Chapter 10

3.1K 87 2
                                    

Bakas ang inip sa mukha ni Nigelle ng sumulyap sa monitor. Kung saan nakikita nya ang nakatalikod na dalaga. Alam nyang busy ito ngunit bakit di man lang ito  makapasok saglit sa loob. Mayroon naman itong kasama.
   Kahit kasi nasa labas lang ang dalaga pakiramdam nya ang layo pa rin nito sa kanya. Namimiss nya ito kaya napagpasyahan nyang labasin na ito.
   Nakita nyang nakayuko ito at may sinusulat. Kaya napatikhim sya to get her attention.
    Napaangat nman ng paningin si Neraiza. Nagkasalubong ang mga tingin nila ng binata. Napangiti sya rito. May ideya na sya kung bakit ito lumabas ngunit di sya nagsalita.
  Huminto ang binata sa mismong tapat ng table nya. Wala ng mga customer na nakatambay sa office. At ang assistant nya ay nagpunta na sa canteen para maglunch. Tanging silang dalawa lamang ang naroon.
  "Hmmm, you're so busy sweetheart and you forgot about me. "Ang malambing nitong wika kahit bakas sa tinig ang hinampo. 
  "No am not... am just busy nigelle. "Ang wika nya na tiningala ito. Napanguso sya sabay ngiti rito.
"I want to kiss you but... "ang ani nito na binitin ang iba pang sasabihin. Alam nya ang tinutukoy nito. Anumang oras kasi may makakita sa kanila kapag hinalikan sya nito.
   Napadako ang mata nito sa chocolates na nasa gilid ng table nya. Nakaarko ang mga kilay na dinampot iyon ng lalaki .
" what's this? "Ang anito na ikinatingin nya rito. Ipinagpatuloy nya kasi ang sinusulat kaya di nya nakita ang sunod nitong napuna.
  ".white Chocolates ?"ang sabi nya na may halong biro.
"I know it's chocolate! For who? "Ang matalim  nitong tanong na napakunot noo sa kanya. Nakita nyang medyo sumama na ang timpla ng mukha nito.
  "For me. "Ang tipid nyang wika. Tinupak na nman ang kaharap kasi.
"I didn't know you like these kind of sweets. Sasakit ngipin mo nito saka di nman masarap ang mga ito kaya itapon mo na.!"Ang wika nito na di nangiti. Inalog alog pa nito ang box ng chocolate.
"Ayaw ko nga. It's one of my favorite. Rafaelo... brother ni Ferrero. "Ang nanlalaking mata na sabi nya sabay hablot ng hawak nitong chocolate at agad itinago sa drawer ng mesa. Di sya makapaniwala na pagdidiskitahan nito ang chocolates.
"Who gave you? "Ang tanong nito pagkadaka.
"A customer. "Ang aniya nya saka tinapos na ang ginagawa. Malamang matitingga na nman iyon ng ilang oras kapag kaharap ang lalaki ito.
"Who? "Ang wika nito na medyo niyuko na sya. Nakatutok na ang buong atensyon nito sa chocolate na bigay sa kanya.  Wala na talagang balak na ibahin ang usapan.
"Kelangan ba talaga detalyado?" ang napapangiwi nyang  wika na napatitig sa mga mata nito. Pilit binabasa ang nasa isipan ng kaharap. Ngunit blanko na ang nakalarawan sa mukha nito at biglang nagseryoso ,napalis na ang ngiti nito sa labi.
"OK fine. James give it to me. Token of appreciation. "Ang wika nya na di binabawi ang tingin sa lalaki. Pinapormal nya na rin ang mukha.
"James? As in James Rivera?  Yung may brother na celebrity? "Ang paniniyak nito.
  Tumango sya bilang tugon.
"Kelan ka pa nagsimulang tumanggap ng gifts galing sa ibang lalaki.! "Ang naiiskandalong  wika nito na  medyo tumaas ang  boses.
  "Nigelle! Walang ibig sabihan iyang bigay nila. Kapag tinanggihan ko yan sasama an loob ng mga iyon . "Ang di makapaniwalang turan nya sa lalaki. Wala na ito sa katwiran.
"So mas inaalala mo pa ang mararamdaman nila kesa sa akin? "Ang wika nito ng tanungin sya . Di sya kaagad nakahuma sa sinabi kaya muli itong nagsalita .
"OK. don't bother to open your mouth. I know your answer "anito saka tumalikod at inilang hakbang ang pintuan ng opisina nito. Pumasok ito at pabalibag na isinara.
   Napapitlag pa sya sa lakas ng impact noon. Napahugot sya ng malalim na hininga. Nababalot na talaga ito ng sobrang selos. Kaya sinundan nya ito sa loob.
  Nakita nyang nakaupo na ito sa swivel chair patalikod sa pinto. Nakamasid sa monitor.
"Nigelle...... sorry na. Sorry ,I should be more  sensitive to your feelings."ang aniya nya na bahagyang lumapit sa kinaroroonan nito. Ngunit wlang namutawing salita rito kaya muli syang nagsalita.
"Nigelle nman oh....sorry na please "ang pakiusap nya sabay hakbang muli sa likod nito. Di pa rin sya nito nililingon. Kaya kahit galit ito niyakap nya pa rin mula sa likuran. Nilagay nyang mukha papatong sa kanang balikat nito.
"Sorry na...... I love you. Kahit isang libo pang lalaki ang magbigay ng chocolates sa akin. Ikaw pa rin ang love ko. please......... "ang mahinang bulong nya. Nararamdaman nyang namumula ng mga mata nya.  Namumuo na roon ang mga luha na anumang oras ay nagbabadyang malaglag.
   Naramdaman nyang humawak ang kamay nito sa braso nyang nakayakap dito. Akala nya papalisin nito iyon ngunit nabigla na lamang sya ng pinaikot sya nito at hinila pinaupo sa kandungan.
  Medyo nakahilay pa ang naging position nya sa kandungan ng lalaki. Para tuloy syang isang bata na handang ihele ng ina.
   Sinalubong nyang mga titig ng lalaki na nanunuot hanggang buto. Sumupil ang ngiti nito sa labi saka ibinaba ang mukha. Walang namutawi sa kanilang mga labi. Kapwa nakatitig lamang sa isat isa hanggang maglapat ang lips nilang dalawa.
  Nag-ugnay ng ilang minuto saka tinapos at inayos sya sa  pagkakaupo.
"You know am a possessive man Neraiza. I hate someone fooling around me!"ang serious nitong wika. Napatitig sya rito. Naramdaman nyang kumawit ang mga bisig nito sa kanyang bewang at hinapit syang lalo sa katawan nito.
  "I know sorry. It won't happen again. "Ang wika nya na iniyuko ang ulo pero inangat iyon ng lalaki.
"Akin ka lang neraiza! I meant it. "Anito saka inabot ang labi nya. Marahas sya nitong hinalikan. Kahit gusto nyang magprotesta di nya ginawa dahil baka magalit na nman ito. Naglulumikot ng kamay nito sa kanyang katawan. Di nya napansin na nabuksan na nito ang kalahati ng suot nyang uniform. San Miguel uniform ang suot nya. Polo white and slacks pair. May logo ng company nila at san Miguel corporation.
  Naghahanap at dumadama hanggang dumako ito sa likod ng bra nya. Bigla nya itong pinigil sa nais gawin. Alam nyang anumang oras di nya na ito mapipigil kapag lumalim ang init na nararamdaman nila. Dama nya ang naghuhumindig nitong pagkalalaki sa pang-upo.
   Umangat ang mukha nito sa kanya nagtatanong ang mga tingin. Nababasa nya ang pagnanasang nakalarawan dito.
"I don't waNt someone caught us in an awkward situation. "Ang wika nya na kinawit ang dalawang kamay sa batok nito. Binigyan nya ito ng nagpapaunawang tingin.
  " I get it. We'll continue this later.... "ang pilyong wika nito saka hinalikan sya ng mabilisan at  pinakawalan.
Tatayo na sana sya para ayusin ang sarili ng pigilan sya nito.
Nagtatakang napatitig sya rito ,ngumiti lang ito saka hinawakan ang damit nyang nangalahati na ang bukas. Ibinalik nitong muli ang button sa butas. Nang matapos iyon inayos rin nito ang buhok nyang bahagyang nagulo. sinuklay iyon ng daliri ska sya tuluyang pinakawalan.
"I need to go out now. "Aniya na  tumalikod  paalis. Nakahawak na sya sa door knob ng nagsalita ito.
"Umurder ako ng lunch, don't go in the canteen. "Anito na ngumuso pa sa kanya. Natawa na lamang sya sa lalaking seloso at matampuhin. Naiiling na lumabas na sya ng tuluyan.
  Buong buhay nya ngayon pa lang sya nakaranas sumuyo ng lalaking nagtampo dahil sa selos . Noon wala syang pakialam sa mga ito. Maybe malalim talaga ang pag-ibig nya sa lalaki.

MY ARROGANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon