( 2009 )
LJ POV
"Wow pare parating na si Lj, ang sexy niya talaga."
Woot Woot...
Sumusipol-sipol pa ang dalawang gunggong na iyon."Hoy mga bastos baka pagbuhulin ko ung mga nguso niyo! Akala mo mga gwapo!" sigaw ko sa dalawang lalaki na mukha namang bilasa na galunggong. Naglalakad kami ng kambal kong si LA papunta ng university, nang biglang sumulpot sa kawalan ang dalawang 'yun.
"LJ, baka pwedeng mahingi ang number mo?" tanong nung isa sa dalawa. Kahit napakaganda ng polo niya with his Black Leather pants. Hindi pa rin nito nadala dahil sa mukha niyang wasak.
Lumapit ako sa kanya. "Hoy, ligawan mo ako kapag tao ka na! CHE!" Tumaas ang dugo ko sa dalawang iyon kaya hinila ko si LA at lumakad ng mabilis para makalayo agad.
"Alam mo LA ang hirap talaga pag maganda andaming bumabastos."
"Oo nga, pansin ko ang taray mo lagi sa kanila, humahanga lang naman diba?" tanong ni LA habang naglalakad at paalog-alog pa ang taba.
"Kailangan ko maging ganito para sa susunod hindi na nila ako babastusin. May point ka naman, alam mo dapat nagpapapayat ka para SEXY TWINS na tayo."
Pareho kami ng kursong kinukuha ni LA. BS Secondary Education pero ang true siya lang naman talaga ung matalino ako panabla lang. Ayaw ko kasi mahiwalay kay LA. Simula pa noong musmos kami ay kahati ko siya sa lahat. Nagmula kami sa marangyang pamilya, Doctor si daddy at Nurse naman si Mommy. Masaya kami kahit dalawa lang kaming magkapatid. Sa sobrang busy kasi nila, ayun hindi na kami nasundan.
Kung ako ay masama at mabunganga, ibahin niyo si LA dahil napakapasensyosa niya. Huwag niyo lang siya sasagarin. Kapag nagsalita na kasi siya, I'm sure dudugo ang utak niyo. Valedictorian si LA from Elementary to HighSchool, compare to me. Muntik ng mag-BALIKTORIAN.
As far as I know, wala pang naging BF ang kambal ko. Ewan ko kung bakit? Maganda naman siya at halos kapareho ko, ang pagkakaiba lang mataba siya. Hindi yung ordinaryo na mataba kundi balyena level na.
Guys, wait lang. Ano to talambuhay niya? Ang pagkakaalam ko akin ito Kaya lovelife ko ang ikukuwento ko.
Halos pareho lang kami ni LA in terms of lovelife. NBSB kasi kami, pero hindi dahil panget ako bagkus choosy lang. Kasi ba naman, noong mga bata kami ni LA may nakita akong boy and I know na siya ang Soulmate ko. Naalala ko nung sinave niya me sa mga bully. Unang pagkakita ko sa gwapo niyang mukha at napakagandang mata, nalaglag na agad ang panty ko na may TUESDAY pang nakasulat. Kaya lang hindi kami naging close, in fact BFF siya ng kambal ko.
Ano kaya ang nakita niya kay LA at dun siya nakipagfriendship?
Before kong tapusin ang kwento ko. Xavier ang name ng BF ko.
Chos lang.
"LJ, ano ang nangyari sa'yo?" sigaw ni LA na nagpabalik ng diwa ko mula sa pag-iisip. Wow lang, kailangan talaga may hampas pa sa braso? Hindi ba niya alam kung gaano kalaki ang kamay niya.
"Iniisip ko ang talambuhay mo." tingin ko sa kanya with may evil eyes. Akmang gaganti ako sa hampas niya pero nang makita ko ang laki ng braso ni LA, minabuti ko nalang manahimik. Baka mamaga ang kamay ko kapag hinampas ko siya.
"Puro, ka biro! Nagawa mo ba ang mga assignment mo? Baka tinulugan mo lang?" tanong ni LA habang naglalakad kami sa bukana ng university with her baduy OOTD.
"Syempre! nakopya ko kanina habang naliligo ka!" sabay simpleng ngiti.
Ano kasi ang isasagot ko 'dun? Make-up, Victoria Secret at Prada?
BINABASA MO ANG
SEXY Twins (ONGOING)
Chick-LitMasaya ang pagiging sikat dahil sa kasexyhan at ganda... pero dahil sa kabiguan sa pag-ibig, Magbabago ang lahat..... ngunit paano kung sa pagbalik ng dating pag-ibig....? MAS MALAKI KA PA SA "BALYENA"!!!!! Handa ka bang pagpanggapin ang iyong twin...