Chapter 1

11.4K 199 3
                                    

"Haissst! Kainiiiissss! Kung bakit ba nman sa dinami-rami ng mga boss dito sa buong pilipinas sayo pa ako napunta! "Ang nagmamarkulyo nyang sabi sa harap ng mesa nya. Halos magkanda punit -punit na ang mga paper works na nasa taas ng mesa nya sa lakas ng pagkakahugot nya doon. Sinamsam nya ang mga iyon ng may halong inis at yamot sa kanyang boss. Doon nya nabuhos ang inis na nadarama sa lalaki.
Kakalabas nya lang sa office ng boss nyang si Nigelle. Napagalitan sya nito dahil lamang sa isang balance ng isang customer na di nya naisama sa receipt nito dahil nawala sa kanyang isipan.
"Huh! Kala mo kung sinong gwapo kung pagtaasan ako ng boses. Akala nya isa akong paslit na walang pakiramdam habang pinapagalitan nya kanina sa loob! Makikita mo ring lalaki ka kapag nilayasan kita! Wala ka ng makukuhang kasing efficient na tulad Ko!"ang patuloy nya pa ring pagkausap sa sarili. Talagang di sya matatahimik hanggat di nya naipapalabas ang inis na nararamdaman. Pagkatapos kasi noon parang wala ng nangyari, makakalimutan nya rin ang inis nya basta wag lang ipapaalala sa kanya.
Napasulyap sya ng matalim sa pintuan ng kanyang boss nang pinindot nito ang buzzer hudyat na tinatawag sya sa loob.
Mabibigat ang paang tinungo nyang muli ang pinto nito sabay bukas at dungaw ng kanyang ulo.
"Yes sir? "Ang kalmado at may halong lambing nyang wika kahit nagkukutkot at labag sa kanyang kalooban. Baka kasi makalimutan nya at dumilim ang tingin nya sa kanyang boss kapag pinairal nya ang inis na lumulukob sa puso nya.
"I want you to come inside! "Ang napakunot noong wika nito ng makita syang nakadungaw pa rin ang ulo at parang walang balak lumapit dito.
"Anu na nman po ang kasalanan ko? "Ang bantulot nyang wika sabay dahan-dahan pumasok na para bang anumang oras ay sasakmalin sya nito.
"Alam mo napaghahalata ka talagang guilty anu? Tinawag kita dahil may iuutos akong iba! "Ang pasinghal nitong wika. Humulagpos ang timpi nito.
"Naku sir! Mabuti pang iutos mo na muna yan sa iba at baka madagdagan pang crime ko mamaya sayo!Pulang-pula ka na sa galit oh, mamaya baka tirisin mo na ako sa sobrang inis! "Aniya sabay talikod at magmamadaling lumabas ng opisina nito. Di alintana ang pagtawag nitong pasinghal sa kanya.
Noong una natatakot sya rito kapag napagtataasan sya nito ng boses ngunit kalaunan nakasanayan nya rin. Kung dati di sya sumasagot-sagot dito ngayon nakikipagdebate na talaga sya kahit minsan may mali din sya.
Wala pang dalawang sigundo nasa likuran nya na si Nigelle,inis na sumunod sa kanya palabas.
"Talagang sinusubukan mo ang pasensya ko ha Neraiza? "Ang anito sa likuran nya.
Halos makagat nyang dila sa gulat dito.
"Sir, alam mo ba kung hindi ka lang kasi nagsusungit na parang may red tide eh susundin kita. Kaso puro mali ko lang ang nakikita mo eh. Di mo ba alam na over stressed na ang beauty ko sa pinapagawa mo? "Ang wika nya ng lingunin ito sabay nagdrama sa harap ng lalaki. Iyon na lamang ang last option nya ang magdrama sa harap nito.
"It's your responsibilities to do what I wanted you to do! Because I paid you. "Ang wika nito na humakbang palapit sa kanya. Kapag masyado na itong malapit sa kanya para na syang nagiging anghel na may pakpak dahil magkakagulo na ang kanyang brain cells sa kakaimagine sa boss. Kahit kasi masungit ito ay crush nya pa rin ito. Yun nga lang hanggang crush lang. CRUSH! ang salitang pinigdidiinan nya sa isipan dahil may sosyalera itong girlfriend. Na isang paligo ang lamang sa kanya.
"Err,sir.... anu po bang ipapagawa mo sa akin? "Ang ani nya na boses mabait at medyo nginitian ito kahit napapangiwi sya. Kapag kanuon na kalapit ang lalaki di nya malaman kung bakit nawawala kaagad ang galit nya at tumitiklop sya rito.
"Umakyat ka sa paleta ng mga alcoholic drinks at non-alcoholic products natin. Dalian mo..at ayusin mo ang pagbibilang ngayon din! "Ang wika nito na binigyan sya ng bossy look nito na kinakainisan nya talaga. Nang akma nyang ibubuka ang bibig agad sya nitong inunahan sa pagsasalita.
"No buts! I want you to do it right now! Now gather your pen and inventory paper and move your butt!"binigyan sya nito ng nakakalokong ngiti. Ito ang punishment na ibinigay nito sa kasalanang nagawa nya.
Nakaawang ng malaki ang kanyang bibig ng iwanan sya nito at pasipol sipol na bumalik sa opisina.
"Grrrrr! Naisahan ako ng morose na iyon. Akala nya siguro ang sarap ng feeling tumayo sa matataas na paleta ng drinks?"ang napapapadyak nyang wika sabay hablot ng kailangan at nagdadabog na lumabas ng opisina.
Meron silang tatlong taga inventory. Pero kung bakit sya pa ang personal nitong pinapabilang ng mga products na wholesale nitong binibenta.
"Haist! Kakayamot! Bago ako makababa mamaya halos jelly na ang tuhod ko! "Ang halos mangiyak-ngiyak nyang pagdadrama habang patungo sa malaking bodega. Di nya malaman kung bakit ganito ang tratong nakukuha nya sa among lalaki.

MY ARROGANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon