Kinabukasan din, tumawag si Elijah niyayaya siya nito kumain sa labas.
~tumatawag si Elijah~
"Elijah! Bakit?" tanong ni Andy nakaka gising lang
"Ay sorry kaka gising mo lang ba? yayayain sana kita kumain sa labas, pwede ka ba?" tanong ni Elijah
"Ah sige! Anong oras ba?" tanong ni Andy
"Mamaya mga hapon? mga 3:30? Sunduin kita!" sagot ni Elijah
"Ah sige sige!" sagot ni Andy at sabay niya ng binaba ang cellphone niya
Biglang sumigaw si Andy sa tuwa dahil niyaya siya ni Elijah na kumain sa labas, at nag kakaroon na din siya ng feelings para kay Elijah.
ELIJAH'S POV
Liligawan ko na din si Andy, ang tagal ko din tong pinag-planuhan sana sagutin niya ako, okay lang kung hindi rin at least nag try ako.
Sinundo na ni Elijah si Andy, at natulala siya dito dahil nagandahan siya, hindi man naka dress si Andy pero maganda pa rin ang suot niya at maganda pa rin siya. Nakarating na rin sila sa isang mahal restaurant na kakainan nila at napansin ni Andy na walang tao except lang sakanila.
Habang kumakain sila, sumenyas na si Elijah sa mga kaibigan niya at pumasok na sila sa loob ng restaurant at pinuntahan nila sila Elijah at Andy, at binuksan nila ang mahabang cartolina na may naka lagay na "ANDY, WILL YOU BE MY GIRL FRIEND?" at biglang kumanta si Elijah ng Grow Old With You, pag ka tapos kumanta ni Elijah nakita niyang naluluha si Andy.
"Oh bakit ka naluluha?" tanong ni Elijah
"Hindi ko kasi akalain na may gagawa saakin nito, na may mag e-effort saakin ng ganito, at hindi ko akalain na may nag mamahal saakin ng katulad mong Mayaman, Gwapo, Matalino, at higid sa lahat ma pag mahal" sagot ni Andy
ngumiti si Elijah at sinabi niyang "Will you be my girl friend, Andy?"
"Yes Elijah, Yes!" sagot ni Andy at bigla siyang niyakap nito
"Edi ibig sabihin na gustuhan mo na ko?" tanong ni Elijah
"Oo nung summer camp pa" sagot ni Andy
Sumigaw sa sobrang tuwa si Elijah dahil sinagot na din siya ng babaeng akala niya pangarap lang, at ngayon girl friend niya na pala.
"Gusto mo ba pakilala na kita sa parents ko?" tanong ni Andy
"Sige" sagot ni Elijah, at sabay niyang inabot kay Andy ang flowers and chocolates.
Pumunta na sila sa bahay ni Andy at pina kilala niya ang mama at ate niya kay Elijah, at natuwa ang mama niya dahil may nag-mamahal din pala sa kanyang anak, pati ang papa ni Andy na nasa ibang bansa nakilala na din ang 1st boy friend niyang si Elijah. Tuwang tuwa ang family ni Andy dahil nag karoon na siya ng boy friend. Nag usap muna si Andy at Elijah sa labas ng bahay ni Andy.
"Elijah, Thank you" sabi ni Andy
"Wala yun, may sasabihin pala ako sayo" sagot ni Elijah
"Ano yun?" tanong ni Andy
"Bago kasi ligawan ni Andrew si Faith, nag kita kami ni Andrew at kinausap niya ko, sabi niya na alagaan daw kita sabi niya pa na ayaw ka daw niyang makitang malungkot gusto niya masaya ka lang daw palagi, at gusto niya rin na kahit hindi na daw kayo mag usap gusto niya na ako daw tumayong best friend mo" sagot ni Elijah
"Bakit ngayon lang ito sinabi saakin? dapat pala hindi ko siya inaway, dapat pala nag pa salamat ako sakanya dahil nilapit niya saakin yung magiging boy friend ko" sagot naman ni Andy
"Sorry kung ngayon ko lang sinabi" sabi naman ni Elijah
"Okay lang yun, kung hindi niya yun sinabi malamang hindi tayo aabot sa ganito" sagot ni Andy
"I love you, Andy" biglang sagot ni Elijah at hinalikan niya ito sa noo
"I love you too" sagot ni Andy at yinakap niya si Elijah
"Sige na, uwi ka na. Ingat ka ha!" dagdag ni Andy
"Sige, bye. I love you! Goodnight!" sagot ni Elijah
"Good night i love you too" sagot ni Andy
ANDY'S POV
sobrang saya ng araw ko ngayon dahil naging kami ni Elijah, sana mag tagal kami, hindi ko talaga makaka-limutan ang araw na ito at maraming maraming salamat sa Diyos!
ELIJAH'S POV
Thank you Lord! para sa araw na ito, at syempre salamat dahil sa mga blessings na binigay niyo po saakin maraming salamat po. Ang saya ko talaga ngayon dahil naging kami na rin ni Andy hindi ko akalain na magiging kami ng babaeng pinapangarap ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/15689269-288-k665832.jpg)
BINABASA MO ANG
Helplessly falling in love (COMPLETE)
Roman pour AdolescentsItong story na ito ay tungkol sa isang babae na matagal ng may gusto sa kanyang best friend na gusto lang din naman siya bilang kaibigan, at gusto na niyang umamin kung anong nararamdaman niya sa best friend niya pero natatakot siya baka masira...