Chapter 3 : Cooking

248 19 9
                                    

(2009)

LJ POV

"Class, please take your seats." Pumasok na si Sir Kyle. Siya ang prof namin na mukhang artista. Ewan ko ba kasi sa kanya, dapat showbiz ang pinasok niya at hindi school. Pinagpapantasyahan siya ang ng lahat lalo na ng baklitang si Eva. Hindi kasi nalalayo ang age niya.

"Girl nandito na ang jowa ko."  Bulong ng malanding si Eva, nakahawak pa sa tiyan at akala mo ay naiihi na.

"Gaga, ang balita ko BF siya ni Claudette ung maarte na lagi akong kinakalaban sa mga contest sa school."

"Hoy, kapag narinig ka ni Sir sigurado ako na masosopla ka niya" napansin ni Sir na nagchichikahan kami.

"Baka pwedeng ikwento niyong dalawa ang bulungan niyo?" sabat turo sa amin ni Sir. Kinakabahan ako, hindi niya naman siguro narinig ang sinabi ko. Kapag nagkataon malalagot ako.

Umupo ako ng maayos "Sir, wala po. Pinaguusapan lang namin yung lesson kahapon" palusot ko. Malamang hindi sila maniwala dahil boba nga ako.

"Okay! So Miss LJ. Please stand-up and refresh us of the lesson yesterday." OMG! Ano daw? Absent nga pala ako kahapon. Kakaisip ko kay Xavier, nagugulo na ang isip ko.

Tumayo pa rin ako "Sir, sorry. Absent po ako kahapon," napakamot na lang ako ng ulo. Nakatingin ang lahat sa akin. Nakakahiya talaga.

Lumapit si Sir "So nagsinungaling ka?" nangangatog ako dahil nakatayo siya sa harap at nakakunot na ang noo. Mabebengga na niya ako .

"Sir, sorry na" nagsimula ang pagmamakaawa ko.

"Mr. Eduardo, ikaw nalang ang magkwento sa amin." nashock ang baklita, obvious na nashoshokot siya. 

"AHH EHHH! Sir ang gwapo mo daw. Yun ang pinag-uusapan namin." nawala ang landi sa katawan. 

Nagtawanan ang lahat. 

"Bet ni LJ si Sir!: sigaw nung isa pang baklita na kaaway ko naman. Kakalbuhin kita mamaya! PROMISE

Mukhang ako pa ang maiissue kay Sir. Baka makarating pa ito kay Xavier my loves.

"Okay, sana sinabi mo kanina para hindi na humaba pa ang usapan." Feeler din itong si Sir Kyle. Anong akala niya bet ko siya? I know gwapo siya but He's not my type!

Umupo ako at nagsimula na ang lesson. 

Lagot ka sa akin Eva, kukurutin ko yang pwet mo. 

-------

"EVA!!!"

"SORRY ATENG!"

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay binegga ko na siya. Nakakahiya ang nangyari kanina at baka matismis pa me. 

"Loka ka! Bakit mo naman sinabi 'yun? Pwede namang magpalusot ka ng mas kakaiba." kinurot ko siya sa pwet pero parang makiliti pa ang loka. 

"Ateng, keri na 'yun. Bad publicity is still publicity!" wala akong naintindihan. Ano pa ba ang magagawa ko? Bff ko siya kaya peace na.

Hinug ko si Eva "Sige, na nga. Alam mo hindi kita matitiis eh! Pero realtalk ano ung publicity?" 

"Imbyerna! Huwag mo na isipin 'yun. Duguan na yang brain mo. If ever meron!" binatukan ko. Bastos eh!

Habang rumarampa kami ni Eva sa campus, nakasalubong namin si Xavier. Hindi tulad kanina, inisnab ang beauty ko ko ngayon. Nakayuko lang siya at tila walang nakasalubong nakakilala. At feel ko may something.

SEXY Twins  (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon