Chapter 23

2.8K 75 0
                                    

Walang pagpilian si Nigelle kundi ang bumalik muli sa table ng mga kaibigan. Di nya pinatulan ang dalawang waiter.
Walang imik syang naglakad sa mga kaibigan matapos silang iwanan ni Neraiza.
  "Did you talk to her? "Ang agad na tanong ni Fred sa kanya ng makaupo sa tabi nito.
"No. "Aniya sabay dampot ng redhorse at nilagay sa bunganga. Nilagok nya iyon ng halos kalahati bago inilapag. "Whoa! Anu yan pare? May nakaaway ka ba at dyan mo naibunton ang inis? "Ani ni Alex sa kanya.
  Di sya sumagot ibinaling nya ang tingin sa dance floor kung saan maraming naggagandahang babae ang sumasayaw. Na nang-aakit ng mga kalalakihan.
   Pero ni isa wala syang may nagustuhan sa mga ito. Iyong iba nga hayagan ang pagpapakita ng motibo sa kanila.
   Sa ngayon hahayaan nya muna ang dalaga. Wala pa ang result ng fatherhood na magpapatunay kung kanya nga ang dinadala nito. 
   Natapos ang gabing iyon na di nya muling  nakita si Neraiza. Dahil ng sya ang magbayad ng bill iba na ang umupo sa loob ng cashier.
  Sumunod na week nakatanggap sya ng call galing sa doctor.
"Its positive. The result is pointing you. "Anito.
"Are you sure? "Ang paniniyak nya.
"Yes! Come here when you're free and see for yourself. "Anito
"Ok. I'll come as soon as am free. "Aniya na biglang nilukuban ng kakaibang damdamin. Nakadama sya ng excitement. Magiging daddy na sya! The only problem is how to encourage Neraiza to take him back again.
   Saka nya na lamang poproblemahin iyon kapag nagkaharap na silang muli sa bar. Sa ngayon masaya sya sa naging result.
  Araw ng friday na nman. Maagang gumayak si neraiza patungong bar. May events sila sa bar. Couple dance contest.
   Nagsuot sya ng isang long sleeve white Polo na tinupi ng kunti sa dulo. Medyo may kanipisan iyon pero di nman halata masyado ang kanyang katawan. Gabi din nman at di masyadong maliwanag ang bar. Pinaresan nya ito ng black short  jeans na hanggang kalahati ng legs. At ang dulo ng Polo nya ay itinali nya sa harapan.
   Nagsuot sya ng bangles earrings at saka white straight cut na sandal na may taas ding tatlong talampakan. Ang kanyang buhok ay nakapony tail na medyo mataas. Naglagay din sya ng lipstick pero yung natural color lang.
   Nang mabistahan ang anyo sa harap ng salamin may ngiti sa labing lumabas sya. Maganda ang araw nya kaya gusto nya mapanatili iyon hanggang gabi. Pampa good vibes sa bar.
   Naalala nya pa ang sabi nina warlon at James. Simula daw ng magwork sya sa mga ito ay lumakas daw ang benta ng business. Swerte daw sya. Well maybe ang baby nya ang nagdala ng swerte.
     Sa bar......
  Napakunot noong napatitig si Nigelle sa babaeng nakatalikod at nagsasayaw kasama ng isang lalaking medyo bata pang tingnan.
   Ang lambot ng katawan nito na nakakuha ng atensyon nya. Marami nmang nagsasayaw doon ngunit ito ang unang nakakuha ng kanyang tingin.
Kakarating lang nilang magkakaibigan noon. Naghahanap sila ng magandang pwesto. Iyong malapit sa dance floor ang napili nilang magkaibigan. Dahil hinayaan nyang ang mga kaibigan na ang umorder ng drinks nila sya nman ay napatutok sa mga nagsasayaw sa dance floor.
   Parang familiar sa kanya ang tindig nito ngunit baka nagkakamali lang sya. Medyo dimlight sa kinaroroonan ng mga ito.  Di nagsusuot ng ganun ang dalaga at lalong di ganun kasexy ito at lalong di ito nagsasayaw ng  ganon ka bold and daring. Halos di na nga maghiwalay ang dalawa sa dance floor but still ang bawat galaw ng katawan ng mga ito ay nakakahalinang tingnan.
   Dumaan sya kanina sa cashier. Iba ang nakaupo doon. Medyo napasimangot at nagtaka sya kung nasaan ang dalaga at di nya pa nakikita sa bar.
  Halos malaglag sya sa kinauupuan ng humarap ang babae dahil pumwesto ang pares nito sa likuran nito. They dance in a slow daring...... napapatanga na nga ang ibang kasabayan ng mga ito. Pinanuod na lamang silang dalawa sa dance floor.
'Damn! Hell no! Can't be Neraiza. 'Ang sigaw ng utak nya na ikinurap kurap pa ang mata baka sakaling namamalikmata sya.
   Pero hindi eh. Dahil si Neraiza talaga ang babaeng nagsasayaw ng daring kasama ang lalaking tanya nya ay mas bata rito.
   Napatiim-baga syang tumayo sa kainauupuan. Nakakuyom ang isang kamao.
"Pare, saan ka pupunta? Di ko alam na gusto mo pa lang sumayaw di ka nagsabi agad! "Ani ni Roy sa lalaking parang walang narinig sa sinabi nito.
Tuloy tuloy syang naglakad hanggang sa pinakagitna ng dance floor kung saan naroroon ang magpares.
   Kapwa nakangiti sina Neraiza at Gale sa pagsasayaw. Ang music na nakaplay ay request nito sa deejay. Gusto daw nitong mahasa ang pagsasayaw kasama nya. Kaya kahit marami syang gawain di nakatanggi ang tito nitong si james ng kinaray sya patungong dance floor. Napapailing na lamang itong nakasunod tingin sa kanila.
  "What the hell is your doing?! "Anito na hinablot bigla si Neraiza.
Nabigla nman ang dalawa sa biglang pagsulpot ng lalaki sa kanilang harapan.
"Who are you man? "Ang may inis na wika ni gale na bahagya pang lumapit sa lalaki.
"Nigelle! "Ang nasambit ni neraiza ng makilala ang lalaki. Di kasi agad naaninag ng dalaga , medyo nasilaw sya sa light na tumama sa kanyang mga mata.
   Walang salitang hinala sya nito  paalis sa dance floor. Ngunit maagap din nman ang binatilyo sa ginawa nito. Humarang ito sa daraanan nila.
"You can't just steal my woman and take her away! "Anito na tinitigan ng masama si Nigelle.
"Let go of my hands nigelle!am not going with you! "Aniya na pilit inaalis ang mahigpit nitong pagkakahawak sa kamay nya.
"Wag kang makialam boy! Tabi! "Ang may diing wika ni Nigelle. Ayaw nyang patulan ang lalaking nasa harap. Ang gusto nya lang is masolo si Neraiza.

MY ARROGANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon