Chapter 8
Sky's POV
"Ate pwede pong magtanong??" Nakarating na kami sa baryo, kakaunti ang bahay rito, ang lalayo pa ng distansya.
"Ano yun ineng??" Sabi nung kausap namin nasa mid 30's suguro to base sa itsura.
"Saan po ba yung baryo itok ?? Malayo po ba yun mula rito??"
(Keme ko lang po yung baryo XD wala po akong alam sa mindoro)
"Oo ineng kung ako sa inyo eh ipag pabukas niyo na lang ang pag punta roon, may kakilala ba kayo dito ??"
"Wala nga po eh, doon po sa baryo na yun me kilala po ako eh sabi niyo nga po ipag pa bukas na. Wala naman po kaming matutulugan."
"Naku sige dito na kayo tumuloy, ako lang naman tsaka yung anak kong babae ang nandito halika pasok kayo.."
pumasok yung ale.
"Yuri ko sa tingin mo mabait yun?? Di kaya mga aswang sila??"
"Tigilan mo nga ko Sky nag magandang loob na nga yung tao eh, tsaka aswang hello?? Bahala ka dyan kung gusto mo dyang matulog eh di dyan ka!!" Pumasok sya sa loob, sumunod naman ako agad.
"Halika pasok kayo.. Anak may mga bisita tayo!!"
"Sandali po nay... sino po ba yan?? AY magandang hapon po sa inyo" bati nung anak nung Ale halatang galing ito sa pag lalaba.
"Ako si Lourdes at ito ang anak ko si Mayumi. Tara maupo kayo, mayumi ibili mo sila ng makakain doon!" Sabi ni Aling Lourdes.
"Naku wag na po Aling Lourdes nakaka abala pa po tsaka kakain lang po namin"
"ganun ba eh sige, siya nga pala dadalawa ang kwarto dito isa sa anak ko palilipatin ko na lang sya sa kwarto ko at doon kayo sa kwarto ng anak ko, at pasensya na alam kong taga maynila kayo wala kaming kutyon banig at kumot lang nandito.."
"Ok lang po yun Aling Lourdes ang patuluyin kami dito eh malaking bagay na, siya sige po saan po ba ang magiging kwarto namin??"
"Ayan yang pintong yan.." Tinuro ni Aling Lourdes yung pintuan, binuhat ko yung mga gamit namin at pinasok sa loob ng kwarto..
"Paano to Yuri, walang papag o upuan para tulugan ko??" Sabi ko alam ko namang di niya ko patatabihin sa katre na yan.
"Bakit doon ka matutulog?? Sinabi ko bang dun ka matulog?? Sige ikaw din!" Nilapag nya na yung bag niya sa katre at kumuha ng damit.
"Talaga Yuri ko pwede tabi tayo dyan?? Di mo ko sisipain, susuntukin?? O ihuhulog??" Tumabi ako sa kanya..
"Ganyan ba talaga iniisip mo sakin, mabuti naman akong tao alam kong pagod ka rin. Pero Sky tandaan mo ! Pag ako ginapang mo malilintikan ang malilintikan sayo!!" Napalunok ako dun .. nakakatakot..
"Yes ma'am!!" Sumaludo pa ko.. Nag dala sya ng damit at yung pouch niya at lumabas ng kwarto may dala rin syang tuwalya.
"Aling Lourdes saan ho ang banyo niyo??"
"Labas ka sa bakuran ineng doon may poso mag iigib muna kayo ng tubig.."
"Ipag iigib kita Yuri ko ^^"
"Kung ako sayo eh wag na lang baka atakihin ka pa sa puso!"
Tama ka sa gagawin ko nga eh maari akong atakihin sa puso pero di ko namang hahayaang ikaw ang mahirapan.. wag sana ako atakihin ngayon.. wag muna...
"Ano ka ba malakas yata to!!" Itinaas ko pa ang mga braso ko.
"Wala akong makita sa braso mo, kundi taba!!"
BINABASA MO ANG
A Hundred Days for HIM (COMPLETED)
Teen FictionI just trying to make a Guy story puro na lang kasi mga girls eh ^^ I hope you enjoy this one. Pa alala po mga kaibigan mature scenes will occur kaya if di ito ang kind na binabasa mo wag mo na lang basahin :) Read, support my pleasure ^^