. Someday you'll realize kung ano talaga para sayo si Courtney, di man ako sang ayon sa set up niyong dalawa pero sana kung di mo kayang mahalin si Courtney tigilan mo na yung babaeng yun. She deserve someone better than you. Siguro yung babaeng yun ang pinahihiwatig lang sayo nun na bago mo sya makita ayusin mo muna ang sarili mo. Paano mo nga naman sya ma ha-handle kung yang puso mo eh may sabit."

"wow ate ang haba nun ah hahaha"

"ikaw  talagang bata ka, ang seryoso at ang haba nung sinabi ko tinawanan mo lang ako..!! Magseryoso ka na nga sa buhay mo!! Di ka ba nag sasawa sa ganyan?? Palibhasa mga kaibigan mo katulad mo rin eh, kasabihan nga same feathers flock together"

"Ate seryoso naman ako sa ibang bagay eh, sa pag aaral ko sa tingin mo ba makaka abot ako ng 3rd yr. Kung di ako seroyoso??"

"Bahala ka na nga dyan, dumaan si Four kanina may iniabot na bag ewan ko para san tignan mo na lang"

Bumalik ako sa kwarto, may nakalapag dun na paper bag.

"Ano ba to??" Binuksan ko to, isang shirt ?? Aa yung gagamitin namin sa competition, bakit di niya pinag pa bukas?? Naligo at nagbihis pang alis, gusto ko kasi makita yung schoolmate kong weirdo.

"Oh san ka na naman pupunta??" Ate.

"Dyan lang, sige ate" lumabas na ko.

****

"Wala sya dito?? Di kaya nasa bar sya??" Tumayo na ko at nag lakad.

"Hmmmn, si Courtney ba yun ?? Sino yung kausap niya at bakit sya umiiyak??" Lalapit sana ako pero bigla syang hinalikan nung lalaki??! Sino ba yun ?? Lumapit ako ng madilim ang tingin sa kanila.

A Hundred Days for HIM (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon