Chapter 15
Sky's POV
"Honey umuwi ka na.." I caress her hand.
"Dito ako matutulog, di kita iiwan dito!"
"Makakasama sayo na nandito ka sa ospital baka mag kasakit ka dito.."
"Sky! Di naman ako makakatulog pag nasa bahay ako, ngayong alam kong nandito ka sa ospital!!"
Sinugod na naman ako kaninang umaga dito ni Yuri, sumuka na ko ng dugo sabi ni mama di na daw tinatanggap ng katawan ko yung mga gamot.. Kaya pansamantalang di ko muna iinumin ang mga gamot ko..
Gabi na kaya pinapauwi ko na si Yuri, ayoko namang dito sya matulog..
"Honey sige na, umuwi ka na.."
"Ang kulit mo naman eh, sinabi kong dito ako dito ako!!" Inubob niya ang mukha niya sa higaan ko..
"Ayaw ko lang naman na dito ka matulog eh.." I stroke my hand to her hair..
Di niya na ko inimikan, first day na first day namin dito agad kami sa hospital nag h-honeymoon..
*****
Its exactly 55 days..
"Oh kumain ka na.."
"Ayaw ko nga!!" Tinalukbong ko ang kumot sa akin..
"Sky..." Yuri just sigh.. I know nahihirapan na siya sakin, kaya minabuti ko na ganito na tratuhin sya na parang wala lang para kapag nawala na ko di na sya mahihirapan..
"Clydel Sky, wag mo naman pahirapan nang ganyan si Yuri! Bakit ka ba nag kakaganyan??" Nandito rin si Ate dahil di na nga ako mapakain ni Yuri kahit mapa inom ng gamot, ayoko na kasi sinusuka ko lang din naman..
"Ayokong kumain, ayoko bakit ba pinipilit niyo ko!"
"Ewan ko sayo Sky!! Yuri ikaw nang bahala dyan sa asawa mo!!" Umalis na rin si Ate, gabi na rin kasi. 2 weeks na nang makalabas ako ng hospital at di ko alam parang sobrang hina ko na, wala na kong lakas sa lahat ng bagay. Alam ko na mahihirapan na sakin si Yuri, pero sinasanay ko lang sya para pag mawala ako eh kakayanin niya.. Madali syang mag m-move on..
"Kumain ka na, iinom ka pa ng gamot mo.." she said.
"Ayoko nga!!" Tinabig ko yung plato kaya nabasag yun.. tumayo si Yuri at pinulot ang mga basag na plato at baso..
"Tumawag ka ng room service ipalinis mo yan!" I said, pero di sya umiimik.. at pinupulot lang mga piraso na nabasag..
"Ano ba! Sabi ko di ba tumawag ka sa room service!!" Tumayo ako at hinawakan siya sa braso binitiwan niya yung mga pirasong yun ng mapatayo siya sa pag kakahawak ko sa kanya.
"Paano kung masugatan ka dun?? Masasaktan ka pa!!" She look straight at me, pain and sadness was on her eyes.
"Wala lang yun sa sakit na nararamdaman ko sa sakit na binibigay mo sakin!" Binitawan ko ng dahan dahan yung braso niya.
"Araw araw ganito, araw araw sinasaktan mo ko Sky, pero di ako sumusuko kasi mahal kita!" Unti unting tumulo ang mga luha niya, sa nag daang ganito ang pag trato ko sa kanya ngayon ko na lang sya nakitang umiyak..
"Bakit mo ba ginagawa to sakin?? Sumsuko ka na ba?? Di mo na ba ko mahal?? Ayaw mo na ba??" Patuloy sa pag tulo ang mga luha niya..
"Ginagawa ko to para sayo! Para kapag nawala na ko makakapamuhay ka nang maayos, masasanay ka na agad!"
"Sa tingin mo ba sa ginagawa mong to eh masasanay ako pag nawala ka?? Kailanman Sky di ako sanay ng wala ka sa tabi ko, kailanman Sky di ako masasanay!! Kaya kung sumusuko ka na ako hindi pero tao rin ako at napapagod rin!!"
BINABASA MO ANG
A Hundred Days for HIM (COMPLETED)
Teen FictionI just trying to make a Guy story puro na lang kasi mga girls eh ^^ I hope you enjoy this one. Pa alala po mga kaibigan mature scenes will occur kaya if di ito ang kind na binabasa mo wag mo na lang basahin :) Read, support my pleasure ^^
