Chapter 18

2.5K 71 0
                                    


   Halos paliparin ni Nigelle ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na hospital. Patuloy ang paglabas ng dugo sa suot na nahimatay na dalaga.
"Hold on sweetheart.. ..please bear with me. "Ang mahinang usal nya. Hawak ng isang kamay nya ang isang palad nito. Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa balikat nya.
   Nang nagwarning sound sya gamit ang tunog ng sasakyan sa labas pa lang ng hospital. Nakita nyang may stretcher na inilabas ang nakaputing babae kasunod nito ang dalawang lalaki.
   Agad nilang binuksan ang passenger side at binuhat ang dalagang walang malay.
Agad iyon pinasok sa emergency room. Madalian syang napasunod matapos maitabi ang car sa gilid ng hospital.
Gusto nya sanang sumunod sa loob ng emergency room ngunit hinarang sya ng doctor. Agad nitong sinara ang pinto. Napasilip na lamang sya sa maliit na glass window doon.
  Balisa syang nagpalakad lakad sa labas ng emergency. Hindi sya mapakali sa kalagayan ng dalaga. Mayat maya napapasilip sya uli. Hanggang naisipan nyang kalmahin ang sarili at umupo.
  Sapo ang noo habang naghihintay ng paglabas ninuman galing sa loob.
  Napaangat ang kanyang ulo ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng nasabing emergency room .agad syang napayayo at sinalubong ang nakamask na doctor.
  "Doc, how is the patient?"ang kabadong wika nya.
"Are you her husband? "Ang agad nitong wika.
"Yes. "Ang walang pasubaling tugon nya.
"Well, you're lucky. They both safe now. if nalate ka lang ng kunti malamang di naisalba ang magiging baby nyo Mister. "Anito na bahagya syang tinapik sa balikat.
"You mean she's pregnant? "Ang di makapaniwalang tanong nya.
"Yes! Why? You don't know that she's almost three months pregnant?! "Ang medyo nagulat na tanong ng kaharap nyang doctor.
"Am sorry.. I have no idea that she's pregnant. She didn't tell me. "Ang hinging paumanhin nya dito.
"I understand.  Maybe she's doesn't know she's already having your child. So I'll go ahead. "Anito na Kinamayan sya at saka sya iniwanan.
Nanlalambot na napaupo syang muli sa kiauupuan kanina. Di nya mapaniwalaan ang sinabi ng doctor. Si neraiza buntis?! Pero sino ang ama na ituturo nito? Ang natanong nya sa isipan., di nya maaaring skiing kanya nga yun dahil na kikipagkita ito sa ibang lalaki.
    Hihintayin nyang magkamalay ito saka nya kokonprontahin.
Makalipas ang ilang oras muling bumukas ang emergency room. Ililipat sa ward ang babae kaya napasunod sya.
  Wala pa rin itong malay. Napatitig sya sa maputla itong mukha. May kung anung nadama sya para rito. Sinaway nyang sarili. tumaas ang isang palad nya pahaplos sa mukha ng dalaga. Ngunit nakabitin lamang iyon sa ere. Di nya itinuloy haplusin ang mukha nito.
  Napagpasyahan nyang hintaying magkamalay ito ngunit pagkalipas ng isang oras wala pa rin past ten evening na sa relong suot.
   Lumabas sya para kumain sa canteen. Saka muling bumalik. Ayaw nya sanang umuwi kaso pinababalik sya ng nurse Kinabukasan dahil may itinurok sa babae para makapagpahinga ng mahaba. At bukas na nga ang gising nito.
    Naghihinang napadilat ng mata si Neraiza. Inilibot ang mata sa puting silid. Wala syang nakitang tao.
Pagkaraan ng ilang minuto bumukas iyon at iniluwa ang babaeng tantiya nya ay doktor base sa suot nito.
Nginitian sya nito ng makitang gising na sya.
"There you are... you're awake!  How do tou feel mom to be? "Ang magiliw biting wika.
"Am little bit groggy... what do you mean mom to be? "Ang balik tanong nya may pagtataka sa tinig.
"Oh am sorry. I think you haven't know your almost three months pregnant! "Ang wika nito.excited ang tinig na balita nito sa kanya.
"Am pregnant? "ang wala sa sariling tanong nya.
"Yes dear. You should take care of yourself and the baby. Avoid stressing yourself it can cause harm to your baby. Don't get too angry. You're lucky enough your husband arrive here on time before it's too late. "Anito na bahagya pang hinawakan aNg kamay nya .  Di sya nakaimik sa huling sinabi nito . Kaya matapos syang icheck iniwan na sya.
Ayon dito dinala sya ng husband nya rito? Pero sino? Ang naitanong nya. Nahulog sya sa malalim na pag-iisip. The last time she remember before passing out. She's inside Nigelle's office.
    Nasa ganon syang kalagayan ng muling bumukas ang pintuan. Akala nya bumalik ang doctor. ngunit nakita nyang pumasok ang huling taong nanaisin nyang makita at makausap.

MY ARROGANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon